CHAPTER 22 Naka handusay si Cheska sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Maraming sugat ang kanyang katawan. Nanlumo si Tiffany sa napansing bear trap na umipit at dumurog sa paa ng kaklase. Nag hahabol ng hininga si Cheska. Akmang bubuksan nito ang pinto nang hawakan nang mahigpit ni Pau ang kanyang braso. "Huwag! Mapapahamak lang tayo!" babala niya. Hindi siya pinansin ni Tiffany at itinuloy ang pag bukas. Nag hihingalong gumagapang si Cheska papunta sa kanya. Sinundan ni Tiffany ng tingin ang dulo ng beartrap at nakitang pababa ito mula sa balkonahe. Napansin niya ring naka kabit ang dulo sa isang pulang kotse. Nanginig ang kanyang buong katawan. Tumingin-tingin siya sa paligid at parang nakita niya ang babaeng naka-maskara. Inisip na lang niyang namamalikmata siya. Idinilat niy

