Venture Nakatanga lamang ako habang nakaupo sa visitor's couch dito sa opisina ni Orion habang pinapanood siyang nagt-trabaho. This was his only condition. He will only allow me to come later on his meeting with Mr. Tan to reconsider the halted project, if I will not work for today and just stay here inside his office. And because I really wanted to help, I stayed. Pumangalumbaba naman ako sa arm rest ng couch at wala sa sarili ko siyang tinitigan na seryoso sa kanyang ginagawa. His lips protruded while his forehead creased. Magkasalubong din ang kanyang kilay dahil sa pagkaseryoso. There's no doubt that Orion's handsome, but he's even more handsome whenever he is serious. Dati ko pa naiisip na magiging magaling siya sa larangang tinatahak niya ngayon. Tama lang talaga na pinakawalan

