Humor
Disclaimer: Medical/Medicine information here are mostly from google.]
Tahimik lang si Kaiser sa di kalayuang puno habang ako ay nakaluhod sa tapat ng puntod nila Mama. I glanced at him and saw that he was just leaning against a tree while seating on the grass with his eyes closed. Nakatulog na ata. Presko kasi talaga sa parteng ito kapag hapon na. I never imagined bringing a stranger here. Good thing he chose to stay a little bit far from me.
“Mom… Dad… I’m sorry… Me and ate had a fight…” I whispered.
I smiled sadly before fixing some strands of hair behind my ears that was blown by the wind.
“Pero wag kayong mag-alala… It was just a small fight. Hindi naman ako matitiis nun.” I can feel my chest aching even I am trying my best to smile.
“I hope… you were just here. Mas madali sana ang lahat.” I whispered out before wiping away a tear that dared to escaped from my eyes.
Nag-alay lang ako ng dasal bago napagdesisyunang tumayo. I almost forgot about Kaiser who were patiently waiting for me under the big Nara Tree. Nakahiga na siya ngayon habang gamit ang puting polo bilang sapin. Kawawa naman ang maglalaba niyan.
“Kaiser, I’m going home.” Halos hindi niya na napansin ang paglapit ko habang ako naman ay dinudungaw siya sa may damuhan.
There’s a medicine related book above his face that he uses to cover the sunlight. He moved a bit and removed the book before glancing at me. Nakapikit pa ang isang mata niya habang inaaninag ako. Sunod ay nag-unat siya ng braso at binti. Mukhang nangawit siya sa pagtulog.
“You done?” magaspang ang kaniyang boses nang magsalita. Halatang kakagising lang at inaantok pa.
Pinagmasdan ko lamang siyang tumuwid ng upo bago tuluyang tumayo. Nag-inat pa siyang muli at saka dinampot ang nakalatag na puting polo at ipinagpag sa ere. Nalaglag ng bahagya ang mga damo na kumapit roon. At least pinagpag niya diba?
Kapag bagong gising pala ay may pagkakataon na tahimik si Kaiser. He was really quiet as we walked towards the chapel.
“Sinong binisita mo?” akala ko lang pala.
“My parents.” I said without looking at him.
I can sense his glances from my peripheral but I chose not to pay attention to it. Wala naman akong balak ikwento ang personal kong buhay sa ibang tao. Lalo sakaniya. We just met recently and we met on a very strange way. Ni hindi ko nga naisip na magkakaroon ng pagkakataon na makakalapit siya sakin matapos nang makita ko siyang halos hubo’t-hubad sa loob ng confession room habang malayang nilalasap ng isang babae.
“Sorry.” Banayad niyang sabi na walang anumang bakas ng tuya o biro.
“It’s okay. That was years ago.” Sagot ko naman na hindi padin tumitingin sakanya.
Seriously, I’m okay. When random people ask about my parents and I will answer that they’re dead. Hindi naman na ako nasasaktan. Siguro sa tinagal ng panahon ay natanggap ko na. Pero malungkot.
Nang makapasok kami sa kapilya ay nagtungo ako sa isang estatwang anghel na magkadaop ang palad at salok roon ang holy water. I dip my finger and made a sign of a cross before going to the nearest church pew and sit. I closed my eyes and started to pray not minding if where Kaiser is. Ilang minuto lang ay tumayo na ako kasabay nang pagtayo ng tao sa tabi ko. I didn’t noticed that he sat beside me.
Nagsimula na akong maglakad palabas. The sound of our shoes are the only thing that you can hear inside the chapel. I am looking around and realized how old this place is. Bata pa lamang ako ay dito na kami nagsisimba. Nothing has changed with every details of this chapel aside of getting old yet still remaining it’s meek beauty. Parang iyong alak na kapag mas matagal mas malinamnam ang lasa.
Ang nagbago lang ngayon, ay ako nalang mag-isa.
Nang makalabas kami ng kapilya ay naroon si Bonoy at masipag na nagwawalis ng mga tuyong dahon. Nang marinig ang mga yapak namin na pababa sa marmol na sahig ng kapilya ay nanlaki ang kaniyang mata. Gamit ang hawak na mahabang walis ay itinuro niya ito kay Kaiser. Ako man ay nagulat din.
“Ikaw yung lalakeng nakikipag—sa loob ng confession room! Ang kapal ng mukha mong bumalik!” singhal ni Bonoy at nag-aatubiling tumakbo palapit sa amin.
“At kasama mo pa si Hariette! Hariette! Wag kang mag-alala akong bahala!” hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ni Kaiser sa balikat at ginawang pananggalang sa nanggagalaiting si Bonoy.
“Wag kang duwag! Bitawan mo si Hariette!” sigaw ni Bonoy.
“Look, dude! I don’t want to hurt you so please calm the fuc—down!” sigaw naman ni Kaiser mula sa aking likod.
“Aba! Wag mo akong inglesin!” sigaw muli nito.
Nahihilo na ako sakanilang dalawa! At talagang sa harap at likod ko pa naghabulan?
“Bonoy! Bonoy! Calm down! Kilala ko siya! Kaklase ko siya!” sigaw ko at doon pa lamang siya natigil.
Bakas ang pagkagulat sakaniyang mukha at saka palang ibinaba ang hawak na walis.
“Ano?”
“Oo, Bonoy. Maging ako nagulat din na ang manyak na ‘to. Kaklase ko pala. Magsorry ka sakaniya.” Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Kaiser sa aking balikat.
Kamot ulo naman siyang humakbang palapit.
“I’m sorry, okay? For doing that inside your territory. I promise it won’t happen again.” Nakataas pa ang dalawang kamay ni Kaiser sa ere bilang tanda ng pagsuko. Halos matawa ako sakaniyang itsura.
Hindi siya pinansin ni Bonoy at ibinaling ang atensyon sa akin.
“Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita.” Pilit pinalalaki ni Bonoy ang kaniyang boses. Mahina kong kinutusan ang kaniyang ulo kaya napakamot na lamang siya.
“Pasalamat ka at hindi kita inoobligang tawagin akong ate. Mas matanda padin ako sayo.” Natatawa kong sabi. Ngumuso lamang ito na parang bata.
“Kung makapagsalita ka eh parang sampung taon ang pagitan nating dalawa! Tatlong taon lang, Hariette!” giit pa nito na labis kong ikinatuwa.
Nagulat kami parehas ni Bonoy nang biglang hinawakan ni Kaiser ang aking palapulsuan.
“Umuwi na tayo. Mauuna na kami, Buboy!” dagdag pa niya bago ako tuluyang hinila palayo.
“T-teka!” protesta ko pero wala akong nagawa sa lakas ba naman ng pwersa nitong si Kaiser.
“Bonoy! Hindi, Buboy! Wag ka nang babalik!” sigaw ni Bonoy habang nasa b****a padin ng kapilya.
Nang makalayo kami ay saka niya lang ako binitawan.
“Ano bang ginawa mo? Nag-uusap kami e!”
“May gusto ang totoy na yun sayo.” akusa niya.
“Ano? Anong pinagsasabi mo? Bata lang si Bonoy.” I confidently said.
“Tss. Kapag matalino talaga sa pag-aaral…” sambit niya pero hindi tinuloy.
“Ano?” hamon kong tanong sakaniya.
“Wala.” kunot noo nyang sagot.
I told Kaiser that it’s okay if he’s going home but he keeps on insisting. Kahit sa sakayan lang daw ng tricycle.
“Uy! Ikaw pala yan Sir Lucas.” Bati ng tricycle driver sakaniya.
Lucas pala ang tawag sakaniya ng mga tao. Mas matino nga namang pakinggan kumpara sa Kaiser na alam mong puro kalokohan lang ang alam.
“Manong, pakiingatan na lang po.” Bilin niya na akala mo ba ay pag-aari niya ako na ayaw magasgasan. Saltik talaga.
Hindi na ako nagulat kung kilala siya ng mga tao rito sa Alberta. Anak ba naman siya ng Governor at kapartido pa ni Mayor Virgilio Valderama.
Ang mas kinagulat ko pa ay ang paglabas ng salitang “po” sakaniyang bibig habang kausap ang tricycle driver sa harap namin. I was expecting him to be rude… but no.
“Naku! Suki ko itong si Miss Beautiful kaya makakaasa kayo. Pakikamusta na lamang po kay Governor.” Sumaludo pa ito kay Kaiser. Ngumiti lamang siya sa driver at tumango.
“Sige na.” ani niya na tinanguan ko lamang bago tuluyang sumakay sa trike.
I want to say thank you but I kept on thinking why…
For accompanying me at the race track? I didn’t say that he needs to.
For walking me to my parents? I don’t want him to be there in the first place.
For being nice to me? I don’t want to be friends with him or more.
And then I decided to remain silent and just gave him a weak smile. He just nod and watch me as the trike went off away from him.
Siya kaya paano uuwi? For sure a driver would pick him up.
Pagkauwi ko ay sumalampak na ako sa kama. I checked my phone and scroll for Roscoe’s messages and I was a bit surprised when I found no messages. Madalas kapag ganitong hindi kami sabay ay sabog na ang inbox ko ng mga messages niya. I changed my lying position to prepare a message to him.
To Roscoe:
I’m home. Nasaan ka na?
Mabilis naman siyang nagreply. Which is a bit strange since if he’s just holding his phone why is he not texting me?
To Me:
Sorry, Babe. Pagod sa practice. Bawi ako bukas. Goodnight. I love you.
Hindi na ako sumagot. Hindi ko ugaling mag-isip kay Roscoe kailanman. He’s been a faithful partner to me for those years that we were together. Alam ko madami na ang nagtangaka mula highschool pa lamang kami na agawin siya pero kailanman ay walang nagtagumpay. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang bawat t***k ng puso ko.
Kalimitan ang sabi nila kapag daw ang babae kinutuban ay totoo. Ewan ko lang sa akin.
I am happy to see Kari and Jesusa happily talking to each other the next day. Nagulat sila sa presensya ko nang makalapit, at mas nagulat nang hindi ako sa tapat nila umupo kung hindi sa tabi nila. Kapag sa klase ay hindi ako tumatabi sakanila dahil ayaw kong dinadaldal ako kapag nakikinig. This one is an exception dahil sawakas ay nakita ko na silang normal na naguusap. Baka nga may problema lang si Jesusa noong nakaraang araw.
“May sakit ka ba?” nilingon ko silang dalawa habang abala ako sa pagsusulat.
“Wala naman.” Patay malisya kong sagot bago nagbalik ang atensyon sa sinusulat.
Ramdam ko ang mga titig nila kaya nilingon ko silang muli tapos ay nginitian.
“Hindi naman yan tumatabi satin e.” rinig kong bulong ni Kari.
“Baka good mood.” Sagot naman ni Jesusa.
Hindi ko na lamang pinansin ang kumento nilang iyon. Ang mahalaga, everything is now back to normal. Hindi na lang siguro ako sanay na matamlay si Kari at mailap si Jesusa. One thing I learned is that people becomes different when coping to their problems. I witnessed myself.
“Fundamentals of nursing introduces you to the thorough assessment of patients, the nursing process, communication between nurse and patient, cultural differences, functional health patterns, and the overall framework of nursing practice.” Bawat sinabi ni Miss Galvez ay isinulat ko sa aking makapal na notebook.
This subject is the introduction for our course so I must not missed any of the details. Sa hindi ko mawari ay biglang nahagip ng aking paningin si Kaiser. I caught him looking at me and I thought he will look away but no. Patuloy niya akong tinitigan to the point na ako na ang umiwas. What’s wrong with him?
“I’d like to take this opportunity for you guys to figure it out yourselves. I will divide you into groups and each will choose a specific hospital. I want you to observe your chosen hospital and give me a report including the the assessment that I have mentioned. Hindi kailangan ng pribadong ospital, students. Gusto ko lang ay manggaling mula sainyo kung paano niyo ba nakikita ang komunikasyon sa pagitan ng mga doctor at nurse, nurse at pasyente.” Tumango-tango naman kami.
Nagtaas ako ng kamay para magtanong.
“Yes, Ms. Severiano.” Tugon naman nito.
“Are we going to be assigned a specific department? I mean we might choose same department right? Moreover we might choose the easiest one.” Tumango-tango naman si Mrs. Galvez.
“Great question. I will list the specific department that you could choose on a strips of paper. And you will assign a leader that will pick up.”
Ang groupings ay palabunutan rin sa pamamagitan ng numero na nakasulat sa papel.
“Anong number sayo, Hariette?” tanong ni Pablo.
“2.”
“Sayang! 1 ang sakin eh. Swerte ng magiging kagrupo mo.” Ngumiti lamang ako at agad namang namula ang kaniyang pisngi.
“Edi swerte pala ako?” napalingon naman kami sa nagsalitang si Kaiser na winawagayway pa ang numerong dos na nakasulat sa hawak na papel.
“Number 2 ka?” tanong ni Kari.
“Yup.” Preskong sabi nito bago umupo sa aking tabi.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung magandang ideya ba na pagsamahin kami sa grupo pero para sa grades ko ay isasantabi ko na lamang ang inis ko sakaniya.
Initially I have Kaiser, Kari, Lewis, Mia at Daniel. Gusto nilang ako ang maging leader pero ayaw ko. Pakiramdam ko ay malaking responsibilad masiyado ang maging leader at isa pa, minsan ay mangungunsumi ka sa pasaway na member.
“Eh sino?” tanong nila.
Nilingon ko si Kaiser sa aking tabi na halos nakahilig na pala sa balikat ko dahil mahimbing na natutulog.
“Si Kaiser.” Pagkabanggit ko ng pangalan niya ay siya namang pagdilat.
Pupungas-pungas pa ito.
“Tutulong naman ako, wag kayong mag-alala.” Napabuntong hininga naman ang lahat.
“Hay naku, Hariette ha! Dito nakasalalay ang first sem natin!” maktol ni Kari sa tabi ko.
Unfortunately, Jesusa were on a different group. Siya naman ang leader doon.
“Why me?” bulong ni Kaiser sa tabi ko.
“Are you scared? Wag kang mapressure. Ano bang pwede mong matulong bukod sa pagtulog?” sarkastiko kong tanong.
I just want to put a little pressure on him because Kari’s right. Dito nakasalalay ang kinabukasan namin. Bumuntong hininga na lamang siya.
“Alam ko na!” napalingon kaming lahat kay Kari.
“Hindi ba’t may ospital naman kayo? Might as well dun nalang tayo diba? Hindi na natin kailangang manligaw ng ibang opsital!” sabay-sabay naman kaming napatango.
Kari’s right. Kaysa mahirapan kaming maghanap at makipag-usap sa ibang ospital, might as well grab the opportunity that Kaiser family has their own. Malaking factor na din dahil kilala pa sa Alberta.
“Kari’s right. Okay lang ba?” I glanced at him.
“Wala namang problema. I will just need to ask permission to my father.” Kalamado niyang sagot.
“Talaga? Ayun naman pala eh!” segunda ni Mia.
“Kung gusto niyo, pwede kayong sumama sa bahay para mapatunayan ko din sakaniya na totoo ang sinasabi ko.” Parang mga batang nagsipalakpakan ang mga kagrupo ko.
“Naku! Magandang ideya yan! Makakatapak tayo sa mansyon ng mga Contreras!” ani Daniel.
“Oo nga! At makikita pa natin si Governor!” napailing na lang ako sa palitan ng salita nila. Akala mo ba ay wala si Kaiser roon kung makapag-usap sila.
Biglang sumagi sa isip ko ang mga chismis na naririnig ko noon pa man rito sa Alberta University.
Governor Sancho Hernan Contreras.
The father of Kaiser and the honorable Governor of Alberta. Maayos ang pamamalakad ng kanilang partido gayong pinamunuan nila ito ni Mayor Virgilio Valderama.
Apart of his noble tittle and accomplishments. Little did we know that he is being humore as a notorious playboy despite his age.
He’s on mid 50’s yet the bliss of youth on him seems still on it’s peak. Hindi ko na sana malalaman ang lahat kung hindi kina Kari at Jesa na madalas pag-usapan ang buhay nila.
“Pagkamatay daw ng mommy ni Kaiser, papalit-palit na ng kabit si Gov.” malakas ang loob ni Kari sa pagkekwento habang nasa library kami noon.
Nagbalik ako sa kasalukuyan nang may kamay na kumaway sa aking mukha.
“Bakit nakatulala ka? Ano sasama ka ba kina Kaiser?” napaangat ako ng tingin kay Kari na nakapamywang na sa aking harapan.
I glanced at them and slowly nod.
“O-o n-naman.” Sagot ko.
Pagkalabas namin ng university ay may nakaabang na sasakyan at lalakeng nakaputing polo.
“Sakay na kayo. I brought my car so convoy na lang tayo papunta sa bahay.” Tumango naman kaming lahat sa sinabi ni Kaiser.
Naglakad na palapit sina Kari, Mia, Daniel at Lewis kaya sumunod din ako sakanila. Laking gulat ko naman nang hinawakan ako ni Kaiser sa kabilang balikat upang pigilan. Agad akong napatingin sakaniyang kamay bago nag-angat ng tingin sakaniyang mukha.
“Bakit?” nagtataka kong tanong.
“Who said you’re joining them?” tukoy niya sa sasakyan.
Mabilis kong inalis ang kaniyang kamay sa aking balikat.
“At saan ako sasakay aber? Trike?” sarkastiko kong tanong ngunit busangot lamang ang isinukli niya sakin.
“I just said I brought my car.” Bakas ang iritasyon sakaniyang boses.
“And?” imbis na sagutin ako ay hinaklit niya na lamang ang aking palapulsuan at kinaladkad.
“Kaiser! Hey!” pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante pero wala man lang siyang pakialam!
Bumitaw lamang siya sa aking kamay nang makarating na kami sa parking ng eskwelahan.
“Get in.” utos niya pero hindi ko siya pinakinggan.
“There’s no way I’m getting in, Kaiser! Para-paraan ka!” nakita kong bumuntong hininga na siya bago binuksan ang pintuan ng kotse at itinulak ako papasok.
“Aba naman--!” reklamo ko ngunit wala na din namang nagawa dahil mabilis niya akong nailock sa loob.
Umikot na siya at tuluyang sumakay sa driver seat. Tinitigan ko lang siya ng masama pero hindi na ako nag-aksaya ng panahon na awayin pa siya. Nakalock na din naman ako at paniguradong hindi niya ako palalabasin.
“Seatbelt please.” Mas kalmado niyang utos na sinunod ko naman.
Tahimik lang siya buong byahe at mas lalo naman ako. Ilang minuto lang nang makarating kami sa gate ng prestihiyosong mansyon ng mga Contreras. Hindi ko na hinintay si Kaiser at tuluyan na akong lumabas ng sasakyan. Nakihalubilo na ako kina Kari na mas nauna sa amin doon.
“Grabe! Malacañang palace ba ito?” natawa kami sa sinabi ni Kari.
But really, this mansion looks like a palace. It’s a huge Spanish white mansion. Simple lang mula sa labas pero sa lawak at laki nito ay malalaman mo na naghuhumiyaw ng karangyaan ang loob nito.
“Let’s get in.” nakangiting anyaya ni Kaiser na walang pag-aatubili naman naming tinugunan.
They opened there tall black gate and made us enter. The green grass and classic fountain welcomed us immediately. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Sa bulwagan ng mansyon ay sabay-sabay tumungo ang tatlong kasambahay na nakaunipormeng puti. Akala ko ay sa pelikula lang may ganito, kahit sa totoong buhay pala.
“Nasa loob po si Governor Hernan.” Bungad ng kasambahay. Tumango lamang si Kaiser at pinangunahan ang pagpasok bago kami inantay isa-isa.
Pagkapasok namin sa loob ay hindi nga kami nagkamali. To make it simple, each and every corner of this place is full of elegance and beaut. There’s nothing more to describe.
Nangunguna sila sa akin dahil medyo mabagal akong maglakad. Para akong nasusuffocate. Nanliliit ako sa lugar na ito dahil naalala ko kung paano kami pinalayas ni Tita Frida noon.
“Hey… You okay?” mabilis kong nilingon si Kaiser. Punong-puno ng pag-aalala ang kaniyang mata. Tipid lamang akong ngumiti at tumango.
Ilang mga yabag ang nagpatahimik samin. Sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin sa may grand staircase kung saan pababa si Governor Hernan. Nakasalamin ito at may hawak na tasa sa kamay. Sinalubong siya ni Kaiser at niyakap ang ama.
“Dad, these are my block mates. We are here to ask permission to come and visit our hospital for our project.” Diretsang paalam ni Kaiser.
Humarap sa amin si Governor at ngumiti.
“Good morning po, Governor.” Sabay-sabay naming bati.
I can’t help not to admire the looks of Governor Hernan. His age is probably in mid 50’s yet he is in a good built. Maganda ang pangangatawan maging ang kutis nito. It’s pretty obvious that he has a healthy lifestyle.
“Magandang Umaga din sainyo. This is the first time he brought some school mates and not his flings.” Natawa silang lahat sa birong iyon ni Governor. Kamot ulo lamang si Kaiser sakaniyang gilid.
“Of course, you can use it all you want. May mga gagabay naman sainyo doon.” Natuwa naman ako sa aking narinig. This is going to be easy for us.
“Salamat po.” Sabay-sabay ulit naming sabi.
I was caught off guard when I saw Governor Hernan glanced to me and Kaiser. We were so close to each other and that I felt conscious. Hihiwalay sana ako ngunit inabot ako ni Kai.
“Dad… This is Hariette.” Nanlaki ang aking mata pero hindi ako makaalma dahil nasa harapan ko ang tatay niya!
Marahang lumapit si Governor sa amin. Tumuwid ako ng tayo.
“H-hello po.” Tanging nasabi ko bago nag-angat ng kamay para sa shakehands.
He stared at my hand and took it. Pero imbis kamayan ako ay nanlaki ang aking mata sakaniyang sunod na ginawa.
He bow down and planted a kiss on the top of my hand!
“Dad.” bakas ang saway sa boses ni Kaiser.
“What? Hindi basta kinakamayan lang ang ganito kagandang dilag, anak. Nice to meet you, Hariette.” Brusko nitong sabi.
And from there, I somehow concluded why the humor about him spreads just like that.