ISINAMA ni Alec si Lucy sa downtown dahil gusto raw nitong bilihan ng gamit ang pinakamamahal nitong si Peppa. Dahil na-trauma siya sa nangyari sa supermart noong nakaraang araw, mabilis pa sa alas kwatro niyang pinagbuksan ng pinto ng kotse ang dalaga alang-alang sa pride niya.
He will not put himself in another life-and-death situation like that again for a porky.
When they got to the downtown, Lucy dragged him inside a pet shop to buy a feeding bowl, a collar, and a freaking tutu skirt that's supposed to be worn by puppies. Magrereklamo sana siya nang ipakita nito sa kanya ang pink na skirt kaya lang ay nang makita niya ang kislap sa mga mata ni Lucy, umurong ang pagiging reklamador niya at tinuro na lamang niya ang iba pang kulay saka sinabi ritong bilihin na rin ang custard at purple.
Tuwang-tuwa si Lucy dahil akala yata nito ay mahal niya na rin si Peppa. He doesn't, alright? At napaka-weird pa rin para sa kanya na ginagawang baby ni Lucy ang biik kaya lang ay hindi niya maintindihan kung bakit kapag nakikita niya itong nagiging masaya, ang matamis na ngiti at kislap ng mga mata na lang ni Lucy ang nagiging mahalaga.
Nang matapos pumili ng lahat ng gusto nito para kay Peppa, nagtungo si Lucy sa counter para magbayad ngunit kaagad hinawakan ni Alec ang kamay nitong dumudukot ng pera sa wallet saka niya binigay ang card niya sa kahera.
"Charge it to me."
Tinignan siya ni Lucy saka ito umiling. "May pera naman ako kaya ko naman—"
"Keep it." Binalik niya ang tingin sa kahera saka sinenyasang iproseso na ang purchase kaya wala nang nagawa pa si Lucy. Nang mabayaran ang pinamili, kinuha niya ang paper bag saka niya inakbayan si Lucy. "I'm hungry and there's something I really miss."
"Ano?"
"May kainan dito dati na lagi naming pinupuntahan ng..." Napahinto siya sandali. The pain from yesterday lingered in his heart, making his chest heavy. Pilit na lamang siyang ngumiti saka niya pinakawalan ang hangin sa kanyang bumigat na dibdib. "I changed my mind. Sa bahay na lang pala tayo kumain. Let's go to the mall so we can buy you something. Puro yata tee shirt ang baon mong damit. Mainit ngayon maybe you can pick something other than those shirts. Magsando ka nang hindi ka pagpawisan."
Napansin niyang nagbago ang ekspresyon ni Lucy. Napaiwas ito ng tingin at nahilot ang batok. "Huwag na. A--Ayokong makita ang likod ko."
Nagsalubong ang mga kilay ni Alec. "What's wrong with your back?"
Lucy shook her head and looked at him again with a fake smile on her lips. "Bilihan ko na lang ng regalo ang mga tauhan mo tsaka si Caren para kung hindi na kami ulit magkita pag-alis ko, maaalala nila ako kahit papaano."
Lumambot ang ekspresyon ni Alec. Tila naubusan siya bigla ng salita sa kanyang bokabularyo upang isatinig ang kung ano mang naramdaman ng kanyang puso dahil sa sinabi ni Lucy. Bakit ganoon? Isn't the plan is to get rid of her? To not let her be part of the De Vera's world after this? Pero bakit siya mismo ngayon ay hindi na ito nais pang lisanin ang buhay niya?
Hindi siya nakakibo hanggang sa mauna na si Lucy na lumabas. Napabuga na lamang tuloy siya ng hangin at sinundan ito. Nilagay lang nila ang paperbag sa kotse saka sila naglakad patungo sa malapit na boutique. Naupo lang siya sa sofa na naroroon habang dumiretso naman si Lucy sa women's section.
Alec carefully watched her choose her gifts for his employees, but when Lucy looked at his direction, her eyes suddenly widened, her face turned pale, and she dropped the clothes she's holding. Napatayo bigla si Alec nang makita kung papaanong napaatras si Lucy dala ng takot. Napansin niyang nakalihis na ang tingin nito na parang may sinundang kung sino mula sa salaming pader ng boutique.
He immediately held her arm and tried to ask her what's wrong, ngunit takot na takot na dinampot ni Lucy ang mga nahulog na gamit bago nanginginig ang tinig na nagsalita. "U--Uwi na... Uwi na tayo. Uwi na tayo, A--Alec."
Hindi na siya nagtanong pa nang madama kung gaano kalamig ang palad nito nang hawakan ang kanyang braso. Kinuha niya mula rito ang mga damit at ibinigay sa staff upang bayaran. Nang mabigay ang kanilang pinamili, halos hindi na bumitiw si Lucy sa kanyang braso. Panay ang lingon nito sa paligid nang makalabas sila at kahit nang nakapasok na ito ng sasakyan, hindi pa rin tumigil sa pagtingin sa paligid na tila mayroon itong kinatatakutan.
Hinawakan ni Alec ang nanginginig na kamay ni Lucy upang marahang pigain. Nabaling sa kanya ang atensyon nito, ang mga mata ay namumula habang malikot na gumagalaw. "P--Please... Uwi na tayo, Alec..."
Tumango siya at tuluyang binuhay ang makina. Panay ang sulyap niya kay Lucy habang nasa daan sila pauwi, at nang marating nila ang rancho, halos tumakbo ito patungo sa bahay at pumanhik ng hagdan. Lalo lamang tuloy nabalot ng pagtataka si Alec. Kaagad niya itong sinundan sa kanilang silid. Nang maabutan niya ang takot na takot na si Lucy na nagkakalkal sa mga gamit nito, lalo lang tumindi ang pagkunot ng kanyang noo.
"Lucy, what are you looking for?"
She looked at him over her shoulder with her now bloodshot eyes. "A--Alec, may gumalaw ba nito? Naki.. Nakita mo ba ang... Ang gamot ko? Nandito lang... Nandito lang 'yon... Nandito lang..." nanginginig ang tinig nitong ani bago halos itapon na ang mga gamit.
Lucy was already losing control and Alec had a feeling she's about to have a panic attack. Sigurado siyang ang gmaot na tinutukoy nito ay ang gamot para pigilan iyon kaya mabilis siyang humakbang palapit kay Lucy upang tulungan itong hanapin ang gamot.
When they didn't find it, Lucy stood up, went to the dresser, and immediately grabbed her hair brush with her trembling hands. Nagsimula itong magsuklay ng sarili sa mariing paraang habang nakasara ang mga mata. Her lips are pursing while her tears are falling down her cheeks. Nang tila hindi nito makontrol ang sarili ay lalo lang dumiin ang pagsuklay nito sa sarili.
Lalong nag-alala si Alec. Nilapitan niya ito at inagaw ang hair brush saka niya ito niyakap, ngunit ganoon na lang ang hagulgol ni Lucy habang hinahampas ang palad sa ibabaw ng dresser.
"Hey, hey! You're gonna hurt yourself, Lucy!" Kinuha niya ang kamay nito at hinawakang mabuti habang hinahagod niya ang likod nito. He can feel how terrified she is. Her body is trembling and her sobs are just so heartbreaking to hear.
"Lucy, nandito ako. Tell me what's causing you this?" ani Alec sa mahinahong tinig.
She sobbed hard. "Hindi niya... Hindi niya ako titigilan... Hindi niya ako titigilan..."
"Sino, Lucy? Sabihin mo sa akin kung sino."
"Si kuya Jo... Joel..." Humagulgol ito nang husto at ang mga tuhod ay halos manghina na kaya dinala niya ito sa kama at kinandong habang pinakakalma.
Gumuhit ang magkahalong galit at awa sa mga mata ni Alec. Dinampian niya ng halik ang noo ni Lucy saka niya ito lalong kinulong sa kanyang bisig upang tulungan itong kumalma. He wanted to show her she's safe with him, and when her attack subsided, Lucy looked at him with her apologetic, teary eyes.
"I'm... I'm sorry."
"Shhh..." He pushed the strands of her hair off her face. "You don't have to say that pero gusto kong malaman kung bakit mo sinuklay nang gano'n ang buhok mo, Lucy. You could've hurt yourself."
She sobbed and wiped her tears. "When... When my hair was... me.. messy, sinasabi ni... Ni kuya Jo... Joel na... Nali... Nalilibugan siya la... Lalo..." Her body shivered and her tears rolled down her cheeks again. "Nakita ko... Nakita ko siya, A--Alec... Nakatingin siya... Nakatingin siya sa'kin... He grinned at me... Alec... Pagsasamanta... lahan niya na naman ako..."
Lalong sumiklab ang galit ni Alec. Hinapit niya itong lalo habang matalim siyang nakatingin sa labas ng terrace. Mayamaya ay humugot siya ng malalim na hininga saka niya dinampian ng halik ang ulo ni Lucy. "Tahan na. I will never let that motherfucker get near you," he uttered, and he knew in his heart that's a promise he's going to keep.
MADALING araw na ngunit gising pa rin si Alec dahil abala siyang basahin ang kaso ni Lucy na ipinadala ng imbestigador matapos niya itong tawagan nang makatulog si Lucy. Nasa terrace siya ng silid at tutok sa kanyang laptop, ngunit habang binabasa niya ang statements ni Lucy na nakalagay sa dokumento, hindi niya maiwasang sulyapan ang dalaga. Tulog na ito't lahat ngunit malinaw pa ring nakikita ni Alec ang takot na patuloy na naninirahan sa puso ni Lucy.
He sighed and read one of the statements again. "Mabait si kuya Joel. Lagi niya akong pinagtatanggol sa mga bata kapag inaasar akong ampon. Sinasakay niya ako sa likod niya tapos mamamasyal kami sa bukid, pero no'ng nagbinata na siya, kapag sinasama niya ako sa kubo sa bukid, lagi niyang pinapahawak sa akin ang ari niya. Hindi ko maintindihan noon kung bakit niya 'yon ginagawa, at nang tumuntong ako ng trese, doon ko nakita ang halimaw na tinuring kong kuya."
Mahigpit na kumuyom ang mga kamao ni Alec, ang kanyang panga ay umigting at ang galit ay sumiklab nang husto sa kanyang puso habang pinagpapatuloy ang karugtong.
"Maaari mo bang isalaysay kung papaano niya ginawa ang unang krimen?"
"Kakauwi ko po galing ng school. Medyo magulo ang buhok ko dahil hindi ko nasuklay sa maghapon. Nagbibihis ako no'n sa kwarto nang pumasok siya at niyakap ako galing sa likod. Sabi niya libog na libog siya kapag medyo magulo ang buhok ko at hindi niya na kaya pang maghintay na umusbong ang katawan ko. Sinakal niya ako nang manlabban ako saka niya ako sinikmuraan. No'ng nakatakbo ako, naabutan niya ako sa kusina na kumukuha ng kutsilyo. Kinuha niya ang nakasalang na takure at binuhos sa likod ko ang tubig bago niya ako sinampal nang malakas. Nawalan ako ng malay. Nang magising ako, nagawa na niya ang gusto niya. Binaboy ako ng lalakeng tinuring kong kapatid."
Nahampas ni Alec ang mesa saka siya napatayo sa galit. "Tangina!" His hands trembled in fury as he clutched his hands onto his hair. Parang sasabog ang dibdib niya. The thought of Andrea going through the same made it even harder for Alec to contain his anger. Kaya ba ayaw ipakita ni Lucy ang likod nito dahil naroroon ang simbolo ng simula ng bangungot nito?
Halos mabasag ang kanyang mga ngipin sa higpit ng pagkakaigting ng kanyang panga. Uminit na rin ang sulok ng kanyang mga mata sa awa at nang hindi na siya nakatiis, tinabihan niya ito sa kama saka niya ito niyakap nang mahigpit.
He breathed in deeply and kissed her forehead while he's sketching Joel's face in his head. Magbabayad ang gagong 'yon, Lucy. I'm going to make sure of that..