Kabanata 19

1813 Words
HININTAY ni Alec na matapos si Lucy sa pagbibihis bago sila sabay na bumaba. Nasabi sa kanya ni Laila na magandang mai-engage si Lucy sa group talks kaya kinuntyaba niya ang kanyang mga tauhan na maghanda sila ng bonfire. Nagtipon-tipon ang lahat at pinatawag din niya kay Kiko si Caren ngunit sabi raw ng kanyang kapitbahay ay abala ito. Isang bagay na pinagtaka nang bahagya ni Alec dahil kahit gaano kaabala si Caren, isang tawag lang nila sa rancho ay dumarating ito. Minsan nga ay kahit hindi na ito tawagin, basta naisipan nitong mamasyal, bigla na lang itong sumusulpot kaya naninibago rin si Alec na mula nang matapos ang kaarawan ni Tatang Abner ay hindi pa muling namasyal si Caren. Alec shut the door behind them before he fixed Lucy's jacket. Nakatitig lang naman ito sa kanya habang sinisiguro niyang hindi na ito lalamigin, at nang matapos siya ay halos sabay nilang nginitian ang isa't-isa. "Huwag na nating isama si Peppa, Alec. Bedtime na." "Thank God," he replied in a breathy way. Nakurot tuloy ni Lucy ang kanyang tagiliran dahil sa kanyang tugon. He grinned and anchored his arm around her shoulder while he's brushing his hair towards the back. "Bukas na pala 'yong schedule natin sa tattoo shop na nirekumenda ni Kiko. May naisip ka na bang design?" Hinawakan ni Lucy ang braso ni Alec ngunit kaagad din nitong nilipat ang kamay niya sa palad nito upang ipagsalikop ang mga kamay nila. Napatitig si Lucy sa kanilang mga kamay habang dumadagundong ang kanyang dibdib. She doesn't know why but whenever Alec is doing stuff like that, she feels a different kind of warmth. Noong si Vince ang ganoon, naroon ang pakiramdam na kailangan niyang ibalik anuman ang pinadarama nito, ngunit kay Alec, everything she does comes out naturally. "Uhm, wala pa, eh." Alec gently rubbed his thumb against the side of her hand. "I got a suggestion." "What is it?" "The sun, then I'll choose the moon." Napakunot siya ng noo. "Hindi ba baliktad, Alec? Natatakot ka ba kasi mas malaki ang sun?" Alec chuckled softly. "No, of course not. I just... Like the meaning of the sun for you." "Ano naman 'yon?" Matipid itong ngumiti saka na siya giniyang bumaba ng hagdan. "The Sun doesn't borrow its light the way the Moon does." He looked at her. "Maybe you wouldn't get the entire meaning right now but you have your own light inside you, Lucy. You radiate sunlight around you. Hindi mo kailangang manghiram ng liwanag mula sa iba." May init na humaplos sa kanyang puso dahil sa sinabi nito. Napangiti tuloy siya kay Alec saka siya nagpasalamat. "Don't mention it. Halika na. Naaamoy ko na 'yong shanghai." She giggled and shook her head. "Mukha ka talagang shanghai." TAHIMIK na nakikinig si Lucy sa mga tauhang nagbabahagi ng kanilang mga hindi malilimutang karanasan. Most of their experiences should've sounded tragic, ngunit napansin ni Lucy na parang hindi niya madama ang takot ng mga ito o lungkot man lamang. All she saw was nothing but pride that they were able to overcome their problems. Tila ba nagpapasalamat pa ang mga ito na dumaan sila sa kabanatang iyon ng kanilang mga buhay dahil natuto sila, na naging malakas sila. "Kaya ako, naku laking pasalamat ko sa Panginoong inalis niya sa buhay ko ang kumag na iyon dahil kung hindi inadya ng Diyos na magloko siya, baka hanggang ngayon, bugbog sarado pa rin ako o baka nga namatay na ako," ani Renny, ang katulong na minsang nakakwentuhan ni Lucy nang paliliguan niya si Peppa. "Binubugbog ka, ate Renny?" hindi napigilang tanong ni Lucy. "Oho. Wala na ngang maabot na pambili ng pagkain, magagalit pa iyon kapag sinabihang magbanat ng buto nang may pambuhay sa pamilya. Mabilis uminit ang ulo no'n kapag usapang responsibilidad at kapag nagalit, hindi talaga natatahimik hangga't hindi nakapagbubuhat ng kamay." Lumamlam ang mga mata ni Lucy. Napatingala siya kay Alec na tahimik lamang ding nakikinig. Nang madama nitong nakatingin siya ay bumaling sa kanya ang atensyon nito. "Ang tapang nila, Alec. Bakit hindi sila umiiyak kahit ang hirap-hirap ikwento ng mga nangyari sa kanila?" Alec flashed a genuine smile before he gently squeezed her shoulder. "It's because they already healed from the pain their experiences had caused them, Lucy. Once you learn how to turn your pain into power, you will be stronger." She gulped and looked at Alec's employees. "Pero... Papaano?" "Kailangang tanggapin mo na may mga hindi na talaga mababago. Pwede mong subukan, pero kung hindi talaga kaya, take the lessons it's trying to give you. Every experience has a lesson, Lucy. We do not suffer for nothing." He pulled her a little closer to his chest. "Why don't you try to tell us a part of your past? How did you become an artist, hmm?" She tried to recall how, until she found herself going on a trip down the part of her memory lane which she almost forgot that existed. Payak siyang napangiti, at nang mabaling ang atensyon ng lahat sa kanya, tumukhim si Lucy at pinuno ng hangin ang kanyang dibdib nang magkaroon ng lakas ng loob. "I was... I was fifteen. I was barely alive and... And my life felt like it's about to come to an end... At sa totoo lang, hinintay ko ang araw na hindi na muling bubukas ang mga mata ko." She felt Alec's grip tightened as if telling her she's doing alright so she continued. "Pumapasok ako sa eskwela kahit ayaw ng mga umampon sa akin kasi... Kasi sa eskwela, pakiramdam ko kahit paano, ligtas ako mula sa..." Tumukhim siya at pekeng ngumiti, pinipigil ang sariling ikwento ang tungkol sa lalakeng bumaboy sa kanya. "School didn't treat me right either, but the arts room offered me the kind of comfort I was craving for at home. Madalas akong manatili roon kapag lunch kasi... Wala akong pera eh. Hindi ako binibigyan dahil gastos lang daw ang pag-aaral. I walk atleast two kilometers from home to our school because I barely had cash to rent a trike. Naalala ko dati nasira 'yong black shoes ko tapos nagpunta ako sa arts room. I fixed it using the scotch tape I saw in the room tapos pininturahan ko ng marker na black para hindi halata. Tipid." They laughed with what she said, and for the first time, Lucy didn't see judgements in people's eyes when they heard her story. They laughed about it because they think it was a funny experience not because she was embarrassing. Nang tignan niya si Alec ay matipid na itong nakangiti. In his eyes were written how proud he is. Mayamaya ay dinampian nito ng halik ang kanyang noo saka ito bumulong. "You did great. We are all listening to enjoy the stories, Lucy. Don't be scared to talk about stuff you are willing to share." Tumango siya at nang magsimulang magtanong ang mga tauhan, namalayan na lamang ni Lucy ang sariling unti-unting binubuklat ang ilang pahina ng kanyang buhay. MAAGANG nagising si Lucy upang ipasyal si Peppa sa rancho kinabukasan. Tuwang-tuwa ang mga tauhan sa biik dahil suot nito ang tutu skirt na binili nila ni Alec pati ang pink na collar nito. Noong akala niyang hindi siya sasamahan ni Alec, nauna na siyang lumabas buhat si Peppa na mukhang excited din sa kanilang morning walk. Binaba niya ito sa bagong trim na damuhan at sinimulang ilakad-lakad. Napakasarap sa balat ng sinag ng araw na kakasikat pa lamang. The sky above her is like a work of art painted to make those who see it feel the beauty of a new beginnings. Matipid na napangiti si Lucy, dinadama ang sariwang hanging humahaplos sa kanyang pisngi habang binabalikan ang usapan nila ni Alec at ng mga tauhan kagabi. Masarap din pala sa pakiramdam na nakakikilala ng iba kahit sa mga simpleng kwento ng mga ito. It was a pleasure hearing their stories, and somehow, while listening to them, Lucy realized that every person had been in situations they thought they can never get out from anymore. It helped her realize a lot of things and last night, for the very first time, she had the guts to speak about a fragment of her painful past without being afraid that the people around her will only judge her or worse, use the things she shared against her someday. She let the woody crisp scent of her surroundings linger in her nose while she's listening to her favorite songs through her airpods, but when she felt someone held her by her waist and gently kissed her head, she opened her eyes and looked up. A man who seems to just went out of a magazine cover smiled at her in the most genuine and heart-warming way. "Alec..." "Morning," he uttered, his voice still raspy as if he just woken up. "Bakit hindi mo ko ginising? We could have shared coffee before we take Peppa to walk." "Masarap ang tulog mo baka maistorbo lang din kita." "You wouldn't." He moistened his lower lip then gave her waist a gentle squeeze. "Kaso oo nga, baka maubos ang oras natin kung ikaw mismo ang gumising sa'kin." Nagsalubong ang kanyang kilay. "Bakit?" A playful grin made its way to Alec's lips as he gave her a meaningful look she's getting familiar with. "You know, last night was... satisfying but..." Uminit ang kanyang pisngi at pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Ang aga-aga mo, ah?" He chuckled softly, Mayamaya ay umakbay ito sa kanya saka nito hinalikan ang kanyang noo. "I'm kidding. Give me that." Inabot niya rito ang dulo ng tali ni Peppa saka sila nagsimulang maglakad-lakad. Nangunguna naman si Peppa na kumekembot ang pwet na parang pinagmamalaki ang skirt na suot nito. Hindi tuloy maiwasang mapangiti nang malawak ni Lucy nang makitang nakatingin din sa biik si Alec. "Aba? Look who's showing off her skirt? Huwag mong sabihing gusto mo na ring maging Victoria's Secret model?" ani Alec na kinahagikgik ni Lucy. Binuhat nito si Peppa sa isang braso saka nito sinenyas ang ulo. "Tignan natin 'yong mga kabayo. Higit isang linggo na tayo rito pero hindi mo pa nasusubukang sumakay sa isa. Sa'kin pa lang." Her cheeks burned. "Alec, ha!" Humalakhak ito. "Kidding." Naglakad sila patungo sa kulungan ng mga kabayo ngunit nang matanaw ni Lucy si Caren na nagwawalis sa kabilang bakod, kaagad siyang huminto at kumaway habang tinatawag ito. "Good morning, Caren!" Caren waved back at Lucy. Ngunit nang magtama ang tingin nito at ni Alec, biglang sumama ang tingin ni Caren. Inirapan nito si Alec saka binalik ang atensyon kay Lucy. "Friend, pasyal ka sa akin minsan. May kailangan tayong pag-usapan. Ikaw lang, ha? Sige. Papasok na ako bago pa masira ang araw ko." Pareho silang napatitig lang kay Caren habang nagmamartsa ito paalis. Mayamaya ay nagkatinginan sila ni Alec, parehong nagtataka kung bakit ganoon ang asta ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD