Chapter 5

2698 Words
Bothered Naalimpungatan ako gabi habang natutulog. Nilingon ko ang digital clock sa tabi ng aking kama at nakitang 11:00 pm pa lang pala. Napaaga pala ang pagtulog ko kanina. Bumangon muna ako at pinusod ang mahabang buhok. Isinuot ko ang aking tsinelas bago tuluyang lumabas ng kwarto. Hihikab-hikab pa ako habang pababa ng hagdan nang mapansin ko na bukas ang ilaw sa kusina. Kalimitan ay sinasara ito ni ate bago umakyat at sa sala ang iniiwang bukas. Sakto naman ay nauuhaw ako kaya nagtungo ako roon para uminom ng tubig. Bahagya akong nagulat nang maabutan ko si Ate Sue na nasa dining table. Nakaupo siya roon na may mga papel at calculator sakaniyang harapan. Nakatukod ang dalawang kamay sakaniyang ulo at tila namomroblema. Mabilis ko siyang nilapitan ngunit halos hindi niya iyon napansin. Nang tumikhim ako ay saka lamang siya nag-angat ng tingin sa akin. Bakas ang gulat sakaniyang mukha nang harapin ako. Nagbaba ako ng tingin sa mga papel na nasa ibabaw ng lamesa. Napansin niya din na nakatingin na ako sa mga iyon kaya maagap niyang dinampot para itago ngunit mas mabilis kong naagaw ang mga iyon sakaniya. “Hariette!” ani niya nang mapagtantong wala na siyang magagawa dahil hawak ko na. I scanned the papers one by one and saw nothing but our bills. First is the electric bill, water bill and many more. Nagbalik ako ng tingin sakaniya. Guilt is very evident on her face. “Ano ‘to? Ganito na kadami yung utang natin ate? Bakit hindi ka nagsasabi?” natataranta siyang tumayo at hinablot ang mga papel sakin habang ako naman ay naghihintay ng paliwanag mula sakaniya. I am not mad at her because of not saying this to me. Nagagalit ako dahil alam kong hindi niya sinasabi kasi ayaw niyang mag-alala ako. “W-wala y-yan! Monthly bills! Ano pa ba? Wag mong intindihin.” Aniya at tumalikod ngunit nagtungo ako sakaniyang harapan. Hinawakan ko siya sa balikat para pigilan anh akmang pag-iwas. “Ate! Wag mo akong lokohin! Monthly bills? Eh halos puro due date na yan eh! Bakit hindi ka nagsasabi sakin?” hindi ko napigilang pagtaasan siya ng boses. She faced me with burning and teary eyes. “Tapos ano? Mag-aalala ka at pipilitin mong magtrabaho? Paano pag-aaral mo? Mapapabayaan? Huwag mo akong intindihin, Hariette! Kaya ko lahat! Nagkataon lang na nagkasabay-sabay!” she immediately wiped away the tears that escaped from eyes. “Ate naman!” I desperately exclaimed. “Hariette, wag mo na itong palakihin! Mag-aral ka lang ng mabuti at ako na ang bahala sa lahat! Kahit maghanap ako ng ibang trabaho na mas malaki ang sahod o dalawang trabaho sa isang araw gagawin ko para satin!” sunod-sunod niyang sabi bago ako tuluyang talikuran. I am so frustrated! Pwede naman ako magtutor online o kaya ay kumuha ng typing jobs! Bakit ba takot na takot siyang pagtrabahuhin ako? Kaya ko ang sarili ko pero kung umakto siya ay parang sanggol ako na kailangang alagaan. Masiyado niyang pinaninidigan iyong mga sinabi nila mommy. Wala ba siyang sariling buhay? Ayaw niya pang mag-explore man lang? I sat at the dining table and cried silently. My heart is breaking because of this. Naaawa ako kay ate kasi kailangan niyang gawin ito. And I really have to do something about it. Hindi ko hahayaan na siya lang ang mamroblema. “Nasaan si Jesusa?” kaming dalawa lang ni Kari sa cafeteria ngayon. Nakakapanibagong makita na hindi sila magkasama gayong halos hindi sila mapaghiwalay nito. “Ewan ko.” Matamlay nitong sagot habang panay dutdot sakaniyang cellphone. “Nag-away ba kayo?” nakatitig kong tanong sakaniya. Saka lamang ito huminto at nag-angat ng tingin sakin. Ibinaba niya ang kaniyang cellphone at tinuon ang atensyon sa tukneneng niya. “Alam mo, Hariette. Parang may mali kay Jesusa nitong mga nakaraang araw.” Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Kari. “Tulad ng? Baka naman busy lang siya.” Ngumiwi lamang ito at tila hindi nakumbinsi sa sinabi ko. “Ewan ko... Pansin mo? Madalang na siyang sumama satin. Halos isang linggo naman na hindi na siya sumasabay sa akin pauwi. Tapos ang lagi niyang dahilan, may gagawin daw siya.” Nakabusangot niyang paliwanag bago ibinalik ang pansin sa kinakaing tukneneng. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko naman talaga napapansin. Siguro dahil masiyado akong okupado sa aking pag-aaral at sa problema namin ni ate. Nilaro-laro niya ang itlog sa sauce nito bago nag-angat muli ng tingin sakin. Nakakakunsensya din. Kahit lagi ko silang sinusungitan ay importante padin sila sa akin. “Sabagay, baka hindi mo napapansin kasi busy ka sa pag-aaral. Wag mo na isipin yung sinabi ko, baka nag-ooverthink lang ako. Kailan nga pala ang susunod na takbo mo?” ngumiti lamang ako bago sinubo ang huling pirasong siomai sa aking harapan. “Next week. Mamaya may warm up kami kaya baka hindi kita masamahan umuwi. Ayos ka lang ba? Pwede din namang bukas nalang---“ “Hindi na! Ano ka ba? Unahin mo na yan, para sa scholarship mo yan. Mabuti ka nga eh. Maganda, matalino at mahusay sa sports. Halos lahat nasa iyo na.” umirap lamang ako kaya agad siyang natawa. “Wala naman akong pera. Kaya wala sa akin ang lahat, Kari. Sige na. Sa gym na ako.” Tumango lamang siya sakin at kumaway. Nakabukod ang running track rito sa Alberta. Medyo malayo din ang lalakarin dahil malaki iyon at malawak kumpara sa pangkaraniwang gym lamang. Bago ako magpunta roon ay nagtungo muna ako sa locker area para kunin ang mga gamit. I was a bit shocked when I saw Jesusa talking with someone on her phone. Nakatalikod siya sa akin kaya malamang hindi niya napansin ang pagdating ko. Siya lang mag-isang tao roon. “Jesusa?” mabilis itong humarap at nanlaki ang mata nang makita ako. Agad niyang ibinaba ang cellphone at ibinulsa. “Ha-hariette? Kanina ka pa diyan?” nauutal niyang tanong habang pilit ngumingiti. Nginitian ko na lamang siya pabalik at umiling. “Kararating ko lang. Nagulat ba kita?” Kaswal kong sabi bago nagtungo sa locker ko. Binuksan ko na iyon at kinuha ang gym bag. “Punta na ako sa oval.” Paalam ko nang hinarap ko siya bago isinakbit ang bag at isara ang locker. Tumango lamang ito sakin at hindi makatingin ng diretso sa mata. Mukha siyang balisa na ewan. I looked at her for a while before turning my back. What is wrong with her? Gustuhin ko mang tanungin kung anong problema ay hindi ko magawa. Parang may nakabarang bato sa aking lalamunan. Siguro hindi lang ako sanay na makialam sa personal na buhay nila. Napahinto ako sa b****a ng locker area at hinarap siyang muli. Bahagya na naman siyang nagitla. “Hinahanap ka nga pala ni Kari. Nasa may cafeteria siya.” I slightly smiled. “Oh… Si-sige. Pupuntahan ko.” Tumango na lamang ako at tuluyan nang tumalikod. Habang naglalakad tungo sa oval ay hindi ko maiwasang hindi alalahanin si Jesa. I am not used of her being like that. Saming tatlo madalas siya ang taga balanse. Makulit si Kari habang ako naman ay masungit, Siya naman iyong neutral lang. Kaya niyang intindihin lahat. Posible din namang may problema siya. Kahit pala mayaman ka at halos nasa iyo na ang lahat ay namomroblema din. Halos matawa ako sa naisip. Malamang, Hariette. Tao din sila. Nang makarating ako sa oval ay nagtungo muna ako sa CR para magbihis ng aking jersey shirt at short. Ipinusod ko nang mataas ang aking buhok para hindi maging sagabal sa pagtakbo mamaya. Paglabas ko ay naabutan kong nagwawarm-up na ang ibang runners. Nagtungo muna ako sa kalapit na bleacher upang ipatong ang bag. “Naabutan din kita.” Halos mapalundag ako sa gulat nang lingunin si Kaiser sa aking likuran. Hindi niya na suot ang puting uniform ngunit nakasuot naman siya ng puting v-neck shirt. Nag-iwas lamang ako ng tingin sakaniya at inayos ang pagkakapusod ng aking buhok. “Anong ginagawa mo rito?” walang gana kong tanong. “Hi, Kaiser!” nilingon ko ang kumpulan ng babaeng players na sabay-sabay siyang tinawag. Napailing na lamang ako. Kaya naman pala siya nandito. At ano ba yang suot nila? Tatakbo ba sila o gagawa ng mahalay na music video? Halos kita na ang kaluluwa at kuyukot! Jesus! Nilingon ko si Kaiser na kinawayan ang mga babae. Hay! Kahit kailan talaga! “Just came here to relax and go sight-seeing.” Mayabang niyang sabi. “Manyak mo talaga.” Kumento ko bago inayos ang sintas ng aking sapatos. Batid ko ang pagtitig niya sakin kaya agad ko siyang nilingon. “Bakit?” “Bakit ka tumatakbo? Hobby?” kinunutan ko siya ng noo. Why is he so curious all of a sudden? “Kailangan kong tumakbo para maretain ang scholarship ko. Isa ako sa ipinapadala para makipaglaban sa ibang universities. Hindi mo ako katulad, kailangan kong paghirapan ang pag-aaral ko. Hindi ako mayaman. Wala akong pera.” Naging seryoso naman ang kaniyang ekspresyon. “Kailangan mo ba ng pera?” seryoso niyang tanong. Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit bibigyan mo ba ako?” “Bakit magpapabayad ka ba? May kapalit syempre—Teka! Biro lang!” inambahan ko siyang papaluin. “Kung gusto mo… Pwede akong makiusap sa daddy ko na ipasok ka ospital namin. Minsan nangangailangan kami ng duduty dun. Kahit front desk, kung ayos lang sayo. Kahit part time lang. Ako na bahala makiusap.” Tinaliman ko siya ng tingin. “Seryoso ba yan?” “Oo nga!” inis niya pang sabi. Tumayo na ako at isinawalang kibo ang sinabi niya. Hindi ako magtitiwala sakaniya. “Hihingin ko muna ang opinion ni Roscoe.” Sambit ko bago tuluyan siyang tinalikuran at humalubilo sa mga kasamahan kong manlalaro. “Tss!” rinig kong sabi niya bago ako makalayo. We did a 30 minute sprint and 20 lapses. Tagaktak ang aking pawis nang makabalik sa bleachers. Hingal na hingal akong umupo roon at hinalughog ang tubig sa aking bag. Don’t tell me I left my tumbler? “Bilis mo palang tumakbo. I’m impressed.” Hindi ko na pinairal ang pride ko at tinanggap ang malamig na mineral water na nakalahad sa aking harapan. Nandito pa pala siya. “Akala ko umuwi ka na.” ani ko bago nilagok ang bigay niyang tubig. Hindi siya sumagot kaya nagbaba ako ng tingin sakaniya. Naabutan kong hindi man lang siya nahihiyang tinititigan ang aking leeg. “Hoy!” tawag ko sakaniya. “Sigurado ka bang ayaw mong lumabas kasama ko?” inambahan ko siyang bubuhusan ng tubig. “Oh! Hindi na! Biro lang!” natatawa niyang sabi. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at dinial ang number ni Roscoe. Nakakatatlong ring pa lamang ay sinagot niya na ito. “Nasaan ka?” “Nasa court. Mauna ka na umuwi. Medyo matatagalan ako kasi naghahabol ako ng practice.” Sagot niya sa kabilang linya. “Okay. Dadaan nalang ako sa kapilya.” Ani ko bago ibinaba ang telepono. Nahagip ng aking paningin ang mga titig ni Kaiser. Tinaasan ko siya ng kilay. “Uuwi na ako. Sino bang hinihintay mo? Si Jonalyn? Si Marjorie? May boyfriend na ang mga yun ah.” Ani ko sabay kuha ng aking bimpo at pinunas sa aking noo hanggang leeg. “Ikaw ang hinihintay ko.” Kaswal niyang sagot. “May boyfriend din ako.” “Eh nasan siya ngayon?” sinamaan ko siya ng tingin bago dinampot ang aking bag. Nakakainis talaga siya kahit kailan! “Mauna ka na. May pupuntahan pa ako kaya hindi ako sasabay sayo!” inis kong sabi bago siya talikuran. Nagtungo ako sa CR at nagbihis sa isa sa mga cubicle roon. I heard footsteps from outside. “Kaiser is still outside. I bet he’s waiting for me. Nasarapan siguro sa make-out namin sa clinic last time!” rinig ko mula sa cubicle ang hagikgikan ng dalawang babae mula sa labas. Napailing na lamang ako. Hobby ba ni Kaiser ang makipagmake-out sa public places? Fetish niya ba ang mga ganun? Kadiri talaga siya kahit kailan! Paglabas ko ng cubicle ay wala na ang dalawang babaeng nag-uusap. I comb my hair and let it dry using the hand blower. Nang matuyo ay ipinusod ko na ito ulit. I just applied some powder and went off. Habang naglalakad ako palabas ng oval ay kinuha ko ang aking cellphone para tignan kung may mensahe si Roscoe pero wala. Busy siguro. To Roscoe: Uuwi na ako. Magtext ka pagkatapos mo ha? I love you. Palabas na ako ng university building nang mapahinto ako sa paglalakad. I saw Kaiser leaning against the wall, with hands on his pockets. “Bakit nandito ka pa?” mabilis ko namang naagaw ang atensyon niya. “I told you I am waiting for you.” seryoso niyang sagot bago tumuwid ng tayo. “May pupuntahan pa nga ako.” Ani ko bago siya nilampasan at tuluyang naglakad. Naramdaman ko naman agad ang presensiya niya sa aking tabi. Malapit lang naman ang kapilya dito kaya mas minamabuti kong lakarin. I also considering this as my alone time. To think about things I am bothered with. First, my sister and money. Second is Jesusa and Kari. Pero sa sitwasyon ngayon parang imposible dahil sa asungot na ‘to. I glanced at him walking coolly beside me. He’s humming a song with hands on his pockets. Mas matangkad siya sakin dahil hanggang balikat niya lang ako. Ngayon ko lang napansin na may hikaw pala siya sa tenga. The slanted shave on his eyebrow is very evident from my view. Nilingon niya ako bago siya ngumiti. “Gwapo ko no?” umirap ako sa kawalan. “Wala ka bang make-out ngayon? Bakit sakin ka nakabuntot?” pag-iiba ko ng paksa. “Sawa na ako.” Kaswal niyang sagot. “Oh my god! Don’t tell me kaya gusto mong sumama sakin dahil may katagpo ka na naman sa kapilya? Kadiri ka talaga! Ang yaman niyo tapos pang hotel wala ka?” akusa ko. Umiling lamang siya sakin. “Wala! Wala akong katagpo! Hindi ba pwedeng sasamahan ka lang?” sagot niya sakin. Bago ako hinagod ng paningin mula ulo hanggang paa. “At isa pa, anong alam mo sa ganun? Sa itsura at sungit mong yan. Alam kong virgin ka pa.” nanlaki ang aking mata dahil sa dire-diretso niyang sinabi. Mabilis ko siyang hinampas sa balikat. “Pervert! Ang alam ko hindi ka naman psychology student! Anong pakialam mo sa pagiging virgin ko ha?” inis kong sabi. “So virgin ka nga?” “Ulit-ulitin mo pa.” inis kong sagot. “Buti naman.” “Ano?” ulit ko dahil hindi ko masiyadong narinig ang bulong niya. Nakakaturn-off ba talaga kapag virgin ang isang babae? Kailangan ba talaga may karanasan ka na agad sa isang bagay? Is that the key for a long lasting relationship? s*x? “Sa birthday ni Roscoe… Iyon ang ireregalo ko sakaniya.” I said out of the blue. Nilingon ko naman siya dahil huminto siya sa paglalakad. “Are you kidding me? Virginity as a gift? What is that? Stuffed toy?” inirapan ko lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. “Matagal naman na kami noh! Saka as if naman na hindi ganun ang ginagawa niyo ng mga babae mo.” “Look, Hariette. Ang s*x hindi pinaplano kung kelan. It will be done with the right time and right place.” Confident niyang paliwanag. Halos matawa naman ako. “Really, Kaiser? So the chapel and clinic are the right places for you to have s*x huh?” nanghahamon kong tanong. “Who said I had s*x with them? Make out is different from sex.” Seryoso niyang sabi. “Tumigil ka na nga! Nakakadiri ka talaga!” Ani ko. Bahagya naman siyang natawa. “Pero seryoso, wag mong gagawin ang isang bagay kung labag naman sa loob mo… You will never be happy, Hariette. Never.” Rinig ko ang kaseryosohan sakaniyang tono kaya nilingon ko siya agad. I see no traces of joke in his face. So seryoso nga siya? Pwede pala yun? And wait… did he just gave me an advice? This is insane!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD