Chapter 7

2526 Words
Offer Sobrang lamig ng hangin na bumubuga mula sa dalampasigan ngunit sa init ng kamay ni Orion na nakahawak sa akin habang naglalakad kami sa pinong-pinong mga buhangin sa likod ng aming bahay ay hindi ko na naramdaman ang lamig na handog nito at tanging ang init niya lamang ang nanunuot sa aking balat. Katatapos lamang naming gumawa ng aming takdang aralin. Tinulungan ako ni Orion sa akin at sabi niya ay natulungan ko naman daw siya sa paggawa ng kanya kahit na simpleng nakatabi lang ako sa kanya at tinititigan kung papaano ang ginagawa niyang pagsagot. Napaisip tuloy ako kung kailan ako makakatulong sa kanya. Sa aming dalawa ay laging siya ang nagbibigay at ako naman ang laging tumatanggap. Alam kong hindi dapat ganoon sa isang relasyon. Kahit sabihin pa nilang hindi naman kaming dalawa, ganoon pa rin 'yon. Label lang naman ang wala kami. Gustong-gusto kong makatulong sa kanya pero parang hindi niya na kailangan ng tulong. He can already do everything by himself. Hindi niya rin naman kailangan ng mga bagay na kaya kong ibigay. He can already afford everything that I can give. He obviously has everything that I don't. Hanggang ngayon ay tila palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako ang nagustuhan niya. Alam kong ilang beses ko nang naitanong 'yon at ilang beses na rin niya akong sinagot tungkol doon pero hindi pa rin ganoon kataas ang tiwala ko sa aking sarili para pagtuunan ng pansin ng isang katulad niya. "Our fourth quarterly examination is already next week,” he suddenly said and his grip on my hand tightened. "I'm about to graduate soon." Kumawala naman ako sa kanyang pagkakahawak upang maharap siya ng maayos. I clapped my hands as I smiled widely because I was so proud of him. "You will graduate as the Valedictorian of your batch,” tuwang-tuwa kong sabi ngunit mukhang ayaw niya ng ideyang iyon. I took three steps backward and he almost took a step near me when I stopped him. Itinaas ko ang aking kamay at umaksyon na kunwari'y may hawak na microphone. "Valiente, Orion Davis B., Valedictorian!" Paggaya ko sa boses ng mga nagsasalita tuwing may graduation. Lumapit naman ako muli sa kanya. Nakangisi siya sa akin habang nakataas ang kilay. "Pagkatapos, kunwari ako ang Mommy mo at isasabit ko sa'yo ang medal mo." Pinagdikit ko ang dulo ng mga daliri ko upang makabuo ng bilog gamit ang aking braso. Pakunwari'y isinabit ko ito sa kanyang leeg bilang medalya. Naramdaman ko naman ang paglandas ng kanyang kamay sa aking bewang. Mas idinikit niya pa ako sa kanyang sarili at ikinalma ko na ang aking brasong nakayakap sa kanya bago isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib. I can hear his heart beating faster like it can surpass a thousand beats per minute. I wonder how long his heart can stay beating this fast for me. I hope it will last... or at least, even in slow motion just so his heart can stay beating for me. "I'm going to miss you, Orion..." I sincerely said as I closed my eyes. Humigpit naman ang kanyang pagyakap sa akin. "I can visit you after my classes. I won't let you miss me. And I don't want the thought of missing you too. Gusto ko lagi tayong magkasama,” sabi niya na aking ikinabigla. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. He lowered down his gaze to look back at me. "Hindi ka sa Manila mag-aaral?" tanong ko naman sa kanya. "Hindi ba't ang mga pinsan mo ay doon nag-aral? Kahit si Emma ay doon mag-aaral pagnaka-graduate na siya next year." Ngumiti naman siya sa akin at umiling. "That's our own decision to make,” sabi niya. "Kaya sila doon nag-aral at mag-aaral dahil doon sila gusto nila. May pinsan din akong dito sa Bela Isla nag-aral at hindi lumuwas ng Manila. And I chose to stay here, too. Sa BICC ako mag-aaral. I already took my entrance exam there." "Hindi ba at mas maganda kung doon ka rin mag-aaral sa Maynila?" nagtataka kong tanong sa kanya. "You're a very smart guy, Orion. Mas mahahasa ang galing mo roon." "Ano ang ikinaganda ng pag-aaral sa Manila o kahit sa ibang bansa pa 'yan kung malalayo naman ako sa'yo?" Napabitaw naman ako sa aking pagkakayakap sa kanya. Napakunot ang kanyang noo dahil sa aking pagbitaw at lumuwag din ang pagkakakapit niya sa aking bewang. Hindi sa ayokong malayo siya sa akin pero kung ako lang ang iniisip niya kaya gusto niyang manatili dito kahit na mas maganda ang magiging kinabukasan niya sa Maynila ay hindi ako papayag. "This is about our future, Orion. Your future!" giit ko sa kanya at sinusubukang ipaintindi sa kanya na hindi biro ang pamimili ng kolehiyong papasukan. "You shouldn't take me into consideration when deciding about this one." "Why not?" Mas lalong kumunot ang kanyang noo. "Why won't I take you into consideration if you are part of the future I want to have?" Napatigil naman ako nang dahil sa kanyang sinabi. Kinagat ko ang aking ibabang at saka napayuko. "Ayokong maging sagabal sa pag-angat mo, Orion..." pag-amin ko ng tunay kong nararamdaman patungkol sa kanyang desisyon. "You have a lot of potential in you. You belong there, not here." "When we moved here when I was in first year high school, that was the greatest decision my family has ever made for me. And that is because I met you..." he said before he reached out for my hand. "Beside you is the place where I always belong, Iyah..." he whispered before he kissed the back of my hand. Our examination week passed by so quickly. I didn't take track of time because I'm too busy studying for our final exams. I'm confident that I'll easily pass this year with Orion's help. Speaking of... Orion's mother invited me to have dinner with their family as a celebration that we've finished another year of studying. She also said that it's like a pre-graduation dinner for Orion. Nakilala ko na ang Mommy niya dati. She is very humble and welcoming. Hindi siya katulad nang iniisip kong may pagka-sopistikada. Pakiramdam ko nga ay sa kanya nagmana si Orion ng ugali. Hindi ko nga lang alam sa ibang miyembro ng pamilya niya kaya kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. His father's always at their farm, while her Mom manages their resort even when she's just at home. Kaya hindi ko tuloy nakita ang kanyang ama sa kanila noong dinala niya ako dati at tanging ang ina niya lamang ang nandoon. The car turned to a familiar pathway that was bordered by tall palm trees. At the end of the road, an enormous metal-carved gate was standing tall to guard the mansion. "Sinu-sino ulit ang nandyan sa inyo ngayon?" kinakabahan kong tanong kay Orion nang makitang bumubukas na ang kanilang gate para makapasok ang sasakyang aming sinasakyan. "Just my parents and grandparents,” he said. "It's just an intimate dinner with them. Gusto lang magluto ni Mommy para sa ating dalawa. Plus, my Dad and my grandparents want to meet you." Kaysa mawala ang kaba ay mas dumoble pa ito nang malamang gusto akong makilala ng kanyang pamilya. Pinaalala ko sa sarili ko ang aking suot na floral na bestida na kulay rosas. Isa ito sa uwi sa aking bistida ni Daddy galing Qatar. Para sa akin ay ito ang pinakamaganda sa uwi niyang bistida't mga damit para sa akin kaya ito na ang napili kong isuot ngayong gabi. "If my Mother likes you, there's no doubt that they will also like you, Naiyah. You don't have to be nervous,” pagpapakalma sa akin ni Orion bago naunang bumaba sa sasakyan. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin upang alalayan ako sa pagbaba dahil medyo may kataasan ang sasakyan nila mula sa lupa dahil sa medyo malaking gulong nito. Orion didn't let go of my hand as we entered their gracious mansion. Malayo pa kami sa dining room ngunit naririnig ko na ang mala-anghel na tawanan ng mga naroroon. Mas lalo tuloy kumabog ang puso ko at napakapit na lang ako ng mariin sa kamay ni Orion. He glanced at me because of that before he chuckled. "Oh! Finally!" Tita Cora stood up when she saw Orion and I entered the dining room. Lumapit siya sa akin upang halikan ako sa aking pisngi. "Welcome back to our house, Naiyah,” malambing niyang sabi sa akin. "I've cooked a lot of dishes. I hope you will like them,” sabi niya bago inilahad ang hapag na punong-puno ng pagkaing hindi ako pamilyar. Orion's father raised his eyebrows while wearing a teasing grin. "Why don't you introduce us to this beautiful girl you're with, son?" Bahagya namang tumawa si Orion at hinapit ako sa bewang, papalapit sa kanya para maiharap ako ng maayos sa kanyang pamilya. "Dad..." He trailed before he turned to his grandparents. "Lolo, lola... This is Naiyah Castellano. Siya po ang babaeng nililigawan ko." Tumawa naman ang kanyang Lolo. "Ang bagal mo naman pala, apo. Hanggang ngayon ay nililigawan mo pa rin?" "Tumigil nga kayong dalawa at pinapahiya niyo ang apo ko sa nililigawan niya,” suway naman ng kanyang Lola. Napalingon naman ako kay Orion na namumula ang tenga habang nakangisi. "I think it's a bad idea to bring her here,” sabi ni Orion. Mas lalong natawa ang kanyang pamilya dahil sa kanyang sinabi. I never thought that his family would be this light to me. Even when their family is at the top, I feel like I belong to them with the way they joke around while I'm here. Nakangiting napailing na lamang si Tita Cora bago ako hinarap. "Halika na't umupo ka na dito, Naiyah. Huwag ka mo nang pansinin ang biruan nila,” sabi naman ni Tita Cora at hinablot na ang aking kamay mula kay Orion upang paupuin sa upuan sa tapat ng kanyang Lola na agad akong ginawaran ng ngiti. Agad din namang sumunod si Orion at umupo sa aking tabi. Pagkatapos ng dasal na pinangunahan ng kanyang ama ay nagsimula na kaming kumain at doon na rin nagsimula ang pangungulit ng kanyang pamilya sa akin. They asked me several questions about me, my family and also about the course that I want to take once I graduated next year. Sinabi pa nila na sa mismong celebration ng graduation ni Orion ay isama ko ang pamilya ko para makilala rin nila. Sobrang taba ng puso ko sa pagmamahal at pagtanggap na pinaparamdam at pinapakita nila sa akin. Hindi ko man lang naramdaman na sobrang layo ng agwat ng kanilang pamilya sa aming pamilya. Pagkatapos kumain ay tumungo kami sa kanilang hardin upang magpahangin. Nagkwento sila sa akin tungkol sa batang si Orion. Hindi ko mapigilan ang matawa habang tinitignan ang mga litrato niya noong bata pa. He's cute and slightly chubby before. Ngayon ay maganda na ang hubog ng kanyang katawan at ubod ng guwapo. Ang lolo't lola niya naman ay maaga nang nagpahinga dahil babiyahe pa pala sila bukas ng madaling araw patungong Cebu. "Oh, Dad! Siguradong magkakasundo kayo ng Daddy ni Naiyah. He also likes wine,” bigla sabi ni Orion. "Well, that's great!" natutuwang sabi ni Tito Oswald bago tumayo. "Oh... Wait there, Naiyah. I'm just going to go to the cellar. I'm gonna give some wine to your father." "Sama na ako, Dad.” Tumayo na rin si Orion. “I know what type of wine her father likes." "Mabuti nga at sumama ka na. Tulungan mo akong mamili." Tumango naman si Tito Oswald at saka nagsimulang maglakad pabalik ng bahay. Nilingon naman ako ni Orion at saka nginitian. "I'll be right back,” sabi niya bago patakbong sumunod sa kanyang ama. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi habang pinapanood siyang papasok ng bahay. He has a great family. "Naiyah, can I ask you something?" Napalingon naman ako kay Tita Cora na mukhang nag-aalangan pa akong kausapin. "Of course po, Tita,” sabi ko naman. "Well... Alam mo ba kung saan gusto ni Orion mag-aral?" she asked me, and she slightly sounded anxious. "He's not opening up to me about it. Malapit na ang graduation niya ngunit hindi ko pa rin alam ang plano niya." Bahagya naman akong nagulat dahil hindi ko alam na wala pala siyang sinasabi sa kanyang ina patungkol sa kanyang mga plano ngayong magko-kolehiyo na siya. "Ang sabi niya po sa akin ay dito niya balak mag-aral. Kumuha rin po siya ng entrance exam sa BICC,” pagsabi ko ng aking nalalaman. Napaawang ang kanyang bibig. "BICC as in Bela Isla Community College?" hindi makapaniwala niyang sabi. "Did you hear him right, Naiyah?" Naguguluhan akong tumango. "Iyon po ang sabi niya sa akin." Napabuntong hininga naman si Tita Cora at mukhang problemado. "May problema po ba, Tita?" nag-aalangan kong tanong. Lumingon naman siya sa akin bago kinagat ang kanyang ibabang labi. "My husband and I offered to let him study abroad. Sinabi na namin 'yon sa kanya last, last month,” sabi ni Tita. "We already passed some of his requirements and he was partially accepted. He just needs to take the entrance exam that I'm sure he will pass to be fully accepted. It's a great opportunity. I can't believe he will just let it pass and study here instead." "But don't get me wrong, Naiyah. I'm not belittling BICC but I know my son could achieve more if he accepts the offer abroad," Tita Cora explained and I understood her sentiments. Gaya nga nang napag-usapan namin ni Orion last week. Gaya ng mga dahilang tumatakbo sa isip ko, nararapat lamang siya roon mag-aral at hindi dito. "I'm sorry, Tita..." I apologized in behalf of Orion. "Ako po ang dahilan kung bakit niya napiling mag-aral sa BICC... Para daw po... Para daw po hindi siya malayo sa akin." Her mouth slightly parted because of my confession before she pursed her lips. She nodded her head. "I understand that my son loves you and he doesn't want to leave you, Naiyah,” she said. "But as his mother, I want more for him." Muli akong napaangat ng tingin kay Tita Cora upang intindihin ang kanyang gustong iparating. "I'm not asking you to break up with my son. In fact, I have nothing against your relationship with him. You can continue whatever relationship you have with him but please... please, Naiyah." She almost begged and her eyes shined because of those tears forming inside it. She reached for my hand and held it tightly while she looked straight into my eyes. "Help me convince Orion to study abroad,” she told me. “I know we both want what's best for him—and that is to study there, right?"  Siguro'y ito na ang hinihintay kong pwedeng maitulong kay Orion. I'm gonna help him achieve his dreams and even more of it. Kahit kailangan niyang malayo sa akin at masasaktan ako, alam ko namang para sa ikabubuti niya 'yon. And besides, I trust him... Huminga naman ako ng malalim at tumango. "I will make him go abroad, Tita." Sabi ko at tipid na ngumiti. "Huwag po kayong mag-alala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD