Kabanata 2

2263 Words
Nights are numb Days are dead Tried to fix you Broke myself instead I wonder why I can't sleep without you by my Wish that I could find the words to say, words to say to ya Wish that you could see the other way Someday Someday, I'll be better Now that you're gone, I'll burn all your letters And right all your wrongs Right now, I am barely off of my knees But someday, I'll find peace Maingay at mailaw sa loob ng Club Paradise nang pumasok si Elvina. Nagsimulang gumalaw ang katawan at ulo niya sa saliw ng tugtugin. Tinungo niya ang bar at iniwasan ang malilikot na kamay na gustong humawak sa kaniyang katawan. She's just getting started, ni hindi pa nga siya nag-iinit. "s*x on the beach." mapang-akit niyang order sa bartender na mukhang brusko pero hindi maitatangging may angking kagwapuhan. Too bad hindi madaling ma-impress si Elvina ng simpleng hitsura lamang. Hindi kaila sa kaniya na may mga matang nakatutok sa kaniya dahil sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kaniya? Ngunit pinili niya ang bar na ito dahil sa kilala itong puntahan ng mga kilalang pangalan sa industriya kaya naman protektado ang imahe nilang mga artista dito. Isa pa ay tanging mga mapepera lamang ang maaaring makapasok sa lugar. Ilang clubs na ang napuntahan niya dati ngunit sa tuwina ay makikita ang mukha niya sa dyaryo. Napangisi siya nang maalala kung paano niyang tinakasan si Monty at ang kawawa niyang personal assistant na malamang sa mga sandaling iyon ay nasasabon na. Matapos ang taping niya para sa kaniyang upcoming drama na 'The Innocent' na isang mystery romance kung saan kapareha niya si Dwayne na brusko na ay masiyado pang gwapong-gwapo sa sarili ay nagpaalam siyang pupunta lamang sa ladies room. Ngunit nang malingat sila ay sumakay siya sa isang taxi at nagpahatid siya dito. Ugh! Just remembering his co-actor is enough to ruin her day. Lust, envy, mock, judging and admiration. Those are the emotions you'll see in the eyes of the people around Elvina. Kung tutuusin ay sanay na silang makakita ng mga sikat at kilalang pangalan sa industriya maging sa politika ngunit iyon ang unang beses na nasilayan nila ang taglay na ganda ni Ardis na maingay ang pangalan dahil sa galing umarte at dahil na rin sa reputasyon nito. What's it like? How's your life? Did it hurt you when you saw me cry? I wonder why I still think about you all the Wish that I could find the words to say, words to say to ya Wish that you could see the other way Someday "Here you go." Elvina was snapped out of her stupor when she heard the baritone voice of the bartender. Nginitian niya ito bago tinanggap ang inumin. "Mas maganda ka pala sa personal." I know right? Elvina told herself. "Thanks." "Biglang gumanda at uminit ang lugar nang dumating ka." the man seductively bit his lip and smirked, showing his dimple. Oh, Elvina wonders just how many poor women fell in his trap? Kung sa ibang babae siguro ay natunaw na sa pagpapa-cute niya ngunit hindi si Elvina. Inilapit ni Elvina ang mukha sa lalaki at nakita kung paanong lumamlam ang mga mata nito at naiba ang emosyon sa mga mata. Umakto siyang hahalikan ito bago naglapag ng pera sa counter. "Thanks, but no thanks. Keep the change." Now, back to what she actually came here for! Party! Wanna believe, wanna believe That you don't have a bad bone in your body But the bruises on your ego make you go wild, wild, wild, yeah Wanna believe, wanna believe That even when you're stone cold, you're sorry Tell me why you gotta be so out of your mind, yeah Binigyang daan siya ng mga taong nagsasayaw na sa gitna ng dance floor. May mga mag-nobyo na wala na halos pagitan ang mga katawan, mga lalaking marahil ay naghahanap ng maikakama ngayong gabi o mabibiktima, mga babaeng naghahanap din marahil ng ligaya o baka katulad niyang gusto lamang ilabas ang frustration na nararamdaman sa pamamagitan ng pagsayaw at pagpapakasaya. But none of those matter for Elvina, she ignored everyone and just went all out. She bobbed her head to the song while swaying her hips softly from side to side. Hinayaan niyang tangayin ng maingay na tunog na nagmumula sa mga speaker ang inhibisyon niya at ang mga alaala kahapon. I know you're chokin' on your fears Already told you I'm right here I will stay by your side every night I don't know why you hide from the one And close your eyes to the one Mess up and lie to the one that you love When you know you can cry to the one Always confide in the one You can be kind to the one that you love Ah Hindi nagtagal ay may naramdaman siyang pangahas na kamay sa kaniyang umiindak na baywang, ramdam niya ang init ng palad nito dahil nakasuot lamang siya ng red crop top na malayang nakikita ang malulusog niyang harapan at ang suot naman niya pang-ibaba ay black leather skirt na maaring sukatin gamit ang palad. "I can't help but notice you, beautiful. Nangingibabaw ang ganda mo sa iba." ang nakakakilabot na bulong nito sa kaniyang tenga. Elvina cringed inwardly in disgust. Hindi naman na bago kay Elvina ang mga ganitong galawan mula sa mga lalaking iisa lang naman ang gustong makuha sa kaniya. Kaya naman kabisado na rin niya ang halukay ng sikmura ng mga ito. Malas lang nila dahil walang interes si Elvina na sumiling kung kanino lamang. But Elvina knows her boundaries, too. Kaya naman hinayaan na muna niya ang estrangherong makipagsayaw sa kaniya pero nang unti-unti nang bumababa ang malikot nitong kamay ay humiwalay na siya. At nakita niya ang hitsura ng pangahas na lalaki. He's not bad looking but he looks like your typical f**k boy with his body full on display. "Where are you going, baby?" Matamis siyang ngumiti sa binata. "Far away from you." Hindi niya pinansin ang ibang nanunuod sa kanila at umalis sa dance floor na bad mood. That creep ruined her night. Why can't they just let a woman dance in peace? Is it too much to ask? Mayroon ba siyang nakalagay na note sa noo niya na naghahanap siya ng lalaki? Sana pala ay nanatili na lang siya sa bahay at nanuod ng movie sa Netflix. Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang mukha bago naghugas ng mga kamay. Maybe what she needs most is beauty rest dahil nakikita na sa mukha niya ang pagod. God, to think she's just starting a drama and soon she'll star in a movie, too. Ano nga ba ang kailangan pa niyang patunayan at makamtan? She's one of thw leading actress sa Pilipinas, isa na siyang milyonarya at hindi na siya matatapakan pa ng kuny sino na lang. Kaya't ano pa, ano pa nga ba ang pumipigil sa kaniya para huminto? "That's kinda rude, don't you think?" Elvina rolled her eyes in annoyance. Great! Mukhang natapat pa siya sa lalaking hindi sanay na tinatanggihan. "Oh, piss off. You want to know what's rude? Iyon ang hawakan ang isang babae without her permission." she retorted and snatched her purse from the sink. Lalagpasan na sana niya ang lalaking makulit na pumapasok pa sa C.R ng mga babae nang marahas siya nitong pigilan sa braso kaya naman napahiyaw siya sa sakit. Babalian pa yata siya ng walanghiyang manyak! "Wala pang babaeng tumanggi sa akin." singhal nito sa kaniya. "Yeah? I feel special now. Bitawan mo ako kung hindi ay sisigaw ako." pagbabanta niya. Sigurado naman siyang may darating na tulong oras na sumigaw siya. "Come on, babe. Let's have fun." She glared at the man. "What part of 'no' can't you understand, you jerk? Stupidity at its finest, My God!" Napapikit si Elvina sa takot nang itaas nito ang palad at akmang sasampalin na siya nito. Ngunit hindi ito nangyari dahil may humigit sa kaniya. "Go." tanging sambit ng bagong dating at sa kung anong dahilan ay nagkaroon siya ng urge na lumingon para makita ang lalaki pero hindi niya ginawa bagkus ay nagtatakbo na siya palabas ng club na iyon. Nanginginig ang mga kamay na tinawagan niya si Lando para magpasundo. "TINAKASAN MO KAMI para magliwaliw pero heto at malalaman kong muntik ka na palang masaktan? Diyos ko naman, Elvina." Ang nahahapong pangaral ni Monty sa alaga habang sila'y nasa loob ng opisina ni Elvina. Pakiramdam ni Monty ay tatanda siya ng sampung taon sa tuwing gagawa ng kababalaghan ang alaga niya. Akalain mong nalibang lang sila ni Meg dahil binibilinan niya ang huli para sa schedule ni Ardis para ngayong araw nang paglingon nila ay nawala na si Elvina. Ngunit dahil hindi naman iyon ang unang beses ay napabuntong-hininga na lang si Monty. Tapos ngayon ay ibabalita ni Elvina sa kaniya ang pangyayari kagabi? Paano kung nasaktan ito? Paano kung may nangyaring masama dito habang wala sila? "You're so careless." Ang naiiling niyang sabi at hindi naman sumasagot si Elvina dahil alam niyang may pagkakamali siya. "At dahil diyan ay kukuha na tayo ng bodyguard mo." "Per---" "Walang pero-pero." Pagputol ni Monty sa sasabihin niya. "Pero alam mo naman na ayaw ko nang may sumusunod sa aking parang aso. Ayaw kong ma-invade ang privacy ko." Pagpapatuloy ni Elvina sa sasabihin niya. "At ayoko ring mapahamak ka kaya huwag ka nang makipagtalo pa. My decision is final. Ngayon din ay makakatanggap ka ng mga listahan para pagpilian mo." Pagkasabi niyon ay lumabas na si Monty at naiwang nanlulumo si Elvina. Ayaw niya ng bodyguard dahil bukod sa magiging buntot niya ito ay ayaw niya ng may ibang taong nakakakita ng mga ginagawa niya sa araw-araw. Ayaw niya ang pakiramdam na may taong nakamasid sa bawat galaw niya na para bang hinihintay lang siyang magkamali. Ngunit ayaw din naman niyang suwayin si Monty dahil alam naman niyang ginagawa lang nito kung ano ang makabubuti sa kaniya. Her mind went back to what happened last night. She nipped at her finger when she remembers the stranger's deep voice. Kung magkakaroon lamang din siya ng bodyguard ay bakit hindi ang estrangherong nagligtas sa kaniya kagabi? Nang hapong iyon ay sinamantala ni Elvina ang bakanteng oras na wala siyang taping at tinignan ang mga papeles sa ibabaw ng kaniyang mesa. Usually ay ang bise presidente naman niyang si Nicole ang namamahala sa mga bagay-bagay tungkol sa kumpanya dahil tiwala sila sa angking talino at kakayahan ng dalaga. Ngunit kapag ganitong may bakante siyang oras ay hands-on pa rin siya sa kumpanya niya. Ito rin ang dahilan kung bakit ang pagiging Presidente ng kumpanya niya at ang pagiging artista ay hindi niya maaaring pagsabayin. Si Nicole ay ang pinakamalapit niyang pinsan na tumulong sa kanilang tumayo noong lugmok sila sa utang dahil sa pagkamatay ng kaniyang Itay. Kaya naman ganoon na lamang kalaki ang tiwala niya sa pinsan. Bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang kaniyang Inang si Martha. Agad na tumayo si Elvina at sumalubong sa Ina para magmano. Matapos nito ay buong paglalambing niyang niyakap ang Ina. "Nay, na-miss kita. Kailan ka pa dumating? Kumusta ang Bacolod ang mga Tita at Tito? Masaya ba?" Isang linggong nanatili sa Bacolod ang kaniyang Ina para dalawin ang mga pinsan nitong buo roon. Gusto mang sumama ni Elvina ay puno ang schedule niya. "Ayos naman, anak. Mabuti naman sila kaya 'wag mo silang alalahanin. Ako'y napadaan lang naman para ibigay sa iyo itong niluto kong sinigang na hipon." Napasinghap si Elvina at kinuha ang baunan sa Ina bago umupong muli sa harap ng mesa niya para tignan ang dinalang pagkain ng Ina. "My favorite! Thank you, Inay!" Habang pinagmamasdan ni Martha kung paano amuyin ni Elvina ang luto niya bago ito agad na tinikman ay hindi nila lubos maisip kung bakit ganoon na lamang kung kamuhian ang anak niya ng ibang tao. Nais man niyang paniwalain ang sariling hindi nagbago ang kaniyang anak ay lolokohin lamang niya ang sarili. Maging siya ay napansin ang pagbabago ni Elvina. Kung noon ay masayahin ito at madaldal, ngayon ay malimit na itong ngumiti at magsalita. Ang mga mata nito na puno ng pag-asa at pangarap noon ay napalitan ng isang babaeng tila ba isang robot na walang emosyon. Ngunit alam niyang lahat naman ng ito ay hindi permanente. Balang-araw ay muling babalik sa dati ang kaniyang anak. At balang-araw ay makikilala ito para muling magbigay ng ngiti at saya sa buhay ni Elvina. "O siya, kain ka lang diyan at alam ko namang busy ka. May usapan pa kami ng Tita Cora mo." Paal ng kaniyang Ina sa kaniya kaya naman sandali niyang itinigil ang pagkain para ihatid ang Ina sa pinto. "Ingat ka, 'Nay. Sabihan niyo si Mang Horacio na dahan-dahan lang ang pagmamaneho. Dadalaw ako sa inyo kapag nagkaroon ako ng libreng oras." paalala ni Elvina sa Ina na ang tinuturing ay ang driver nito na si Elvina mismo ang pumili. Matapos magpaalamanan ay bumalik na si Elvina sa loob para ipagpatuloy ang pagkain at nang matapos ay muli niyang inabala ang sarili sa ginagawa. Hindi niya namalayan na dumilim na at oras na ng uwian kung hindi pa kumatok si Meg para magpaalam ngunit bago ito tuluyang umuwi ay ibinigay nito sa kaniya ang isang folder. "Nariyan po ang mga bodyguards na pagpipilian niyo raw sabi ni Sir Monty. Sige po, mauna na po ako, Ma'am." Tango lamang ang isinagot ni Elvina at binuklat na ang folder para isa-isahin ang mga resumè. Dahil ayaw naman niya talaga ay mabilis ang nagiging paglipat niya nang matigil ang kamay niya sa isang partikular na resumè. Mula sa labas ng opisina ni Ardis ay nangilabot ang mga natirang empleyado nang marinig ang malakas na pagtawa ng kanilang Amo mula sa opisina nito. At ang pagtawang iyon ay hindi pagtawa ng isang taong masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD