Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!
claring! claring! tok! tok! tok!
Napa balikwas ako nang bangon nang maka rinig nang mga katok sa pinto,boses ni nanay Melba Ang tumatawag Mula sa labas.
"Nandiyan napo nay!" sagot ko bago nagmadaling binalik Ang litrato ni senorito trey sa may bedside table.nakatulugan ko na pala Ang pag iisip sa kanya.tsk! muntik ko na sanang mahalikan si trey kahit sa panaginip Lang! sayang naman oh! ito talagang so nanay Melba,distirbo sa magandang panaginip ko.
"Bakit po nay?bungad ko sa kanya pagka bukas ko nang pinto.
"Naku Ikaw na bata ka kanina ka pa hinahanap nang lola mo at mag aala Cinco na nang hapon,nakatulogan mo na naman Ang pag lilinis Dito sa kwarto ni senorito ano?tanong niya saKin.
"Hehe oo nay Ang lambot kAsi nang kama,nagupo ako nang antok agad,sagot Kong napapa kamot pa sa ilong.
"Oh siya! siya! naku Hindi mo na pweding Gawin Yan pag andito na si senorito,halikana nga't bumaba na tayo nang maka paghanda nang hapunan.
Pa baling-baling ako sa higaan,mag a-alas dose na nang hating Gabi Hindi parin ako makatulog.excited ako bukas sa pag dating ni senorito Trevor.
Ano na kayang itsura nya ngayon?may girlfriend na kaya siya?o di kaya'y asawa?pero imposible naman yata dahil Wala namang nabanggit Ang don almario tungkol Doon...
Hayyy!!!! ano ba itong mga naiiisip ko,pag nalaman to ni Lola na pinag papantasyahan ko Ang anak nang amo namin,paniguradong katakot-takot na kurot sa singit at sermon Ang matatanggap ko nito..nangingiting saway ko sa Sarili.
Pagkagaling sa opisina ay deretso nakong nagmaneho papunta sa isang sikat na bar sa alabang,mag a-alas onse narin nang Gabi,,tinapos ko na lahat nang mga dapat pirmahan dahil uuwi ako bukas sa hacienda.
Ilang buwan narin akong kinukulit ni dad na umuwi nang hacienda.hindi ko lang maiwan-iwan agad Ang kompanya dahil maraming dapat asikasuhin.
Matapos makapag park ay agad na akong pumasok sa loob,marami-rami naring tao sa loob,Yong iba ay sobrang wild na sa dance floor,halos nagtutukaan na iyong iba..tsk.tsk.tsk.
Napapa iling nalang ako habang papalapit sa bar counter.nang maka pwesto ako nang upo ay agad akong nilapitan nang bar tender at inabutan nang baso'ng may lama'ng whiskey.
Medyo madalas ako dito kaya Alam na niya Ang lagi Kong ino-order.
"Mukhang kayo Lang yata mag Isa ngayon sir ah!...si sir Jude po?".
Lumagok muna ako bago sumagot."busy na naman siguro yon sa pambababae".natatawa Kong sagot."actually napadaan Lang talaga ako,gusto ko lang uminon nang kaunti para pampa tulog."