SIMULA

167 Words
Simula. Simulan natin ang isang stroya ng paghihiganti, pagbangon at katotohanan sa pagitan ng dalawang taong naging biktima ng mapaglarong tadhana.  Isa. Isa-isahin natin ang mga pangyayari sa pagitan nila. Mula umpisa hanggang dulo. Mula sa pighati hanggang sa pagbangon. Mula sa pagkamuhi hanggang sa unti-unting pag-usbong ng pag-iibigan sa pagitan nila. Muli. Muli nilang sasariwain ang nakaraan, mga sugat na hindi pa naghihilom ay muling magdurugo, mga alaalang pilit na kinakalimutan ay muling mananariwa.  Unang. Unang pagtatagpo pa lang nila ay hindi na naging maganda at nauwi pa sa isang trahedya na naging dahilan nang pagkamuhi sa isa't-isa. Unang pag-ibig ni Elvina na nabigo at nagdulot sa kaniya ng labis na pighati. Laban. Magagawa kayang labanan ni Elvina ang sarili mula sa nararamdaman para kay Hassan Claveria? Subaybayan ang kaniyang magiging laban sa pamilya Claveria maging sa kaniyang sarili.  Abangan. Abangan ang mga nakakapanabik na tagpo sa pagitan nilang dalawa. Muli kayang mapapalambot ni Hassan ang matigas na puso ni Elvina? O makikiliti at lalambot ang puso ng ating dalagang milyonarya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD