CHAPTER 24 Naging madugo ang planong binalak ni Aliza kaya nag desisyon siyang muling tipunin ang buong klase upang mag-isip ng bagong posibleng solusyon. Umaga na nang dumating ang mga pulis. Agad in-interview isa-isa ang mga estudyante sa seksyon six para maka kuha ng impormasyon na mag papadali sa imbestigasyon. Nakita nila si Ms. Gomez na kinakausap ang mga pulis. Kinausap niya ang nanay ni Tiffany na head ng pulisya sa kanilang region. Nahalata rin nilang iniiwasan na si Ms. Gomez ng kanilang mga kapwa guro ng hawak niyang seksyon. "Ano po bang nangyari, maam?" nalilitong tanong ni Mrs. Mendoza sa guro. "Marami na pong mga namatay na estudyante," nang hihina't mangiyak-iyak na sagot ng guro. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Mendoza. "Bakit nyo po hinayaan na humantong pa sa ganito? Ha

