KINAGABIHAN mismo ay pumirma si Lucy ng dokumento na nagdedeklarang magpapa-discharge na siya sa ospital. Napag-usapan nila ni Alec na mananatili muna sila sa Cagayan. Hindi na nila itutuloy pa ang plano nila noong sa Maynila mananatili dahil balak ibenta ni Alec ang dati nitong unit. Alam ni Lucy na napakarami nilang kailangang alalahanin kaya naman habang nasa byahe kasama si Caren at Kiko, hindi niya maiwasang sulyapan palagi si Alec.
Nasa likod sila ng sasakyan kasama ang natutulog na si Peppa. Tahimik naman si Kiko at Caren, at kahit na hindi magsalita ang dalawa, ramdam ni Lucy ang pagbabago sa pakikitungo ng dalawa sa isa't isa. Caren doesn't joke around and even her smile seemed fake. Hindi kagaya noon na umaabot sa mga mata nito ang sayang nakapinta sa mga labi.
She made a mental note to talk to Caren about what's going on with her and Kiko. Ngunit sa ngayon, nais na muna niyang ituon ang kanyang atensyon kay Alec. Nakaakbay ito sa kanya ngunit nang iangat niya ang kanyang tingin, napansin niyang nasa labas ng sasakyan ang atensyon nito. Tila ba napakalalim ng tumatakbo sa isip ni Alec at alam niyang may kinalaman ang kanilang sitwasyon sa gumugulo rito ngayon.
Lumunok siya at hinagod ang kanyang palad sa dibdib ni Alec dahilan upang magbalik ito sa sarili. Tumingin ito sa kanya, malamlam ang mga mata at bahagya pang nakakunot ang noo ngunit nang mapansin nito ang pag-aalalang nakapinta sa kanyang mukha, huminga ito nang malalim saka siya matipid na nginitian. "Are you hungry? Pwede tayong mag-drive thru. Mukhang gutom na rin sila."
Lucy forced a smile. "Hindi ako nagugutom but a cup of coffee will be nice."
Alec pushed a few strand of her hair towards the back of her ear before he pecked a gentle kiss on her forehead. Hindi niya napigilan ang pagsara ng kanyang mga mata. God, she missed this. She missed how Alec is treating her. Her romantic side is so effortless and she loves everything he does, from his gentle kisses to his simple touch.
"Alright." He looked at Kiko. "Kiko, stopover tayo do'n sa dati."
Sumulyap si Kiko sa kanila saka mahinang tumango. "Sige ho, Ser." Mayamaya ay tumingin ito kay Caren. "Gusto mo ng McDo?"
Lucy watched the two as Caren threw a glance at Kiko before she shook her head. Bumuntong hininga naman si Kiko saka nito hinilamos ang palad sa mukha. Hindi na rin naman ito kumibo pa kaya lalong naramdaman ni Lucy ang bigat ng ere sa pagitan ng dalawa.
Alec took her hand and entwined their fingers before he kissed the back of her palm. Napabaling tuloy siya rito, at nang magtamang muli ang kanilang mga tingin, tila ba nabasa nito ang kanyang isip kaya mahinang natawa. "Sorry. Can't get enough of you. Sobra kitang na-miss, Lucy."
Siya rin naman. Kahit anong galit niya kay Alec, ni minsan ay hindi nawala sa kanyang puso ang pagmamahal niya para rito. She felt so lost after she left his side and now that they're back together, all she wanted to do is let him hold her as close as possible.
Tumingin ito kay Peppa na nasa kanyang kabilang gilid at nasa isang crate. Mahimbing ang tulog nito habang may patch ang bahagi ng balat na nasugatan ni Joel. Tinawanan pa nga kanina ng mga nurse si Alec dahil matapos idala ni Nero si Peppa sa ospital habang inaayos nila ang discharge papers niya, binitbit ni Alec si Peppa patungo ng emergency room para ipagamot ang sugat ng "baby" raw nito.
They might have thought Alec has loose screw. Good thing one of the nurses went to help. Tinakpan nito ang sugat ni Peppa matapos linisin saka ibinalik kay Alec. Natuwa naman siyang makitang may pakialam na ito kay Peppa ngayon. Alam niyang masaya rin ang biik na makitang muli si Alec dahil kahit may sugat ay napaka-hyper kanina.
Alec sighed. "Kawawa naman si Peppa. Tangina talaga ng gagong 'yon ako mismo ang lulumpo ro'n oras na mahanap ng mga tropa."
"It's my fault. Sa sobrang takot ko, naiwan ko siya sa living room," pag-amin niya.
"No, it's not your fault, Lucy. Sadyang demonyo lang ang Joel na 'yon." He sighed before he clenched his jaw for a moment. "Peppa is so bright. She led me inside."
Napangiti si Lucy. "She is. Noong bagong dating kami sa Pampanga, halos hindi ako pansinin niyan, ha?"
Alec flashed a proud grin. "Daddy's girl, ey?"
Inirapan niya ito kunwari kahit sa totoo lang ay naaaliw siyang makitang hindi na nito nais makipagtalo tungkol kay Peppa. "Oo nga pala, kumusta ang sugat mo?"
"It's fine, baby. I had it checked before we left. The nurse was even flirting with me."
Tumaas ang kanyang kilay. "Oh, yeah?"
"But, oh well..." he smirked and pinched her cheek. "Biniyayaan na ako ng anghel. Hindi ko na kailangan ng ibang langit."
"So anong sinabi mo, hmm?"
Alec moistened his lower lip before grinning wider. Ang mga mata nito ay kumikislap na tila naaaliw sa kanilang usapan. "Sabi ko may anak na ko. Baboy nga lang kahit sexy ang nanay."
Hindi niya napigilan ang matawa saka niya inipit ang tungki ng ilong nito. Oh, she missed laughing like this. It felt like forever since the last time she had a good laugh. Ngunit ang pinakamasarap na bahagi ay ang makasamang muli si Alec. Parang isang napakalaking bloke ang inalis sa kanyang dibdib at alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Alec.
"Naging vegan ako nang umalis kayo. Hindi na ako nakakakain ng sinigang. Ang sarap pa namang magluto ni Manang ng sinigang na baboy." Alec purposely sighed then shook his head. "Anong itatawag ko sa sarili ko?"
Napakunot siya ng noo. "Huh?"
"Kasi may furr daddies eh wala namang furr 'yang si Peppa."
Natatawang umiling si Lucy. "Ewan ko sayo, Alec. Pati 'yan pinoproblema mo."
When the car stopped at a gasoline station, she told Alec she wanted to pee. Ngunit umiral ang over-protectiveness nito at talagang bumaba rin ng sasakyan. Pinagsalikop pa nito ang kanilang mga kamay saka nagsimulang maglakad. Hindi tuloy niya napigilan ang pamumula ng kanyang pisngi lalo nang i-swing pa nito ang kanilang mga kamay na magkahawak na akala mo naman ay nasa park sila at nagdi-date. He's even staring at their hands while a slight smile was written on his handsome face.
Nang iangat ni Alec ang tingin sa kanya, lumawak ang kurba sa mga labi nito at ang mga mata ay tila kumislap. "I missed your hands on mine."
Hindi na napigilan ni Lucy ang mapangiti pabalik kay Alec. Her heart didn't raise like she expected. Instead, she felt a different kind of peace, and it was so beautiful to feel. Alam niyang hindi palaging ganito kapayapa lalo na ngayong maraming nakaabang na problema sa kanilang dalawa, ngunit isa ang sinisiguro ni Lucy. Hindi lamang si Alec ang lalaban para sa nararamdaman nila.
She held his arm and rested the side of her face on it. Yumuko naman ito at hinalikan ang kanyang noo bago sila nagtungo sa comfort room. Nagbanyo rin si Alec sa kabila, ngunit nang matapos siya at lumabas siya ng cubicle, nasa loob na rin ito ng ladies' room, nakasandal sa sink habang nakatitig sa kanya.
A playful smirk made its way to his lips as she took her steps towards him. Nanatili itong nakasandal sa sink ngunit ang mga kamay ay humawak sa kanyang baywang hanggang sa mahatak siya nito patungo sa pagitan ng mga hita nito. He even rested his forehead against hers before he shut his eyes. Nang pigain nito ang kanyang baywang ay kumawala ang isang singhap sa kanyang mga labi kasabay ng pag-init ng kanyang magkabilang pisngi.
"God, ilang oras pa bago tayo makakarating ng Cagayan," he said in a low, disappointed look before he lifted his head to look deep into her eyes. "Gusto na kitang masolo."
Nanuyo ang lalamunan ni Lucy. Aminado siyang nararamdaman niya ang ningas na nagsisimulang tumupok sa kanilang dalawa, ngunit nang maalala niya kung nasaan sila, pilit niyang pinagana ang rasyonal na bahagi ng kanyang isip saka ito sinipat sa dibdib.
"We're in a public restroom. Isa pa, I doubt that we can have s*x once we get to Cagayan. May sugat ka, Alec."
He chuckled softly. "I don't care about my wound. Besides, I ain't gonna f**k you, baby. I'm gonna make love to you." He sighed. "But you're right. We're in a public restroom. I don't want anyone to see what's only mine." He bit his lips seductively before his gaze trailed down hers. "But I really wanna have a taste of those..."
She smiled and playfully trailed her fingertips on his jaw. Pumungay ang mga mata nito sa kanyang paghaplos at ang isang kamay ay humawak sa kanyang batok. The next thing she knew, Alec was already crashing his lips to hers in a deep and passionate way. Her eyes shut as she anchored her arms around his neck. Oh, how much she missed him. She didn't mind the cut on the side of her lip anymore. Lasing na lasing siya sa lalim ng kanilang halik, habang ang mga palad ni Alec ay hindi na napigilan sa pagsuot papasok ng kanyang suot na t-shirt.
She moaned inside his mouth when he gave her boob a squeeze while deepening their kiss. Para siyang tinapon sa nagngangalit na apoy. Sumabunot ang kanyang mga daliri sa buhok nito at lalo niya itong hinatak pababa nang mas lumalim ang kanilang halik. They are so hungry for each other that they almost forgot they're in a public restroom and their friends are waiting for them. Kung hindi pa pumasok ang isang staff ng gasolinahan bitbit ang mop, hindi pa sila mapapahiwalay sa isa't isa.
Halos mabuwal si Lucy. Damang-dama niya ang epekto ng kanilang pinagsaluhang halik. Her knees feel so weak as her sensitive flesh between her legs throbbed for him. Mukhang naramdaman naman ni Alec ang kanyang panghihina kaya nang tignan sila ng staff habang may panghuhusga sa mga mata nito, napatikhim na lamang siya saka niya niyuko ang kanyang ulo.
"Ser, ladies room ho ito. Sa kabila ho ang panlalake."
Lucy cleared her throat, and with heated cheeks, she looked at the staff. "Pasensya na po. Ayaw kasi niya sa panlalake. Ka-federation po kasi, eh."
"Ay talaga?" The gay staff giggled. "Ay wit! Akes din minsan ayaw ro'n. Mga kikiam lang nakikita ko."
Napakurap si Alec, nagsalubong ang mga kilay, at nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ni Lucy, muntik na itong umalma kaya naman hinatak na ni Lucy palabas habang pigil na pigil niya ang kanyang tawa.
"Hey, did you just tell that guy that I'm not straight?" parang hindi makapaniwala nitong tanong.
She bursted into laugh, enjoying his priceless reaction. Si Alec naman ay napabuntong hininga habang iniiling ang ulo. "Hintayin mong makauwi tayo ng Cagayan. Tirik 'yang mata mo."