C2: The Best friend and The Ex-Boyfriend
Orion keeps on calling her but she refuse to answer it. Even her mother and her twin sister na guilty sa mga narinig kay Blaire ay tinatawagan siya.
Blaire found an apartment kung kailan mag-gagabi na. Masyadong mahal kung mag stay siya sa hotel kaya kahit maliit ang apartment ay kinuha na niya. Masyado pa itong masikip para sa kanya pero matitiis naman niya. At least dito walang magkukumpara at wala siyang kokontrabidahin.
Buti may free kutson sa apartment niya. Nilagyan niya lang ito ng towel niya dahil wala siyang kubre kamang dala. Ang ginamit niyang unan ay mga damit niyang pinagpatong-patong.
Nakatingala lang siya sa kisame. Medyo madumi ang kisame. Halatang hindi nalilinisan. Napapaisip siya. Ngayon, paano siya mabubuhay ng ganito? Kaya niya ba talagang mamuhay ng mag-isa?
Bigla niyang naalala ang ex-boyfriend niyang mayaman na si Taejan Haines, a half American and a half Filipino baka may ma-i-offer na trabaho sa kanya.
Bumangon siya at tinawagan niya ito na agad namang sinagot.
"Taejan? Good evening!" Panimula niya medyo magiliw na parang nahihiya.
"Miss me? What's up?" Mas magiliw na bungad nito sa kanya.
"I need your help..." Nagdadalawang-isip na sagot niya dito.
"What kind of help?"
"Magkita na lang tayo at doon natin pag-usapan." She suggested.
"Good idea! Sige. Sunduin ba kita sa inyo?" Halatang excited ang binatang makita at makausap muli si Blaire.
"No. Wala ako sa amin. Naglayas ako." Diretsong sagot nito.
"What?!" Gulat na sambit ng binata na napamura pa ng mahina.
"I'll explain tomorrow. Text ko na lang kung saan tayo magkita."
"Okay. See you!"
Matitiis pa sana niya ang pag-aaral ng pagiging Doctor kung walang mga taong mapanghusga sa paligid nito sa school eh por que iba siya manamit hinuhusgahan na nila kaagad siya.
Siya kasi ang tipo ng babaeng masasabi at makikita mo kung gaano ka-sexy ang katawan kahit sa simpleng pananamit lang lalo na kapag fitted ang suot niya. Wala kasing uniporme ang school nila kaya nasusuot niya ang gusto niya. She's not that typical 'simple, ordinary, average girl' because she's way too different from being one.
Kinabukasan, nakipagkita na siya kay Taejan.
"It's been a while, Blaire. Ba't ka naman naglayas sa inyo?" He asked na may pag aalala pa.
"Same issues in life." Tamad na sagot niya dito then she rolled her eyes.
Nasa isa silang coffee shop malayo sa apartment na tinutuluyan niya.
"So, anong tulong ang gusto mo?" Taejan asked. Willing na willing itong tumulong sa dalaga.
"May trabaho ka bang alam na pwede mo akong mapasok?"
Nag-isip ang binata habang nakatingin sa dalaga.
"To be honest, wala akong alam. But don't worry. I'll ask my friends kung may alam sila." He assures her.
"Sige. Salamat. Kailangan ko lang talaga. Asap." May pilit na ngiting sabi niya dito.
"Si Orion pala?" Biglang tanong ni Taejan.
"Hindi ko alam. Hindi ko siya nakakausap." Walang ganang sagot niya saka uminom ng kapeng inorder niya.
"Si Clarisse nanaman ang dahilan?" Nakangising tanong ng binata.
Alam kasi ni Taejan na patay na patay si Blaire kay Orion na kaibigan lamang ang turing sa dalaga. Ang dahilan ng break up nila ni Taejan ay dahil sa pagmamahal ni Blaire kay Orion.
"Change topic." Sagot niya saka napa-rolled eyes.
"You know what? Akin ka na lang kaya ulit?" Nakangising suggestion nito na tinawanan lamang ng niya.
Taejan is her first boyfriend kaya halos lahat ng first niya ay naranasan niya dito.
"Uuwi na ako. Salamat." Sabi ni Blaire dito saka tumayo para umalis na pero biglang tumayo si Taejan at pinigilan siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya. Nilingon niya ito na may pagtataka, "...Bakit?"
"Ihahatid kita sa tinutuluyan mo ngayon." Sabi nito saka bumitaw sa braso ni Blaire.
"Dala ko ang kotse ko, Taej." Natatawang sagot niya.
"Sabihin mo na lang sa akin kung saan ka nakatira. Pupuntahan kita as soon as may nalaman akong pwede mong pagtrabahuan."
"Tawagan mo na lang ako."
"Ba't ayaw mong sabihin?" Malungkot na tanong ng binata. May pagtatampo.
"Pwede mo naman kasi akong tawagan, Taej." Dahilan niya dito.
"Pero gusto kitang puntahan, Blaire."
"Para ano? Don't tell me you haven't moved on? It's been two years already." Seryosong tanong niya dito.
"Paano kung sabihin kong hindi pa nga?" Biglang seryosong sagot naman ng binata.
Nagkatitigan sila ng ilang minuto bago napabuntong hininga ang dalaga.
"Taej..."
"Alam mo bang sa loob ng dalawang taong magkahiwalay tayo at pumayag akong we stayed as friends kahit mahal pa rin kita? I considered your call as a sign, Blaire..." Pag-amin nito.
"Kalalaki mong tao nagpapaniwala ka sa sign? Taejan Haines? Ikaw ba talaga 'yan? Iba ang pagkakakilala ko sa'yo." Natatawang sabi niya dito.
"Exactly! Alam mo namang nagbago ako para sa'yo 'di ba? Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito Blaire and I can't just waste this chance now. Please?"
Si Taejan kasi ang maihahalintulad sa mga playboy kaya nga nagkakilala sila dahil nakipaglandian ito sa kanya dahil b*tch ang first impression nito sa kanya noon, but he was wrong to think like that. Noong nagkakilala sila, nahulog ang loob ng binata sa kanya. Nagbago ang first impression na 'yon ni Taejan. Matagal bago niya ito sinagot sa panliligaw. Sinagot lang naman talaga niya ito dahil wala siyang mabalingan ng nararamdaman para kay Orion noon at para na rin malaman kung magsiselos ito kapag may boyfriend na siya pero hindi pala talaga. Kaya naghiwalay sila ni Taejan dahil din sa nararamdaman niya para kay Orion. Ayaw niyang lokohin ang sarili niya at si Taejan sa isang relasyong hindi naman talaga niya gusto. Ayaw niya ring gamitin lang si Taejan.
"Wala akong binibigay na chance, Taej ah!" Paalala niya dito.
"Wala nga, pero ang tadhana meron." Dahilan ng binata.
"Ang korny mo na, Taej! Stop it!" Natatawang sagot niya.
Natawa lang din ang binata saka bigla siya nitong hinila at yinakap. Nakasimangot ang dalagang hinayaan itong yakapin siya.
"I missed you, Blaire..." Biglang bulong ng binata dito.
Hindi ito sinagot ng dalaga. Hindi naman kasi sila pareho ng nararamdaman.
-
#TeamOrionAKSWP
#TeamTaejanAKSWP