Kabanata 34

1587 Words
HAPON na nang magising si Alec. Mahimbing pa ang tulog ni Lucy dahil na rin sa ininom nitong gamot kanina kaya naman hindi na rin niya inistorbo. Nang makita niyang gising na gising si Peppa at tila naghihintay lamang na bumangon sila, tuluyan niyang dinampian ng marahang halik sa ulo si Lucy. Sandali pa siyang napatitig sa maamo nitong mukha, tila hindi pa makapaniwalang naririto na itong muli sa kanyang tabi. Damn, if this is a dream, he'll do everything not to wake up anymore. Peppa must've read his mind. Gumawa ito ng ingay na tila kinukuha ang kanyang atensyon kaya napabaling siya sa biik saka siya ngumisi. He got off the bed as careful as he can. Nang makatayo ay bahagya pang kumirot ang kanyang sugat kaya sandali muna siyang nakiramdam sa sarili. Lumapit naman si Peppa sa kanyang paanan, tila ba binabati siya. When he felt that the pain is alreadytolerable, he carefully lifted Peppa and carried it in his arms. Hindi niya maintindihan ngunit para siyang biglang nanabik sa bata. Well, Peppa is officially their baby but somehow, he kind of crave for a real one. Iyong kanila mismo ni Lucy. Nahihibang na yata talaga siya, o siguro, sadyang napakatindi lamang ng tama niya rito. He smirked and glanced at Lucy. "Gawa'n natin ng brunch in bed si mommy. What do you say, hmm?" Peppa made a sound as if trying to tell him something. He assumed it's a yes so he went out of the room carrying Peppa in his arms. Nang makita tuloy siya ng mga kasambahay at nina Kiko, nagbatuhan ang mga ito ng makahulugang tingin habang pigil ang mga ngisi. Kiko scoffed. "Ser, nagpa-practice ka na yata, ah?" Napangisi siya nang malapad. "Why not?" Tatay Abner laughed. "Hoy, Alec. Baka naman pwedeng iharap mo muna sa Panginoon bago mo taniman ng anghel?" Tanging ngiti lamang ang naisagot niya sa matanda habang ibinababa sa sahig si Peppa. ""Yon naman ho ang balak ko. Bibwelo lang muna ako." "Kung ako sayo, Ser magmadali ka na. Tumawag si Presidente Vince kanina. Pinauuwi ka raw ng Mama mo," balita ni Kiko. Napawi ang kurba sa mga labi ni Alec at ang kanyng ekspresyon ay unti-unting napalitan ng pagkayamot. "Hindi na lang sila tumigil." "Ano'ng balak mo ngayon, Alec? Siguradong nakarating na sa Mama mo ang kinalabasan ng plano ninyo. Baka mamaya takut-takutin ka ng mga De Vera para lang iwanan mo si Lucy," ani Tatay Abner. He sighed heavily. "Pasensyahan na lang, Tay pero hindi nila ako masisindak. Kahit bawiin pa nila ang lahat ng naitulong nila sa akin, handa kong bitiwan ang marangyang buhay. Besides, may pinaghirapan din ako sa lahat ng mayroon ako. Almost seventy percent of my assets came from my hard-earned money. I didn't milk them for fortune. Sadyang malaki lang ang utang na loob ko sa kanila dahil nakapagtapos ako ng pag-aaral at naging maayos ang buhay ko pero kung ibabala nila sa akin ngayon lahat ng naitulong nila, pasensya na pero wala akong hindi isusuko para kay Lucy." "Tama iyan. Nag-uusap-usap nga kami kanina habang natutulog kayo. Nagpasya kami na kung sakaling kailangan nating iwan ang rancho, handa kami. Pwede naman akong bumalik sa home for the aged. Ilang taon na lang naman ang ilalagi ko sa mundo." "Ako naman, Ser pwede na akong magtayo na lang ng kahit talipapa sa harap ng bahay namin kung sakaling mawala sa atin ang rancho," dugtong ng kasambahay sa sinabi ni Tatay Abner. Nagsalubong ang mga kilay ni Alec. "Are you guys serious? No. Sa atin ang rancho. Dugo't pawis ko ang pinampundar ng lugar na 'to at itong lupang 'to, sa atin 'to. This is our home. Walang pwedeng kumuha nito at walang kakalas sa pamilya natin dito." He rubbed his palm on his neck. "There's no way I won't raise my own family with Lucy with all of you." Nagtinginan ang kanyang mga kasama, napangiti habang pigil ang mga emosyon kaya ngumisi na lamang si Alec. "You have nothing to worry about. I got this. Nakaligtas ako sa kalamidad. Ambon lang ang isang 'to." MADALING ARAW nang magising si Alec at nakitang nasa veranda si Lucy. Nakatanaw ito sa malawak na kalangitang hitik ng mga bituin na animo'y nag-aabang ito ng bulalakaw upang humiling. He can't help but get up and walk towards Lucy. Sa lalim ng iniisip nito ay halatang hindi na rin napansin ang paglapit niya kaya nang yakapin niya ito mula sa likuran ay halos mapasinghap pa ito. "Alec, ginulat mo ako." No, he didn't. She was just too occupied that she no longer realized his chiseled chest was already pressing against her back. He forced a smile and pushed the strands of her hair towards the back of her ear before he pecked a kiss on her shoulder blade. "What's bothering you, hmm? Alas tres na, Lucy." Napansin niya ang pagguhit ng pangamba sa mga mata nito. Palaging ganoon. Sa nakalipas na dalawang araw, tila kahit ngumiti si Lucy ay namamalagi sa mga mata nito ang matinding pangamba. Alam naman ni Alec na maraming gumugulo sa isip nito at isa na roon ay ang Presidente na panay ang tawag sa mansyon. He kept ignoring the President's request to meet. Wala silang dapat pag-usapan dahil si Lucy na mismo ang nagdesisyong makipagkalas dito, at kahit naman pilitin nito si Lucy na manatili sa makasalanang relasyon na iyon, kampante na si Alec. Alam niyang hinding-hindi na nanaisin pa ni Lucy na makulong sa ganoong sitwasyon. "What are you thinking?" he asked in a low, comforting tone. Lucy looked away then breathed out in a heavy way, as if there's huge blocks trapped inside her chest. Maging si Alec tuloy ay nahihirapan sa nakikitang itsura ng nobya. "Marami. Napakarami..." pag-amin ni Lucy. Siya naman ngayon ang napabuntong hininga. Hinawakan niya ito sa kamay at iginiya palapit sa bakal na upuang nasa veranda. He sat on one of the steel chairs and then led Lucy to sit on his lap. Wala namang itong pagtangging kumandong sa kanya saka nito inangkla ang braso sa kanyang leeg. He watched Lucy's gloomy eyes while she played with the tip of his hair. Ang isang palad niya ay namirmi sa may hita nito habang hinihintay niya itong magsalita upang sabihin sa kanya kung anong mga bumabagabag sa isipan nito. Lucy gulped and then flashed a broken smile. "I'm worried. Itong kapayapaang mayroon pa tayo ngayon, hindi ito pang-habambuhay. They will always come after us until there's no other choice left for us but--" "Shhh." He caressed her back and held her chin. "Look at me, Lucy." Tila nagdalawang-isip pa ito kung sasalubungin ba ang tingin niya, ngunit sa huli, malamlam ang mga mata pa rin itong bumaling sa kanya. "Hindi natin kailangang lokohin ang mga sarili natin, Alec." "Lucy, we ain't lying to ourselves. Marami tayong haharapin, but it doesn't mean we will be shaken." His eyes glistened with affection as he entwined their fingers together. "We will survive from all the storms that are coming our way, but this time, together. Hinding-hindi ko na bibitiwan ulit ang mga kamay mo gaya ng pagbitaw ko noon sayo bilang si Andrea..." Namuo ang luha sa mga mata ni Lucy at ang ibaba nitong labi ay bahagyang nanginig. "Mahal kita... at natatakot akong itong pagmamahal ko sayo ang magpapahamak sa lahat." Alec lifted their hands and kissed the back of Lucy's palm. Sumara pa ang kanyang mga mata habang nakalapat ang kanyang mga labi sa kamay nito. God, she just said the words. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa lotto sa tindi ngg kabog ng dibdib niya. Iminulat niya ang kanyang mga mata saka niya ito tinitigan habang may matipid na kurba sa sulok ng kanyang mga labi. "Will you marry me tomorrow, Lucy?" Napakurap ito, halatang ikinagulat ang sinabi niya ngunit mayamaya ay bigla na lamang napahagikgik. Nasipit pa nga ang tungki ng ilong niya. "Ang seryoso na ng usapan natin pero ang galing-galing mo talagang magbiro." He grinned then drew small circles on her lower back while he's staring intently at her beautiful eyes. "Who said I'm joking, baby--" Naputol ang sinasabi niya nang biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang cellphone. Wala sana siyang balak na sagutin iyon ngunit may kung anong pwersang humatak sa kanya upang tignan kung sino ang tumatawag sa kanya ng ganitong oras. Naintindihan naman ni Lucy ang balak niyang gawin. Umalis ito sa kandungan niya saka siya tumayo at naglakad papasok ng silid. Nang makita niya ang pangalan ng Unang Ginang, gusto na sana niyang pindutin ang pulang buton ngunit may kakaiba talaga siyang nararamdaman. Natagpuan na lang ni Alec ang sariling sinasagot ang tawag. He lifted the phone and put it in front of his ear before he glanced at Lucy who's also staring at him with worry in her beautiful eyes. He gulped. "Ma." A series of the first lady's sobs greeted him. "A--Alec. Alec, I can't take it anymore. Kung hindi mamamatay ang babaeng 'yan ihanda ninyo ni Vincent ang sarili kong libingan!" Napapikit siya at napahugot ng malalim na hininga. "Ma, I promise you that Lucy is no longer a threat in your marriage--" "She is! As long as she's breathing, she will always be a threat! Dahil sa kanya kaya nangyayari ang lahat ng ito!" Hailey sobbed harder. "He's filing the papers, Alec..." Biglang napamulat si Alec. "What?" Humikbing muli ang unang ginang. "He's losing his mind, Alec. Your papa wanted to file an annulment for our marriage just for that filthy woman..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD