Kabanata 33

1520 Words
MAINIT na yakap mula kay Tatay Abner ang sumalubong kay Lucy. Halos mabuwal pa ang matanda sa sobrang saya na sa wakas ay nagkita silang muli, siya hindi na lamang bilang si Lucy kung hindi ang dating musmos na paboritong bigyan ni Tatay Abner ng mumurahing kendi. "Andeng..." His voice trembled. "Patawarin mo si Tatang. Hindi kita natulungan noong bumabagyo." Napatingala si Alec, todo ang pigil sa sarili na maluha dahil sa kaganapan. Napasinghot naman si Lucy at piniga ang kamay ni Alec na nakahawak sa kanyang balikat. She can feel how hard Alec is trying to not let his emotions show, and somehow, Lucy is thankful that he's holding on to her as if telling her that no matter what they were and who she may be, he's still going to be there. "Ano ka ba, Tang. Hindi ko man ho maalala ang mga nangyari noon, hindi niyo dapat sisihin ang sarili ninyo. Kalamidad ho ang dahilan ng lahat. Wala kayong kasalanan." Nagpunas siya ng luha saka nginitian ang matanda. "Ang mahalaga nandito na tayo, magkakasama ulit, kaya tahan na ho. Baka mamaya maatake pa kayo sa puso, naku." Alec sniffed and went towards Tatay Abner's side. Umakbay ito sa mabait na matandang lalake saka siya tinignan. Their eyes met, and the moment Alec gave her a comforting smile, she felt a different kind of warmth clawing her heart. "Tama si Lucy, Tay. Masama sa inyo ang grabeng emosyon." The old man's wrinkled and shaking hand reached Alec's arm. Kumikislap sa mga mata nito ang luha dala ng matinding kasiyahan, at malinaw na nakapinta sa mukha nito ang matamis na ngiting tila ngayon lamang nakita ng lahat. "Huwag mo nang awayin, ha? Nang hindi na umalis." Halos sabay silang natawa sa sinabi ni Tatay Abner. Alec even furrowed his brows while he's grinning. "What? Tay naman. Sa bait kong 'to?" Alec joked to lighten the mood. "Alagaan mo si Peppa para hindi ka iwan ni Andeng. Kapag ang lalake matindi ang pagmamahal sa mga anak, mahirap iwan." Napangisi lamang lalo si Alec. Mayamaya ay dumapo muli kay Lucy ang tingin nito, sa pagkakataong ito ay may nalalaman pang paghagod ng dulo ng dila sa labi ang loko-loko habang makahulugang nakatingin sa kanya. "Huwag kang mag-alala, Tay. Hindi na lang si Peppa ang baby rito sa susunod. Wala nang takas sa'kin 'to." Tumawa ang matanda. "Dalhin mo na muna kay Father Mark bukas bago mo punlaan. Ikaw talagang bata ka." Lucy's cheeks burned with their jokes. Ngunit sa katunayan, may parte ng kanyang puso na natutuwa dahil gusto ni Alec na magkaroon ng pamilya kasama siya. She always wanted to be a mother, maybe because she never really had one. Gaya nga ng sabi ni Alec habang nasa daan sila pauwi ng Cagayan, masyado siyang bata nang mawalay sa kanila. She barely remembers the face of her real mother that she somehow hates her mind for keeping the image of her foster Mom instead. Alec chuckled softly but when he felt his wound ached, he swallowed hard and forced a smile. "Oh, siya sige na ho, Tay magpahinga na kayo ulit. Sabi ng mga kasambahay magdamag kayong naghintay sa amin. Aakyat na rin muna kami ni Lucy para makapagpahinga." Mabuti na lamang at hindi na nakipagtalo pa ang matanda. Inalalayan ito ni Kiko na bumalik sa silid nito habang si Alec naman ay hinawakan ang kanyang kamay saka siya tinignan. "Are you okay?" Warmth embraced Lucy's heart as she stared back at Alec's olive eyes. How could this man be so beautiful? He is flawed like everybody else but there's just really something about Alec that made her feel like she's the luckiest woman alive because he chose her. Among the ocean of women he could have indulged himself in, he chose to be with just one. Her. And she's f*****g lucky for that. "DOES IT HURT SO MUCH?" mahinahong tanong ni Lucy. Nakatayo sila ni Alec sa veranda ng silid nito. Nagkalat pa sa ibabaw ng mesang naroroon ang mga ginamit niya upang linisin ang sugat ni Alec pati na ang banig ng pain reliever na ininom nito nang hindi masyadong maramdaman ang sugat. Alec smiled and then pulled her closer. "No, baby. Your presence is healing me." Pinaharap siya nito sa tanawin sa labas saka nito nilingkis ang mga braso sa kanya. She held onto his arm and rested her chin onto it. Nang maramdaman niya ang pagdampi ng mga labi ni Alec sa kanyang ulo, kusang umangat ang sulok ng kanyang mga labi para sa isang matipid ngunit matamis na ngiti. Papasibol na ang araw. Its sunrays kissed their faces as if blessing them with its warmth. Napahugot siya ng hininga saka niya tiningala si Alec na nakatanaw rin pala sa haring araw. "It feels good to see another day with you." His eyes twinkled with joy as if he just won the biggest pot money in the lottery. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya at ang kanyang braso ay marahang piniga bago ito nagsalita. "This isn't going to be the last time we'll witness another morning together, Lucy. After all, you are the Sun I need the most in my life." Pinihit siya nito paharap saka nito hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok patungo sa likod ng kanyang tainga habang may maliit na ngiting nakapinta sa mga labi. "It felt forever, Lucy, and now that you're finally here again, I just want to freeze time and let you feel everything I feel for you. God, woman. You made me fall so hard. Wala nang ahunan 'to." She giggled softly but her laughter got trapped inside her mouth when Alec pressed his lips on hers. Their eyes automatically shut as they savor the beautiful moment. Ni hindi niya na napigilan ang sariling mga braso. She anchored her arms around his neck while he held on her waist as he deepen their kiss. It just feels so good to be kissed by Alec. She feels like a princess who's been trapped inside a lonely tower for so long while he's the knight who conquered everything just to be with her. If she needs to grab a sword and fight by his side just to keep them together, she'll slay everyone who'll get in their way. Nang kapusin ng hininga ay saka lamang naputol ang kanilang matamis na halik. Alec smiled and gently stroke his palms on her side, making her shiver. "Would you like to sleep now?" Mahina siyang umiling. "I think we should do this the other way around this time. Pagod ka at nakatulog naman ako sa byahe." Kinuha niya ang kamay nito saka niya iginiya na pumasok sa silid. Nang makasampa siya sa kama, tumingin siyang muli kay Alec saka niya mahinang sinipat ang kanyang kandungan. "Come here. I'd like to play with your hair." Gumuhit ang napakatamis na ngiti sa mga labi ni Alec. Ni hindi na ito nagdalawang isip. Umakyat ito sa kama saka nahiga sa kanyang kandungan. He stared at her as if she's the Goddess he's been praying to meet in person, and like a faithful servant, he took her free hand and kissed it with all his heart. Napangiti siyang lalo nang pumihit si Alec at biglang binaon ang mukha sa kanyang tiyan. "What are you doing, hmm?" she asked, giggling. Tumingin ito sa kanya, nakangisi. "Wala. Practice lang." Naiiling niya ang kanyang ulo habang nakangisi. "Huwag mong sabihing gagawin mo na talagang ate si Peppa?" "Don't tell her yet. Baka hindi na ako lambingin. Mga babae pa naman ang bilis magselos akala mo laging papalitan." Kumawala ang mas malakas niyang tawa. "Alec, you know we're talking about a piggy, right?" "Shh." Inangat nito nang bahagya ang ulo upang silipin si Peppa na nakatulog sa basket nito. Nang masigurong tulog pa rin ang biik ay muli nitong binalik ang tingin sa kanya. "Hey, you're the one who made her feel like a real baby." "Baby naman talaga siya. Kahit ano pa siya baby ko pa rin siya." "Oh, well she's mine, too." Tinaasan niya ito kunwari ng kilay. "Siguradong-sigurado yata tayo, hmm?" Alec smirked in a meaningful way. "Syempre. Sa akin na lang naman rurupok nanay niya." Sinipat niya ito sa dibdib. "Ang kapal, ha?" Ngumisi ito saka inangat ang kamay upang ilapat sa kanyang pisngi. "Oh, Lucy. If it's for you, I'm willing to be the most shameless person on Earth." He sighed, his playful smirk slowly faded into a sincere half smile. "Seducing you was the best decision I made. Mabuti na lang nilandi kita." Her cheeks heated. "Alec, malandi ka na bago mo pa ako nakilala. Baka mamaya kapag nagsawa ka na sa akin, maghanap ka na ng ibang lalandiin. Lalayasan ka namin ni Peppa for good." He chuckled. "No, ma'am." He placed her hand on his chest. "Maglalandian tayo habambuhay." Her brow c****d. "Habambuhay, huh?" Mahina siyang tumango bago humarap muli sa kanyang tiyan at yumakap sa kanyang baywang. Mayamaya ay nagpakawala ito ng malalim na hininga. "Habambuhay... so you better throw your pills now because there's no way I'm letting you waist another egg..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD