Nightmare "Ano pa ang gusto mo? Iyan lang ba? Ayos na ba itong mga pagkain na 'to sa'yo?" Halos hindi mapakali si Kriesha sa pagtatanong sa akin. "Kung may gusto ka pang kainin, sabihin mo lang sa akin. Mag-oorder pa tayo." Binalikan ko ng tingin ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Daig pa namin ang parang may pista dahil sa dami ng pagkain na paniguradong hindi naman naming mauubos. "Kriesha, ang dami na nito. Ayos na 'to," sabi ko naman sa kanya. "Hindi natin 'to mauubos." "Uh... Kapag hindi natin naubos, pwede naman nating ipabalot na lang. Let's eat it later at your new house," sabi naman niya. "Wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ko naman sa kanya. "Wala na," sagot niya. "I already finished all the accounts assigned to me by my boss. This day's reserved for us to bond, while

