Spark "Naiyah..." Nawala ang natitirang sinag galing sa papalubog na araw na nakatama sa'kin nang may tumayo sa aking harapan. Tanging ang dilim lamang ng kanyang anino ang bumalot sa akin, ngunit kahit ganoon ay may nakakatakas pa ring liwanag. Unti-unting nag-angat ang aking tingin mula sa aking tangan na cellphone patungo kay Kuya Caspien na hindi ko masyadong makita. Only his dark silhouette was visible to my eyes as he was covering the setting sun's rays. "Kanina ka pa nandito," pagpuna niya. "Pumasok ka na sa loob ng bahay at nakapagluto na ng hapunan si Tita." Wala kaming klase ngayon dahil Sabado at wala akong ginawa kundi ang manatili rito sa dalampasigan. Bumabalik lamang ako ng bahay para i-charge ang aking cellphone kapag malapit na itong mamatay. Hinihintay ko na baka mag

