PINALIWANAG KAY SHAYLA NG ASAWA KUNG ANO ANG NANGYARI. Noong una ay hindi niya mapigilan na magalit pareho kina Angela at Katniss. Magkakilala pala ang dalawa, at inutusan pala ni Angela si Katniss na sirain silang mag-asawa, para maagaw ni Angela ang asawa sa kanya. "Nagagalit talaga ako!" Naiiyak niyang bulyaw sa asawang mabilis na yumapos sa kanya. "Umalis ka nga sa harapan ko! Alis!" "Hon naman e..." masuyong sabi ni Gerard na hinaharangan siya. [Photo up. Share ko lang how I see it in my head, pero yung background kasi hindi swimming pool.] "Yan Angela na yan..." hikbi niya. "Sobra na siya! Gusto ko talaga siyang sabunutan, sampalin, palapa sa aso, buhusan ng asido... ng kumukulong tubig, baliin ng buto, sunugin, ibuhos ang abo at i-flush sa toilet!" Nanggagalaiti niyang sabi, hab

