Twenty Six

4304 Words
Nagising si Shayla na wala na sa tabi niya si Gerard. Dahan dahan siyang bumangon at hinanap ang alarm clock. She checked on the time and it was already 8:00am. Nagtaka siya kung bakit hindi siya ginising ng mga anak lalo pa't pag naunang magising ang mga ito ay pinupuntahan siya kaagad ng mga ito sa kanyang kuwarto upang gisingin. Marahil ay sinabihan ang mga ito ni Gerard na huwag siyang gisingin dahil gusto ni Gerard na makapagpahinga siya. Naalala tuloy niya ang pag make love nila kaninang madaling araw. It was one of the best they ever shared lalo na simula nang parang nag-create siya nang nagluksa siya sa pagkawala ng kanyang ina. Pagka-isip sa ina ay kaagad niya itong na-picture sa kanyang isip at nakaramdam ng kirot sa puso. Napakagat labi siya at agad na mariing ipinikit ang mga mata. She reminded herself to control her emotions, and the passing of her mom is a reality in life that she must accept. Death is inevitable.She reminded herself. At kahit masakit, Mommy is in a better place now. Hindi na siya mahihirapan. Hindi na siya masasaktan. She's happy with Daddy now. And most of all, kasama na niya si Papa God, where we all truly belong.Kumbinsi ni Shayla sa kanyang sarili. Sige na Shayla.Pakiusap pa niya sa sarili. You have to pull yourself together! Tama na ang pagbe-break down. Alalahanin mo ang baby mo na nasa sinapupunan mo. Malay mo yang nasa sinapupunan mo na pala ang future scientist na magdidiscover ng lunas para sa cancer. Bongga! Matutuwa pa si Mommy niyan sa heaven! She tried to humor herself. Huminga siya ng malalim bago tumayo ng kama. Saka lang niya na-realize na wala pala siyang saplot na suot. Awtomatikong napatakip siya ng sarili, at dali daling pumunta sa bathroom. Isinara niya ito at napasandal sa pintuan, dahil nakaramdam siya ng pagkahilo. Hindi niya mawari kung dahil ba ito sa kanyang pagbubuntis o dahil sa kulang siya sa tulog. Saglit niyang hinintay na humupa ang pagkahilo, bago pumunta sa tub para maligo. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang towel at saka namili ng isusuot. Weekday ba o weekend? Napaisip siya kung ano na nga bang petsa ngayon. Kinuha niya ang kanyang mobile fon na ilang araw na rin niyang hindi tinitingnan at nakitang may 35 messages siya sa inbox. Napakagat labi siya. Sigurado siyang sa mga kaibigan at pinsan niya galing ang mga messages na iyon dahil sa tuwing dadalaw ang mga ito ay sinasabi niyang hindi niya kayang lumabas ng kuwarto. Ayaw niya kasi makipag-usap kahit kanino, kahit pa ang mga kaibigan na mismo ang pumupunta sa kuwarto niya. Matamlay lang niyang kakausapin saglit ang mga ito kaya nagdedesisyon din ang mga ito na umuwi na. Para siyang na-twilight zone dahil tumigil ang mundo niya ng matagal dahil sa pagluluksa niya. Hindi lang naman mga pinsan at kaibigang matatalik ang shinut out niya. Pati si Gerard at ang mga anak ay hindi niya napagtuunan ng pansin dahil sa pagluluksa niya.  Ngayon ay nakakaramdam siya ng pagka-guilty. Bumuntong hininga siya sa naramdaman. Pakiramdam niya ay kailangan niyang bumawi sa pamilya.    Pinindot niya ang icon ng kalendaryo sa kanyang mobile phone upang malaman ang araw ngayon, at nalaman na Sabado ngayon. Katulad ng dati, tuwing fourth Saturday of the month ay may bonding time ang mag-ama from 2:00pm to 6:00pm. Sa umaga naman ang bonding time ng buong pamilya. She wondered what Gerard and the kids were probably doing by now, and she felt a tinge of sadness. It's been a while since they bonded as a family, dahil mas madalas nga ay nagkukulong siya sa kuwarto at nasa kama lang. It was actually good for her according to her OB since she was undergoing stress, and having contractions, so parang naka-bed rest din siya for that reason... well, aside from the fact that she was depressed and did not want to go out of the bed.  Pero ngayon ay pipilitin niyang ma-normalize ulit ang buhay nila ng kanyang pamilya. Tuwing Sabado ay lumalabas sila ng pamilya. Kung dati ay ito ang araw na bumibisita sila sa kanyang ina at kay Uncle Migoel sa bahay ng mga ito at iniimbitahan ang mga ito na kumain sa labas, ngayon naman ay plano sana niyang dalawin ang ina sa puntod nito, bago pumunta kay Uncle Migoel para imbitahan ito kumain sa labas kasama ni Gerard at ng mga bata. Mabilis siyang kumuha ng Fuchsia baby t-shirt, at string pants. Kumuha na rin siya ng t-shirt bra at underwear saka inilapag ang mga ito sa kama. Mabilis din niyang isinuot ang mga ito, at nagsuot ng kanyang paboritong White Tretorn rubber shoes. She realized that she missed wearing her most comfortable get up. Recently kasi ay parati siyang naka-heels o naka- business attire dahil sa trabaho niya bilang Account Officer, at dahil kailangan naka-pormal siya noon sa burol ng ina dahil sa mga bisita ng kanyang father at mother-in-law.  Mababaw na realisasyon lamang iyon, pero naisip niya na kapag nalulungkot pala siya, nakakatulong sa kanya na bumalik sa mga bagay na masaya siya o kumportable siya. Masaya siya kapag nagkakasama ang kanyang pamilya, at nakakatulong din pala yung susuutin mo ay yung mga bagay na kumportable ka, o nagpapakita kung sino ka. At para sa kanya, siya ay si Shayla, simple, madaling pasayahin, mapagmahal na anak, supportive at tapat na asawa, at mapagkalinga at protective na ina. Lahat ay gagawin niya para sa pamilya. Somehow it helped to recall who she was, so that she could remind herself who she is, and her purpose whenever she would fall or lose track; or even after a loss that took away a big part of what defines her—and that was her mother. Pero kahit wala na ang ina, patuloy pa rin siyang lalaban sa buhay para asawa't mg anak. With this thought, she knew she was going to be able to get back on track as she recalled her purpose in life—and that was to love and care for her family and loved ones, and to always be there for them, as they've always been there all through out her life. Kinuha na niya ang kanyang paboritong brown Ralph Lauren bag na iniregalo sa kanya ng asawa na pangharabas niya. Sinilip niya ang mga laman nito dahil last time na gamit niya ito ay noong nasa ospital pa siya. Naroon ang ilang resibo sa grocery at iba't ibang purchases niya, tissue sa Starbucks kung saan siya madalas bumili ng kape upang manatiling gising habang inaantabayan ang ina na nasa ICU noon, candy wrappers, gamit na mga tissue na isinusuksok niya sa kanyang bag noon kapag napapaiyak siya o di kaya ay sinisipon na sa pag-iyak. Itinapon niya ang mga ito sa basurahan at inilagay ang mga importante sa kanya. Inilagay niya ang isang personalized first aid kit niya kung saan mayroong iilang mga cotton buds, cotton balls na nakalagay sa isang maliit at flat na zip-lock, band aids in different sizes and kiddie designs, maliit na alcohol, alcogel, mosquito repellant stickers, baby nail cutter, Sanrio rubber bands, maliit na agua oxinada at betadine, paracetamol for kids, paracetamol for adults, mefenamic acid, Diatabs, at Cetirizine tablets para sa asawa. Iniligay din niya ang medium size na Pigeon na tissue, unscented na Kleenex tissue, at Angel's breath cologne. Ang lahat ng ito ay para sa pamilya niya. Inilagay naman niya ang kanyang wallet, isang lipstick, panyo, shades, at panali sa buhok para sa sarili niya. Muli niyang kinuha ang mobile phone habang naglakad palabas ng kuwarto, at tinawagan si Uncle Migoel. Inaya niya itong mag-lunch pero sinabi nitong nasa Brazil pala ito ngayon upang mag-asikaso ng negosyo. Nang magpaalam na siya kay Uncle Migoel ay saktong nakababa na rin siya ng hagdan. Luminga linga siya sa paligid upang tingnan kung naroon si Gerard, dahil alam niyang ayaw nitong nagmu-multi-tasking siya kapag bumababa ng hagdan. Alam kasi nitong may pagkalampa siya. May napadaan na isa sa mga helpers mula sa kitchen na may hawak ng tray. May laman na plato ng Clubhouse sandwiches ang tray, at papunta ang helper sa opisina ni Gerard. "Nasa office ba ni Gerard ang mga bata, Lisa?" tanong niya. "Nasa dining room po, Ma'am." Sagot nito. "Kumakain po ng umagahan yung mga bata." "Ah, ganun ba? Eh para saan yung mga sandwiches?" marahan niyang tanong. Nagtataka kasi siya kung bakita ang dami ng sandwiches na ginawa ng helper, kung para lamang kay Gerard iyon. Ang lakas naman kumain ni Honey ngayon. Naglilihi yata! Hehe!Naisip niya. "Para po sa mga bisita nina Sir Gerry at Sir Ardy po." Sagot ng helper. "May ka-miting po kasi sila. Mga politiko po." "Huh? Eh, bakit kasama si Gerard? At saka, Sabado?" nagtaka niyang tanong. "Opo." Sagot ng helper. "Ihahatid ko na po Ma'am yung mga tinapay sa loob kasi kukunin ko pa po yung juice sa kusina." Paalam ng helper. "Ay, sorry." Hingi niya ng dispensa dahil naging rason pa siya ng delay sa pag-serve ng helper. "Sige punta ka na sa office ni Gerard." Sagot niya. Naunang lumakad ang helper papunta sa opisina ni Gerard, at siya naman ay pumunta sa dining room kung nasaan ang mga anak at ang mga yaya nito na inaasikaso ang mga bata kumain. "Good morning mga anak kong miss na miss ko!" Masaya niyang bati sa mga anak niya at nagsilapitan sa kanya ang mga ito. Humalik ang mga anak sa kanya at hinalikan rin niya isa isa ang mga ito, bago nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan. Siyan naman ay naupo na sa puwesto niya katabi ni Milena. Kumuha siya ng isang pandesal at boiled egg. Pagkagat niya ay parang hindi siya kuntento sa lasa nito kaya nagpakuha siya ng cranberry jelly, mayonnaise, at slice ng mangga. Inilagay niya ang mga ito kasama ng itlog at pandesal. Pagkagat niya ay napapapikit siya sa sarap. "Hmm! Sarap!" Nasambit niya at napangiti, bago nagmulat ng mata. Pagmulat niya ng mata ay napatingin siya sa mga matang kanina pa pala nakatingin sa kanya. "Yuck, Mommy!" Gwen commented. "That's... that's icky." "Masarap, anak! Try niyo." Alok niya habang natatawa sa mga hitsura ng mga anak na parang nandidiri sa kinakain niya. "Are you sick, Mom?" worried na tanong ni Gwen. "No, anak." Natatawa niyang nguya habang isinubo ang huling piraso ng pandesal at gumawa ng panibagong pandesal na may halo-halong palaman. "Naglilihi kasi ang mommy niyo." Paliwanag naman ng isa sa mga nannies ng mga bata. "What's naglilihi?" tanong ni Milena. "You're mommy is pregnant. She will have a baby." "A new baby?" tanong ni Drew. "Yes, anak. You and Milena will be Kuya and Ate na." Paliwanag naman niya. "Is that okay with you?" "Yeah," sagot ni Drew. "Thank you, Drew and Milena." Sabi niya. "Mom, if you're not sick, does it mean we're going to be like before again?" tanong ni Milena. Napatigil siya sa pagkagat sa pandesal at napatingin kay Milena. "What do you mean Milly?" tanong niya na may pag-aalala sa tanong ng bunsong babaeng anak. "What Milly means is that if you're going to bring us to school again, just like before?" Sagot ni Gwen. "Yeah, Mommy. I feel sad when you don't bring us to school." Dagdag ni Andrew. "You're not the only one, Drew. Me too, Mommy." Sagot naman ni Milly at pumunta sa kanya para umakap. She wrapped her arms around Milena, and Drew followed. She also wrapped her other arm around him, and she felt her heart melted. She felt so guilty. Hindi lang pala ang mundo niya ang tumigil nang mawala ang kanyang mommy. Ang buong akala niya na sa pagsasarili niya at pagtatago ng lungkot na nadarama ng ilang linggo ay napoprotektahan niya ang mga anak na makita siyang umiiyak at halos hindi maka-move on sa reyalidad na wala na ang mommy niya. Ayaw niyang makita ng mga bata na nanghihina siya. Pero sa paglayo pala niya ay naapektuhan pa rin ang mga bata. Sobra ang guilt na naramdaman niya sa pagkatuklas ng saloobin ng mga bata. Halos madurog ang puso niya. Pakiramdam niya ay napaka-self centered niya. Yung hurt feeling lang niya ang inintindi niya. Yung feeling of loss lang niya ang pinagtuunan niya ng pansin, at sa tingin niya that it was at the expense of her children's happiness.  Lalo siyang na-guilty. Pakiramdam niya ay kailangan niyang makabawi sa mga bata. At magagawa lamang niya iyon kung wala na siyang ibang pagtutuunan ng pansin kungdi ang asikasuhin ang mga bata pati na rin ang asawa. Ngunit magagawa lamang niya iyon kung magbibitiw siya sa trabaho. Working in the family company suddenly did not find any bearing for her anymore. All that matters to her is that she would make up to her children, even if it was on impulse.  Kung tutuusin, ang rason lamang niya kung bakit nagkaroon siya ng zeal na magtrabaho ay para bantayan si Angela. Pero it was based on her impulse again dahil napaparanoid siya na pati ang asawa niya ay gagamitin ni Angela upang makipag-kompitensya sa kanya. She planned to tell it to Gerard ngayon lunch time. Ang una niyang gagawin ngayon upang makabawi sa pamilya ay ang magluto ng masarap na lunch, tapos mamaya niya sasabihin sa lunch nila ng pamilya ang tungkol sa plano niya.  Hihingin niya ang mga opinson ng mga ito. Pero sigurado naman siya na gugustuhin ni Gerard at mga bata na siya ay tumigil na sa pagta-trabaho lalo pa't buntis siya at namimiss na siya ng mga anak. Hinalikan niya ang dalawang bunso. "Sorry mga bunsoy ko..." malambing niyang sabi sa dalawang batang akap, at saka bumaling sa dalawang panganay na nasa mga upuan pa rin ng mga ito. "Sorry, mga ate kong magaganda." Sabi pa niya na nakangiti sa mga anak. "I love you. Bawi si Mommy." Mahigpit siyang umakap sa dalawang bunso at bahagya pang pinangigilan ang mga ito. "Mommy, my hair." Ani Drew na bahagya niyang ikinagulat. Pinanood niyang inayos ni Drew ang buhok nito na nagulo nang yakapin niya ito at si Milena. "He doesn't want his hair na magulo 'cuz he's got a crush, Mommy." Si Gwen iyon na binubuko ang bunsong kapatid. "What?" napakagat labi niyang tanong. "My baby boy is big na?" Aniya, and heard Drew grumbled. "I'm not a big boy. I'm a man, just like Daddy! And I don't have a crush. She's my girl friend." Nanlaki ang mga mata niya, at napatingin sa mga yaya na napapatawa. "Opo, Ma'am. May girl friend na si Drew. Si Trinity  po ang pangalan. Kaklase nila ni Milena." Sagot ng nanny ni Drew. "Did you ask her to be your girl friend, or it just happened like she said you're her boyfriend, and she's your girl friend?" tanong niya kay Drew. "She asked me, and I said yes."  Lalo siyang napatawa. "What's so funny, Mom?" nae-embarrass na tanong ni Drew. Tinakpan niya ang kanyang bibig ng kamay, upang pigilan ang sarili sa pagtawa. Sinubuka niyang itigil ang paghagikgik, bago muling nagsalita. "Does your Daddy know about it na?" "Yes." Sagot ni Milena. "I told Daddy." "And what did Dad say?" tanong niya. "Dad said Trinity is a special girl, but they are not boyfriend-girl friend. Daddy said they are best of friends." Sagot ni Gwen. Tumango siya in agreement sa sinabi ng asawa. "Yes, Dad's right. Baka naman best of friends ang tawag sa inyo ni Trinity. She wants you to be your best friend. Kasi ang mag-boy friend and girl friend ay para sa age na nila Uncle Malik at Auntie Jackie." Paliwanag niya habang pinapanood ang anak na lalaki na parang sponge na nakikinig sa bawat katagang sabihin niya. "But Auntie Jackie said she and Uncle Malik are best of friends, not boyfriend-girl friend." Sabi naman ni Gwen. Napakagat labi siya. Paano nga ba niya ipapaliwanag ang relasyon nina Jackie at Malik? Si Malik kasi kung maglambing kay Jackie ay parang girl friend niya ito, maliban na lang kasi hindi niya ito hinahalikan. Si Jackie naman ay halatang may gusto kay Malik, pero ewan ba niya kung bakit hindi pa nito ituloy sa next level ang pagka-'kaibigan' nilang dalawa. Napahinga sila ng malalim. "Well, they are best of friends, but since they are big na, and they love each other, they can be boy friend-girl friend." "Ah!" Tumango tango si Gwen. "So it means that we can only have boy friend, or girl friend for you Drew, if we're big na. Right, mommy?" Napaisip saglit si Shayla at napapunas ng pawis sa noo. Tama bang sabihin niyang okay lang mag-boy friend o mag- girl friend kung malaki na sila? Pero naiisip niya kasi na hindi lang basta basta nakikipagrelasyon porket matanda na ang isang tao. Kailangan matured na. Kailangan hindi mapusok. Kailangan hindi nagmamadali... Ang hirap naman magpaliwanag. Nasaan ba si Honey? Siya ang magaling magpaliwanag sa mga bata pag dating sa ganito eh! Naisip niya. "Right," unsure niyang sabi, at uminom ng baso ng tubig. "Okay, kain na kayo ha? Tatayo na muna si Mommy at magluluto ng lunch." Sabi na lang niya para makaiwas na sa mga pag-uusap tungkol sa love, pakikipag-relasyon at baka kung saan na naman mapunta ang usap tulad ng birds and bees. "We will not go out for lunch?" tanong ni Gwen na disappointed. "After lunch, anak. While Dad and Drew are having quality time, tayo naman nina Bree and Milena, mamasyal sa mall." Kindat pa niya sa mga anak, na ang ibig sabihin ay ipagsha-shoppping niya ang mga bata. "Yehey!" Excited naman ang tatlong mga babaeng anak. Nakita niya ang excitement sa mga mata nito, at natawa siya, bago pumasok sa kitchen upang maghanda sana ng iluluto for lunch. Ipinatong niya sa counter ang kanyang bag, at napansin na abala na sa pagluluto ang kanilang cook at ang ibang mga helpers. "Good morning Ma'am." Bati ng mga ito. "Good morning." Bati naman niya. "A-anong niluluto niyo?" nahihiya niyang tanong. She felt embarrassed because Gerard might have taken the initiative to plan their meal all through the week already, which was not his job. It was her job, her responsibility, her share of the work as a wife, while her husband works for the family. Nahiya tuloy siya mag-usisa, dahil nga napabayaan din niya ang kanilang household ng ilang linggo. "Kalderetang baka po, Ma'am. Nagpaluto po si Sir Ardy kasi dito raw po kakain ang mga bisita nila ni Sir Gerry ng lunch." "L-lunch?" taka niyang tanong, at napansin papasok na muli ang helper na kausap niya kanina lamang. Kukunin na nito ang isang pitchel ng bagong timpla na iced tea at isang pitchel ng water na may ice. May isa pang tray para sa mga bagong baso na nasa isang tray. At merun din tray ng mga assorted peanuts. Ibig bang sabihin nito hindi kami matutuloy sa lakad namin? Naku! Madidisappoint ang mga bata.Pag-alala niya.  Iniisip pa lang niya ang mga hitsura ng mga bata kapag nalaman nila na hindi na naman sila magba-bonding ng weekend ay parang madudurog na ang puso niya. "Kailangan kong makausap si honey." Determinadong sabi niya at nag-isip kung paano ba niya makaka-usap ang asawa. Naisip niyang alukin ng tulong si Lisa para dalhin sa loob ng opisina ang mga baso, juice, tubig, at assorted nuts in bowls. Inalalayan naman siya ng helper, lalo sa pagbukas ng pintuan. Pagpasok niya sa loob ay nakita niya na marami ngang kasama si Gerard sa loob ng opisina, at pamilyar ang mga mukha ng mga ito. Lahat ng mga ito ay kasapi sa partido ni Daddy Gerry. "O, tamang tama, narito na ang first lady ng ating Vice Mayor!" Masayang tumayo si Mayor Ledesma. Ito ang kasalukuyang mayor sa kanilang lungsod. Nauna itong tumayo at sinalubong siya para alalayan sa hawak niyang tray. Nagdaplis ang kanilang mga daliri at nakaramdam siya ng pangingilabot kaya inilayo niya ang sarili at ang tray. "Naku, huwag na po. A-ako na po, Sir." Aniya.  Hangngang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay sa ideya na mahawakan ng ibang lalaki na hindi naman niya kaanu-ano. Her wandered around to seek her husband, and she saw him looking at her, with worried eyes.  Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Kasunod din nito si Daddy Gerry. Ewan ba niya kung paanong nakuha niya kung ano ang ibig sabihin ng tingin na iyon. Alam niyang nag-aalala ang asawa dahil mabigat ang hawak niyang tray ng juice. Nag-alala din ito na baka madulas siya. Buntis pa naman siya. Bukod duon ay nag-alala ito na nalaman na niya kaagad ang tungkol sa binabalak na pagtakbo sa politika. "F-first lady?" nasambit at namula niyang sabi, habang hawak pa rin ang mabigat na tray ng juice. She held on to the tray as if it was her security blanket. At kahit kinukuha na sa kanya ni Gerard ang tray ay hindi niya ito binatawan. Si Gerard naman ay marahan hinawakan ang kanyang dalawang kamay, at inalalayan siya na ilapag ang tray sa lamesa. Naramdaman niya ang haplos ng mainit na kamay ng asawa, and she knew he intentionally caressed his hand with hers, for her to let go of the tray. There were no words, just familiar gesture and warm look in each other's eyes, and it calmed her down. She found it weird sometimes, but she thought that it was a good kind of weird. Perhaps, she and Gerard have known each other that well, that they know how each other think. She wondered if Gerard knew what she was thinking now. Does he know that she doesn't like the idea of him running for Vice Mayor? "Dapat isama mo si Shayla sa mga campaign mo, Ardy. Bagay na bagay kayo ni Shayla!  May apil at kikiligin ang mga constituents natin niyan!" Excited na sabi ng isang matandang babae na sa palagay ni Shayla ay isa sa mga counselors. Napahawak siya sa kanyang braso, at kulang na lang ay mamilipit siya doon sa hiya habang nakatingin ang lahat.  Umakbay naman si Gerard sa kanya. "Kayo talaga..." iling na lang ni Gerard na nakangiti sa mga suhestyon ng mga kasama. "Let me introduce you to my wife first." Anito at isa isang ipinakilala ni Gerard ang mga kapartido sa kanya. Hindi na rumehistro ang mga pangalan ng mga taong nakikipagkamay sa kanya. Ngumiti na lang siya at nakipagkamay sa mga ito, saka nagmano sa kanyang father-in-law. "Mga kasama, pag-uusapan muna namin ng pamilya ang tungkol sa pagtakbo sa politika." Mahinahon at nakangiting sabi ni Gerard. "Siyempre kailangan may approval ng boss ko yan, diba honey?" baling nito sa kanya. "Since Shayla is here, why don't you ask her." Suhestyon ng isa. Napatingin si Gerard. She knew that he was just stalling because he wanted to talk to her in private about this big decision. Ayaw nitong makipag-usap sa kanya na kaharap ang mga ito. Nakuha kaagad niya mula sa tingin ng asawa na iniiwas nito na mapilitan lang siyang pumayag dahil sa buyo ng mga taong naroon. "Ano, Shayla?" tanong ng isa pang politiko. "Pumapayag ka ba na magsilbi sa bayan ang iyong asawang si Gerard?" "Uhm..." hindi siya makapag-salita. Should she say no? If she would say no, madidisappoint ang mga kapartido ng asawa... lalo na ang kanyang father-in-law na matagal ng gino-groom si Gerard sa pagtakbo sa politika. Should she say yes? If she would say yes, then it would mean Gerard would have less time for her and the family. Most of all, kahati na nila ng mga anak ang buong lungsod sa priority ng asawa. Napatingin siya sa mga taong naghihintay ng kanyang sagot. Napatingin siya sa father in law na alam naman niyang gustong tumakbo si Gerard sa politika. Bumaling siya sa asawa. "Hon," mahinang sambit ni Gerard. "Kung ayaw mo, susunod ako sa'yo." "Pambihira, under pala itong bata natin eh!" Biro ng isa. Napatingin siya sa mga kasamahan ng asawa, bago bumaling ulit kay Gerard, na nakangiti sa kanya, revealing those dimples that she extra adores so much that she wanted to poke it right there; and if she knew better, pinaglilihihan niya ang dimples ng asawa. Tinitigan niya si Gerard. She saw in his eyes how much he wanted this...and she saw that it was for a noble cause. Gerard wanted to serve. And she, herself, believed that he could be a great help to their city; and perhaps, as President Gerardo planned, Gerard could serve our country, and she knew he could do great things for the country. Naalala niya ang pangako niya sa asawa nang nagpakasal sila. ".. With humility and joy, I vow to respect your ideas, to support your dreams, and submit to your leadership... " and as a wife, she knew in her heart that she had to support her husband in his endeavors.  "Yes. I do." Saglit na nanlaki ang mga mata ng asawang singkit. She knew he wasn't expecting her to say yes, but she did. At napatawa si Gerard sa sagot niya, bago siya mahigpit na inakap. He was chuckling as he embraced her tight. "Tatawa tawa ka pa diyan." Mahina niyang sambit habang nakayapos sa kanya si Gerard. Alam naman niya kung bakit tumatawa si Gerard, at dahil ito sa sinabi niyang mga kataga. It was her way of saying she was committing herself to support him. "Pag ikaw nawalang ng time..." "I'll drop everything." He promised as he looked her straight in the eyes. "Thank you, hon." Sambit ng asawa niya. Tinitigan niya ang asawang halata niyang excited sa bago nitong adventure.... Ay, hindi pala. Adventure pala namin...  naisip niya. And by some weird way, he knew what she thought, and he smiled at her, telling her with just his expressive eyes how much he appreciated her support. Ginagap ni Gerard ang kanyang mukha at hinalikan siya sa labi, sa harap ng mga nagpapalakpakan nitong mga kapartido.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD