CHAPTER 2

2230 Words
TWO: "Baste." “NIREREGLA ka ngayon 'no?” sabi ng kaibigan ni Lindsay habang nakasunod sa kanyang likuran. “Ang sungit mo kasi!”       Umirap siya sa kawalan. “Eh pa'no? Ang ganda-ganda ng tulog ko tapos nagising ako dahil akala ko kung ano nang nangyari sayo, 'yon pala pumunta lang naman dito ang bagong kapitbahay!”       Nang makarating sa kitchen, inilagay niya sa plato ang pinakbet na niluto ng kapitbahay. Samantalang si Adriana naman ay naghain ng kanin at naglagay ng mga plato at kubyertos. Mapapaaga pa tuloy ang hapunan nila, alas sais pa lang kaya!       “Eh bakit? Alam ba niyang natutulog ka nang pumunta s'ya rito? Hindi naman saka ang ganda ng intensyon nung tao eh tapos mukhang ang bait pa!” katwiran pa nito saka umupo na sa tapat ng mesa.       Naupo siya sa tapat nito. “Mukha lang mabait pero hindi talaga mabait!”       “Ay, bitter?”       Umirap na lamang siya at kumuha ng kanin saka naglagay ng pinakbet sa plato.       Totoo naman. Marami na siyang mga na-encounter na mga ganyang klase ng lalaki no'ng high school at college siya. Yung mukhang ang bait-bait at malaanghel kasi ang gaguwapo pero ang totoo, matinik talaga, malandi. Yung tipong nagpapa-goodboy pero heartbreaker pala. Gano'n na gano'n ang pormahan ng mga tulad ni Baste!       “Uy, in fairness, ang sarap!” halos mamilog ang mga mata ni Adriana nang matikman ang pinakbet.       Sumubo na rin siya at hindi niya inaasahang ang sarap nga naman talaga ng luto ng bagong kapitbahay.       “Ano, sis? Masarap 'di ba?” Adriana teased her.       “Uhm... well. Okay lang.” pasimple lang niyang sagot.       “Sus, kunwari ka pa eh! In fairness talaga, hindi lang gwapo at machong papa si Baste, masarap pa!”       “Yuck! Landi mo!”       “Magluto! Masarap pang magluto! Hindi mo pa nga ako pinapatapos!” saad nito tapos ay maarteng humalakhak.   MAAGA pa't umuulan na. Walang-ibang magawa si Baste sa loob ng kanyang bagong bahay dahil wala siyang kahit isang kasama kaya mula pagkagising tanging Temple Run sa kanyang Android phone ang pinagkakaabalahan.       Habang naglalaro, hindi maiwasang sumagi sa kanyang isipan ang babaeng kapitbahay. Si Lindsay. Maganda talaga lalo na sa malapitan ang dalaga. May mahahabang pilik mata, matangos na ilong, natural kissable lips, makinis at maputing kutis, straight na buhok na hanggang kili-kili ang haba, tapos mala-ramp model na pangangatawan. Maganda talaga, mukhang may mataas na standard saka may pagkasuplada. Type niya.       Pati kay Adriana na kaibigan nito ay natutuwa rin siya. Mukhang makakasundo niya nang husto ang bakla. Well, he doesn't mind gays. Hindi siya mapanghusga gaya ng ibang lalaki na ayaw o galit sa mga bakla. Natutuwa pa nga siya kasi masaya naman talagang kasama ang mga bakla at isa sa mga halimbawa ay si Adriana. Mukha talagang makakasundo niya ito para mas lalong mapalapit sa dalagang si Lindsay.       Mayamaya pa'y natigil siya sa pag-iisip nang may kumatok sa kanyang pinto. Nang buksan niya ito ay bumungad si Adriana.       “Oh Adriana, ikaw pala? Anong sadya mo? Tuloy ka.” mabait na bati niya at niluwangan pa lalo ang pinto para patuluyin ang bisitang kapitbahay.       “Ah 'wag na, Baste, nakakahiya naman. Pumunta ako dito para humingi sana ng tulong. 'Yon ay kung ayos lang sayo?”       “Sus, 'wag ka nang mahiya. Tayo-tayo lang din naman magkakapitbahay dito saka oo naman, ano bang tulong 'yan?”       “Yung bubong kasi namin, sa may bandang salas, tumutulo na naman. Marunong ka bang mag-ayos no'n? Pwede mo ba kaming tulungan ni Lindsay?”       “’Yon lang ba? Pwedeng-pwede!” garantisadong sagot niya.       Do'n s'ya magaling eh, sa mga bahay-bahay. Sa pag-aayos, sa construction, and even in the interior designs then electricity. His area of expertise.       “Hindi ka lang pala talaga mabait saka gwapo, maaasahan ka pa!” saad nitong tuwang-tuwa.       Bahagyang natawa lamang siya sa sinabi nito.   NAPATINGIN si Lindsay sa kapapasok lang na sina Adriana at Baste sa apartment nila ng kaibigan. Humingi kasi ng tulong si Adriana sa huli para sa pag-aayos ng kanilang tumutulo na namang bubong dito sa salas.       Nag-aalmusal kasi sila ni Adriana nang makitang tumutulo na naman ang bubong sa salas dahil maaga pa ay umuulan na. Matagal-tagal na rin kasi silang nagtitiis sa sirang bubong ng apartment. Ayon kasi sa kanilang landlady ay matagal-tagal na rin itong bahay na ito kaya pagpasensyahan na lamang daw nila. Ginawa naman nila. Bukod kasi sa affordable ang upa, mahirap na rin talagang maghanap ng ibang tahimik at ligtas na apartment sa panahon ngayon dito sa Siyudad.       “Sis, narito na siya. Tutulungan daw niya tayo.” ani Adriana habang itinuturo ang bagong kapitbahay.       Simpleng tumango lamang siya. Hindi naman kasi siya ang nakaisip ng paraang humingi ng tulong sa kapitbahay kundi ang kaibigan. Nakuntento naman na siya sa palagi nilang ginagawa ni Adriana kapag may mga ganitong kaso dito sa bahay. Syempre, aakyat si Adriana sa bubong at tatakpan ng kung anu-anong palanggana o timba ang butas tapos ayun, solved na, kaya lamang, ilang linggo lamang lalo na kapag rainy seasons ay napupuno din ang mga iyon at tutulo ulit ang bubong.       Tumingala si Baste sa bubong kung saan naroon ang halos tatlong magkakalayong mga butas tapos ay tumingin sa kanya. “Kailan pa nagsimula ang ganitong problema?”       “Few months ago.” sagot niya.       “At hinayaan n'yo lang? Nagtiis kayo sa ganito?”       “Ah, may mga ginawa naman kami. Umaakyat ako sa bubong tapos nilalagyan ng palangga o kaya timba ang mga butas tuwing umuulan. Every now and then, chine-check namin tapos pagkatapos ng ulan, ibubuhos ang laman ng mga timba at kapag umulan na naman, ilalagay ulit. Masyado nga lang talagang hassle kasi minsan kapag pagod galing sa trabaho o nagmamadali dahil may pupuntahan, hindi na namin nalalagyan, hinahayaan nalang.” Adriana explained.       Umiling-iling ang binata. “Mahirap nga naman talaga 'yan. You shouldn't invest to that kind of temporary solution. Dapat yung garantisado at hindi ganyang naaabala kayo lagi.”       “Oo nga eh kaya lang wala naman kaming ibang maisip na solusyon kundi 'yon lang talaga.” ani Adriana.       “Don't worry. Aayusin ko ito.”       Tiwalang tumango ang kanyang kaibigan.       “May Volcasil ba kayo d'yan at kahit maliit lang na plywood?” anang binata kay Adriana.       Umiling ang huli. “Wala eh pero may malapit namang hardware market d'yan, bibili nalang muna ako. Ano pang ibang mga kailangan saka gaano kalaking plywood?”       “Oo, 'yon lang. One-fourth size will do.”       Tumango ito at lumabas na upang bumili ng mga sinabi ni Baste na kakailanganin sa pag-aayos ng bubong. Now, she's left here all alone with him.       Patingin-tingin pa rin ito sa bubong na para bang pinag-aaralan nito ng husto ang gagawin na mukhang ang expert na nito sa mga ganitong bagay.       “Do you have some dry rugs?” mayamaya ay tanong nito.       She nodded. “Meron. Sandali lang at kukunin ko.”       Matagumpay nga’ng natapos ni Baste ang inayos na bubong nila matapos ng ilang sandali. Nakita pa nila ng kaibigan kung gaano kaiba ang naging stratehiya at ginawa nitong solution kumpara sa solution nila noon. Ngayon ay tila mas matibay at imposible nang tumulo pa ulit ang tubig kapag umuulan. Napakagaling ng binata. Pati ang isang wooden chair na napuna nito, kahit hindi nila sinabi at hiniling ay kusa pa ring inayos ni Baste. Ang galing talaga. Lalaking-lalaki.       “Hayan, paniguradong hindi na kayo mahihirapan niyan.” saad pa nito habang nakapamaywang na nakatingala sa inayos na bubong.       “Maraming salamat, Baste!” natutuwang ani Adriana sabay nag-abot ng pera rito. “Eto nga pala.”       Agaran ang pagtanggi nito. “Naku, hindi ako tumatanggap niyan. Sa inyo na 'yan, itago n'yo at ibili nalang ng iba n'yo pang mga pangangailangan dito sa bahay.”       “Tanggapin mo na, Baste. Libre na namin 'yan sayo sa pagod mo sa pag-aayos ng aming bubong.” nagsalita na rin siya.       Nag-contribute din naman s'ya para sa bayad sa binata. Tag-one thousand sila ni Adriana kaya two thousand lahat at taos pusong ibibigay nila ang pera bilang pasasalamat rito.       Marahang ngumiti ito. “Hindi ako nagpapabayad, Miss Lindsay. Kung gusto kong magpabayad, edi sana kanina pa lamang nang humingi ng tulong si Adriana eh nagpa-presyo na ako, pero wala naman kayong narinig na kahit ano sa akin, 'di ba? Kaya itago n'yo na 'yang pera.”       “Kung gano'n, edi saluhan mo nalang kami sa almusal bilang pasasalamat lang talaga namin. Please.” hindi tumigil si Adriana.       Mukha kasing hindi nga naman talaga interesado si Baste sa pera kaya hayan, lahat nalang na paraan ng pasasalamat ay naiisip ng kaibigan.       “Yan naman ang gusto ko. Sige ba!”       “Yes!” pumalakpak sa tuwa ang bakla.       Siya mismo ang nagtimpla ng kape ni Baste at ngayon ay kasalo na nila ito sa hapag.       “Mukhang ang expert mo sa mga bagay-bagay pagdating sa bahay. Panday ka na ba talaga simula pa noon? I mean, yung nag-aayos-ayos ng mga bahay, yung nagpapanday ng mga gamit sa loob ng bahay. Gano'n.” umpisang tanong ng kaibigan niya rito.       “Actually, I'm an-“ natigilan bigla ito at tila nag-isip. “Ah, oo. Panday na talaga ang trabaho ko simula pa noon. Nag-aayos at gumagawa ng mga bahay.”       “Kaya pala ang galing mo. Nga pala, may mga kakilala kaming mga panday din dito na nagsa-sideline sa mga iilang construction sites dito sa Siyudad. Baka interesado kang sumama? Dagdag kita na rin iyon para sayo.”       “Ah, sige. Sige ba.” tumango-tango ito. “Ah, kayo pala? Anong mga trabaho ninyo saka matagal na kayong nakatira rito?” tanong nito habang sa kanya nakatingin.       “We are call center agents and yes, medyo matagal na rin. Almost two years na.” sagot niya.       Mayamaya ay tumunog ang MacBook Air ni Adriana mula sa kwarto nito.       “Oh tumatawag na ang boyfriend mo, dalian mo na.” aniya sa kaibigan.       “Sige. Excuse me muna ha?” paalam naman kaagad nito.       Kapwa naman silang tumango ni Baste at tuluyang naiwan silang dalawa rito sa hapagkainan.       “May boyfriend si Adriana?” nakangiti at parang hindi makapaniwalang tanong nito.       Tumango siya. It's true. May boyfriend ang maswerteng echusera niyang best friend at kasalukuyang nasa Thailand iyon, nagtatrabaho bilang isang English teacher. Hindi naman masasabing niloloko lang ni Jeron, ng boyfriend nito, ang kanyang kaibigan dahil proven and tested na ang relationship ng mga ito magmula pa noong second year college sila. The guy is really sincere and true to his feelings. Hindi rin naman masasabing pineperahan lang ni Jeron si Adriana dahil sa katunayan, iyon pa nga ang nagpapadala lagi ng pera para rito every month.       “Wow! Great.” manghang-mangha na sabi ni Baste.       “Bakit? Hindi ka ba naniniwalang may totoong magmamahal sa kaibigan ko porket bakla siya?” mapakla niyang tanong.       “Hindi. Syempre, hindi gano'n, Miss Lindsay. Naniniwala syempre akong may totoong magmamahal kay Adriana, napakabait no'ng tao eh. Natutuwa lang talaga ako para sa kanya.” kaagad na paliwanag nito.       Compared to her, Adriana is luckier when it comes to things like this, to things like love. Kung halos engaged na ang kaibigan niya sa nobyo, siya naman ay zero pa rin talaga. Walang lovelife!       Engaged ang bading sa jowa kaya nga umalis si Jeron ng Pilipinas at nakipagsapalaran sa Thailand para makapag-ipon ng sapat na pera at makapagpakasal ang mga ito sa America kung saan legal ang same s*x marriage.       “Eh, ikaw ba, Miss Lindsay? May inspiration na din?” mayamaya ay tanong ng kasama.       Tumango siya. “Yes, my family.”       “Ah, hindi 'yon ang ibig kong sabihin. I mean, pareho ni Adriana. May boyfriend ka na din?”       Umiwas siya ng tingin dito. “Wala.”       “Talaga? Parang ayaw kong maniwala ah? Sa ganda mong 'yan, wala?”       Dumapo ulit ang kanyang mga mata rito at nakitang ang ganda-ganda ng ngiti nito. Napailing tuloy siya. “Wala nga sabi! Hindi ko kailangan ng ganyan ngayon sa buhay ko!”       “Oh?" bahagyang natawa ito. “Bitter?”       “Hindi ako bitter!" kaagad na depensa niya. “Sadyang wala lang sa isip ko ang mga ganyan ngayon.”       “Pero, miss, hindi ka ba naiinggit man lang kahit minsan kay Adriana? You know, he's taken and you're still single. Hindi ka ba nangungulila sa pakiramdam ng alam mong may nagmamay-ari sayo? Yung tipong may kinakikiligan ka, tipong may tatawag every now and then, tipong may I love yous everyday, at yung tipong may totoong nagpapaligaya sayo kasi alam mong may nag-e-effort at nagpapahalaga sayo, idagdag pa ang chocolates and flowers kapag malungkot ka.”       Nairita na siya rito. Tanong ito nang tanong! Akala mo kung sinong ka-close! “I'm not insecure; I'm contented being a single. Hindi ko kailangang kiligin para lang maging masaya at hindi ko kailangan ng may tatawag sa akin oras-oras dahil nakakairita iyon! I love yous lang ng pamilya ko at ng mga taong importante sa akin ay sapat na. I don't need flowers, I don't need chocolates, and I don't need to rush in love para lang lumigaya! Kung darating s'ya, edi dumating s'ya at hanapin niya ako, hindi 'yong ako pa ang maghahanap sa kanya at kung hindi man dumating, edi 'wag n'ya! Hindi ko kawalan kung wala akong love life hanggang ngayon!” ni hindi niya namalayang tumaas na pala ang kanyang boses.       Tila nabuhusan naman ng malamig na tubig sa mukha si Baste dahil sa kanyang inasal at mga sinabi kaya medyo napahiya at tumahimik na lamang na nagpatuloy sa pag-inom ng mainit na kape.       Nakakairita lang kasi talaga. 'Ke bago-bago pa nga lang nila itong kapitbahay, kung makapagtanong, eh mukha na siyang isinasalin sa hot seat! Napaka-feeling close!       Hindi naman sa ayaw niya sa kapitbahay na ito, sadyang ang ayaw lang talaga niya ay yung tinatanong siya ng kung anu-ano lalo pa't kakikilala lang naman niya rito at hindi ibig sabihin na tinulungan sila nito na maayos ang bubong ng bahay ay may karapatan na itong intrigahin siya sa mga personal na bagay sa kanyang buhay. He must know his limits!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD