“I cooked that, you should try it.” Masigla ang boses na sabi ni Napoleon habang itinuturo ang niluto nyang sweet and sour pork. Tipid lang akong ngumiti sa kanya tapos kumuha ng niluto nya. Nakangiti lang sya habang nakatingin sa akin. Medyo nakakailang pero gusto ko rin sya makausap. I want to hear things from his perspective. Ngayon lang ako nakakilala ng tao na pwede kong mapagtanungan tungkol sa parents ko. Baka rin may alam sya sa kung ano ang totoong nangyari sa parents ko. Now that I know na maaaring set up ang pagkasunog ng bahay namin, it makes me want to at least do something about it. My parents might have something to do with illegal things but they are my parents, and I want to give them justice. “How was it?” Nakangiti nya pa rin na tanong. “M-masarap..” Mahinang sabi ko

