Sa tantya ko ay halos kalahating oras na akong mulat habang naka higa pa rin at naka titig sa pawid na kisame. I can hear them moving around. George is probably already cooking breakfast dahil amoy ko na ang bango ng sinangag. Nagising ako na wala si Nic sa tabi ko. I don’t know kung natulog sya o kung tumabi ba sya sa akin dahil hindi ko sya naramdaman. Siguro, sobrang sarap lang ng tulog ko dahil malamig. Lalo na ngayon. Rinig na rinig ko ang ingay ng mga insekto na nasa paligid. May mga iba’t ibang ibon rin. It feels nice and relaxing. Sandali kong nakalimutan na kaya kami napunta sa ganitong sitwasyon eh, dahil may gustong magpa patay sa akin. Damn. That hits different. Wala pa akong gana bumangon. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang naging conversation naming dalawa ni Nic kagabi.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


