Kabanata 35

1736 Words
NAIHILAMOS ni Alec ang kanyang palad sa kanyang mukha. Lukot ang kanyang noo dahil sa pag-iisip sa sinabi ng unang ginang, ngunit nang lumabas si Lucy ng banyo, kaagad niyang pinawi ang kanyang madilim na ekspresyon. Tumayo siya mula sa paanan ng kama at sinalubong si Lucy nang mapansin niyang hindi rin maipinta ang mukha nito dahil sa nalamang balak gawin ng presidente. Alec knew Lucy is blaming herself again, kaya naman hinawakan niya ito sa magkabilang siko at hinapit upang dampian ng halik ang tuktok ng ulo. "It's going to be fine, Lucy. Maaayos din ang sitwasyon. Ginawa mo na ang tama. Now it's their time to fix their own mistakes. Si Papa rin nagkamali. Hindi lang one-sided dapat. Hindi pwedeng sa naging babae lang ibuhos ang galit. Kaya may mga lalakeng paulit-ulit na nagloloko dahil may mga asawang ang sinisisi lang ay ang kabit." He gently squeezed Lucy's elbows. "Tinapos mo na. Labas ka na rito." Umiling ito. "No..." Nagbadya ang mga luha ni Lucy. "Malaki ang kasalanan ko kay Hailey. I have to do something, Alec." Napabuntong hininga siya. "Hindi mo naman pwedeng harapin ulit si Papa. He's too blinded right now, Lucy." Lucy gulped and looked him in the eye. "Actually I... I wanted to face Hailey. Gusto kong personal na humingi ng tawad." Napakunot siya ng noo. "Pero, Lucy matindi ang galit niya sayo." "But..." Kinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga palad saka siya basag na ngumiti. "Huwag mo na muna silang isipin. Come on. Nag-aani sina Kiko ngayon ng mangga." "Pero ang sugat mo, baka bumuka na naman 'yan," nag-aalala nitong ani. Ngumisi siya saka niya pinagsalikop ang kanilang mga palad. "Don't worry about it. Your presence is healing the wounds I thought I can never mend anymore." Kitang-kita ni Alec kung papaanong kumunot ang noo nito. "What wounds?" "The wounds I had when I thought I'm going to lose you for good..." KAHIT PAPAANO ay nawala sa isip ni Lucy ang mga bagay na gumugulo sa kanya dahil sa kakulitan ng mga trabahador sa rancho. Alam niya namang ginagawa ng mga ito ang lahat upang matulungan sila ni Alec na mapagaan ang kalooban nila at ipinagpapasalamat iyon ni Lucy. "Friend, masarap 'to i-grahams. Kapag may hinog na igagawa kita basta huwag lang gagamitan ng kalburo para hindi maging hinog sa pilit," ani Caren na umaasim pa ang mukha dahil sa nilalantakang manggang hilaw. "Oo nga, ma'am Lucy. Masarap 'yan gumawa ng graham. Kahit ano naman kaya niyan at masarap talaga magluto," sabat ni Kiko dahilan para mapabaling dito si Lucy. She was expecting Caren to blush with Kiko's compliments. Ngunit nang tignan niya ang kaibigan, nakita niyang parang lumungkot pa ang itsura nito at pinilit lamang ngumiti nang muli niyang balingan. Nang mapansin ni Caren ang pagtataka niya, peke itong ngumiti saka hinawakan ang kanyang braso. "Punta ka sa bahay bukas, friend. Isama mo si Alec. Magluluto ako ng Bicol Express at ginataang hito." Napansin ni Lucy ang pagtitig ni Kiko kay Caren habang nagtatali ito ng kaing ng mangga. Mayamaya ay mukhang hindi rin ito nakatiis kaya nang matapos itali ang kaing, lumapit sa kanila ni Caren habang nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang laylayan ng damit. Lumantad tuloy ang hulmado nitong tiyan na nakita niyang pilit iniwasang silipin ni Caren. Ano bang nangyayari rito? "Ako hindi kasama? Paborito ko ang mga 'yon, ah?" tanong ni Kiko sa tila nanunuyong tinig. Nakagat tuloy ni Lucy ang ibaba niyang labi. Bakit siya pa ang kinikilig? Inirapan ito ni Caren. "Hindi ka kasama. Marami ka namang maanghang na matitikman sa pupuntahan mo. Doon ka magpakasasa." Napailing si Kiko ngunit may munting kurbang lumandas sa sulok ng mga labi. "Hindi mo na lang kasi sabihing huwag na kong tumuloy dahil mami-miss mo ko." Tuluyang nagbangayan ang dalawa. Sa sobrang aliw ni Lucy na panoorin ang mala telenovelang palitan ng linya ng mga ito, hindi niya na napansin ang paglapit ni Alec na kanina ay kasama ng isa pang tauhan para magbilang ng kaing sa kabilang hilera ng mga mangga. Pumwesto ito sa kanyang likuran at yumakap sa kanyang baywang bago nagnakaw ng marahang halik sa tuktok ng kanyang ulo. Nang tingalain niya ito ay napansin niya ang namumuo nitong mga pawis sa noo kaya humarap siya rito. Gamit ang bimpong dala niya na para talaga kay Alec, pinunasan niya ang pawis nito sa marahang paraan. Namirmi naman ang mga palad ni Alec sa kanyang baywang habang titig na titig ito sa kanyang mukha. Tila kumikislap ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya at ang sulok ng mga labi ay may maliit na kurba. Her forehead creased as she slightly smirked. "What's with the stares?" Alec moistened his lips then grinned. "Nothing. Ang sarap lang maalagaan ng ganito." Umismid siya. "Simpleng punas pa lang naman 'to ng pawis mo. I haven't done anything much yet." His eyes twinkled with affection as he gently squeezed her waist. "I got a lifetime to find out what else you're still gonna do for me. Hindi ako nagmamadali." Tuluyang nagwala ang kanyang dibdib at uminit ang kanyang magkabilang pisngi, ngunit ang kilig na nararamdaman niya, mabilis ding napawi nang marinig ang bangayan ni Caren at Kiko. "Heh! Lumayo ka sa'kin, Francis Collado baka masalaksak ko ng mangga 'yang bunganga mo!" Dinampot ni Caren si Peppa na nananahimik sa picnic blanket kaya napakunot ng noo si Alec. "Oh, saan mo dadalhin 'yang panganay ko?" Tumingin sa kanila si Caren. "Iuuwi ko muna nang masukat ko 'yong binili kong skirt sa kanya. Pagsabihan mo 'yang isang alaga mo." Takhang pinanood ni Lucy ang kaibigang nagmartsa paalis bitbit si Peppa. Nang makalayo ito, nagkatinginan silang pareho ni Kiko. "Ano bang problema ng dalawang 'yan? Pauwi pa lang tayo rito ganyan na sila. Hindi pa rin ba sila nagkakaayos?" mahina niyang tanong kay Alec. Napabuntong hininga si Alec. "Well, mahirap manuyo ng babae kapag hindi ka rin handang umamin." He looked at Kiko. "Bitiwan mo na 'yan at sumunod ka ro'n." Tumango na lang si Kiko saka dali-daling tumakbo patungo kay Caren. Pinanood nila ang dalawang mag-agawan sa payong. Nang hindi talaga binitiwan ni Caren, Bigla na lamang itong binuhat ni Kiko kaya nagtititili ang kanilang kaibigan. Napahagikgik si Lucy saka siya sumandal sa dibdib ni Alec. "Pustahan tayo, Alec. Mamaya bati na ang dalawang 'yan." "Sinabi mo pa," natatawang ani ni Alec bago nito kinuha ang kanyang kamay. "Come with me. I'd like to show you something." Tumango na lamang siya. Nang masenyasan ni Alec ang mga tauhang sila na muna ang bahala sa mga inaning mangga, magkahawak-kamay nilang tinungo ni Alec ang pinakalikod ng kulungan ng mga kabayo. Mula roon ay tanaw nila ang Sierra Madre. Malilim din ang kanilang pwesto dahil sa matatayog na pine trees. Nanabik talaga is Lucy sa sariwang hangin kaya nang mapagmasdan niya ang bulubundukin, hindi niya napigilang mapangiti. "Gusto kong bumili ng art mats ko, Alec. Gusto kong pumwesto rito at ipinta 'yan." Alec smiled and pushed her hair towards the back of her ear before he went behind her to hug her again. "You really love art." Tumango-tango siya saka niya pinuno ng hangin ang kanyang dibdib. "Art was... Art was my rescue boat when nobody sailed towards me to save me from the ocean of pain that almost killed me... Pero ngayong nandito ka na, pakiramdam ko hindi na lang balsa ang sinasakyan ko." Tiningala niya ito at binigyan ng matipid na ngiti. "Thank you, Alec for chasing me kahit na ako na mismo ang tumalon sa tubig." Lumambot ang ekspresyon ni Alec at ang kurba sa mga labi nito ay unti-unting lumawak. Mayamaya ay humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya kasabay ng pagpatak ng ilang mararahang halik sa kanyang noo. "You don't have to thank me, Lucy. Ako ang dapat na magpasalamat dahil ako ang pinili mo." Inilapat nito ang isang palad sa gilid ng kanyang mukha saka nito hinaplos ang hinlalaki sa kanyang pisngi. His eyes burned with all the affection his lips can never utter, and when he smiled genuinely at her, she held his wrist and kissed his pulse. "I'm scared about tomorrow, but it doesn't mean I'm not willing to fight just to feel this. Handa akong harapin si Hailey, Alec, hindi lang dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya kun'di dahil alam kong mahalaga siya sayo. I don't want to see you getting stuck in between because one way or another, you're gonna get hurt. Siya ang kinilala mong ina mula nang mamatay si Mama. I don't wanna see you lose another mom because of me, at ayaw ko ring mawala sayo ang lahat dahil lang sa akin." Alec smiled. "Thank you, Lucy, but you gotta understand that if one day, I'm gonna have to choose between you and the world, sayo at sayo pa rin ang magiging tungo ng mga paa ko." May dinukot ito sa bulsang isang maliit na kahon kaya nanlaki ang mga mata ni Lucy. Her heart pounded violently inside her chest as if it wanted to jump towards Alec. Nang buksan nito ang maliit na pulang kahon at nakita niya ang singsing na may maliit na mamahaling bato, namuo ang kanyang mga luha at natutop niya ang kanyang mga labi. "A--Alec?" His eyes twinkled with his genuine emotions as he took in enough breath. Mayamaya ay walang anu-ano nitong binulsa ang kahon matapos kunin ang singsing saka nito isinuot sa kanyang palasingsingan ang singsing. Napaawang na lamang ang kanyang mga labi sa gulat, ngunit bago pa siya makapagsalita, nahawakan na ni Alec ang kanyang pisngi saka nito sinakop ang kanyang mga labi. Her eyes shut and her knees almost gone weak as they shared one of the most passionate kisses they ever shared. Punong-puno iyon ng emosyon at bawat hagod ng mga labi nila sa isa't isa, ramdam ng kanilang mga sistema ang pagmamahal na alam nilang hindi na nila kaya pakawalan pa. Nang maputol ang kanilang halik ay matipid na ngumiti si Alec. "I wanna love you like it's the only thing I am allowed to do for the rest of my life, Lucy." He gulped. "Pagbibigyan kita sa hiling mong harapin si Mama, pero bago kita iharap sa kanya, gusto ko munang masiguro ang isang bagay." He reached for her hand that's wearing the ring then kissed it. "Ikaw na si Mrs. De Vera. Not Papa's but mine. My Lucy De Vera..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD