Sixteen

1951 Words
Hindi makapag-concentrate si Gerard habang nasa meeting kasama si Percival at ang board members ng Ponce Group of Companies. Hindi kasi mawaglit sa isip niya ang hitsura kanina ng Rafa Yuchengco na yon na kung tumingin kay Shayla ay parang binatilyong nakita ang crush nito. At dahil sa naiisip ay nakaramdam na naman siya ng pagseselos. Kung bakit pa kasi lalaki ang naging boss ng asawa! Napasimangot tuloy siya, na napansin pala ng kanyang pinsan na si Percival. "Insan, puwede bang kahit mag-pretend ka na lang na nakikinig ka? Malapit na mag-lunch time! Makikita mo naman ulit si Shayla!" Bulong ni Percival sa kanya. "Easy for you to say..." ismid na bulong ni Gerard sa pinsan. "Bakit mo kasi tinanggap yung Rafa na yon?" pabulong niyang tanong. "I hired Rafa first before I even learned that Shayla was going to work for him." "Haist!" Asar na inirapan ni Gerard ang pinsan, samantalang si Percival naman ay pinipilit na huwag matawa sa kanya. "Kapag may lalaking nagkagusto din kay Rori dito sa opisina, ganito rin ang mararamdaman mo!" Bulong na sabi ni Gerard sa pinsan. "Well," mayabang na sambit ni Percival. "Ano pa't naging CEO ako kung hindi ko kayang gawan ng paraan iyon, diba?" sabi naman nito. Napatitig siya sa pinsan. Nagkaroon kasi siya ng ideya kung ano ang gagawin kay Rafa. Pero nakuha ng pinsan ang naiisip niya. "Ardy, hindi mo puwedeng gawin yan!" Bulong naman ni Percival. "Who says?" maangas na tanong ni Gerard. "Ako." Si Percival. "Magaling sa sales si Rafa, Ardy. We need skillful people like him, for the company." Tinitigan niya ng masama si Percival, habang natatawa pa rin ang pinsan niya sa kanya. "Fine! Ganito na lang. I'll give him 6 months. Kapag hindi ko nagustuhan ang performance niya, I'll do something about it." Pangako ni Percival. Si Gerard naman na kanina pa masama ang mukha ay binalingan si Percival. "Just make sure of that." Parang threat na sabi ni Gerard sa pinsan. " "Oo nga." Si Percival iyon na inilapit ang kamao sa kanya, at nag-secret handshake sila. Masaya na siyang nagtext  kay Shayla. "I MISS YOU, HON!" "Naks naman ang pinsan ko. Nagpapaka-mushy!" Biro ni Percival sa kanya. "Parang yung isa dito, hindi, a?" pang-aasar niya sa pinsan. Ang pinsan naman niyang si Percival ay inilabas ang fon at nakitang may text message ang asawa nitong si Rori kaya agad nitong sinagot ang message. Sinilip niya ang text ni Percival sa asawa at nakitang may kiss emoticon na inilagay ang pinsan sa message nito. "Yun, o! May pakiss-kiss pa!" Pang-aasar niyang bulong, at iniwas naman ni Percival ang mobile phone nito sa kanya. Biglang tumunog ang mobile phone niya. Mabilis na sumagot ang asawa. "MISS YOU MORE, HON. SEE YOU NG LUNCH TIME. LOVE YOU SO MUCH!" At dahil sa text na iyon ng asawa ay nakampante na siya at bahagyang nakapag-pokus na sa meeting. Pagpatak ng 12:00pm, ay sinigurado niyang siya na ang nag-adjourn ng meeting, at mabilis na lumabas ng boardroom. Habang naglalakad ay inayos na niya ang kanyang suit, at tinawagan nang asawa. "Hon, tapos na ba ang orientation ninyo?" tanong niya habang pasakay ng elevator going up. "Naku, hon, sorry, tapos na yung orientation, pero nagmadali kaming umalis ni Sir Rafa eh..." sabi ni Shayla. "Ano? Saan kayo pupunta?" galit niyang tanong at hinarang ang kamay sa elevator, para muling makalabas ng pintuan. "Sa prospective client ko, honey..." nag-aalinlangan na sagot ni Shayla. "Yung restaurant nina Jackie at Malik..." "Pakausap nga diyan kay Rafa!" Monotonous niyang sabi habang naglalakad papunta sa opisina niya. "Hon, wag na." Bulong ni Shayla. "Gusto lang akong isalang ni Sir Rafa para masanay ako mag-sales pitch." Mahinang paliwanag ng asawa. "Sabi niya kasi, strike while the iron is hot. Yung... habang nasa isip ko pa yung tinuro sa orientation? Yung ganun..." "Ganon..." nagtitimpi niyang sabi habang pumapasok sa loob ng opisina. "Hindi ba niya alam na may lunch tayong dalawa?" masungit niyang tanong. "Hon, galit ka ba sa'ken?" alalang tanong ni Shayla. Sa pagtanong ng asawa ay bahagya siyang tumigil para magpakalama. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Hon, hindi ako galit sa'yo." Malumanay niyang umpisa. "Hindi ko lang maintindihan..." aniya na bahagyang tumataas na ang boses. "Bakit atat yang Rafa na yan na dalhin ka kung saan saan?" hindi niya na napigilan ang pagkapikon. "Honey naman..." may pakiusap sa tono ng boses ni Shayla. "Huwag ka na maga..." hindi nito tinuloy ang sasabihin. "Magkita na lang tayo mamaya pauwi ha? I love you so much, asawa ko." "Hon!" Habol niyang sabi pero inend na ni Shayla ang fon call. Pikon na pikon siya. Gusto niyang upakan si Rafa. "Kate," aniya. "Yes Sir?" "Cancel all my appointments today." Sabi niya at naglakad papalabas ng opisina. Pinindot niya ang elevator habang hawak ang lunch box niya, at ang isang kamay ay nasa may bulsa niya. Itinatago niya ang kamaong kanina na pa naninigas na nakakuyom  dahil gusto niyang manapak. Gusto niyang sapakin si Rafa. Nang bumukas ito ay agad siyang sumakay sa elevator, at pinress and down. Pag dating sa basement 1 ay mabilis niyang pinuntahan ang kanilang Alphard na van at sumakay. Nagulat naman ang mga bodyguards at mabilis na sumakay sa mg assigned vans nito, para sundan siya kung saan siya patungo. Mabilis ang pagmaneho niya patungo sa restaurant nila Jackie at Malik sa may South. At sa tuwing may traffic ay tinatawagan niya ang asawa, pero hindi na ito sumasagot. Nainis tuloy siya lalo at nagpupuyos ang dibdib sa selos. At dahil hindi siya makuntento, tinawagan niya si Malik. "Dude, nandyan ba si Shayla?" "Wala pa, Ardy. Pero nagsabi siyang pupunta siya rito. May ipo-propose daw sila ng boss niya. Gulat nga ako eh. Nagtatrabaho na pala si Shayla?" "Yeah," he bitterly said. "Pero pansamantala lang yan." Bawi niya. "Pinasubok ko lang kay Shayla na maka-experience na magtrabaho." "Talaga? Well, good for her, para ma-expand pa ang skills niya." Sabi ni Malik na may bahagyang panunudyo. Napakunot noo si Gerard sa inis. "Wag ka nga! Inaasar mo ba'ko Malik?" tanong niya habang mabilis na nagmamaneho. Narinig niyang tumawa si Malik. "Ikaw ang may gusto mag-try na mag-explore si baby girl, diba? Sabi ko sa'yo, huwag na, lalo na kung di mo naman kaya kontrolin yang pagkaseloso mo." "Oo na! Pinagsisihan ko na!" Pikon niyang sagot. "Dude, wag ka mag-alala, nandito ako, my man! Bantay sarado yang si Shayla at yang boss niya sa'ken. Huwag lang magkamali yang boss niya ng porma, bali buto niya sa'ken!" Pag-assure pa sa kanya ng cousin-in-law. "Bantayan mo din yung babaeng gusto mo pero torpe ka naman na sabihin sa kanya ang feelings mo! Baka yung Rafang yon ang maka-una sa'yo pag nalaman nun na single pa yang iniibig mo!." "Aaaa, wag ganun! Basagan na ng mukha to, dude!" Pabiro namang sabi ni Malik. "Ewan ko sa'yo! Bahala ka nga!" Natatawang sabi ni Gerard sa tinuturing na pinsan. "Antabayanan mo na lang yung asawa ko, dude." Sabi niya na bahagya ng kumalma nang i-assure siya ni Malik na babantayan niya ang asawa at ang boss nito. Nagtraffic na naman, kaya huminto siya at sumandal.  Napatingala siya at saka napapikit. Sa sobrang pagseselos niya ay nakalimutan niyang bumaling sa Big Boss niya. Napabuntong hininga siya at napapikit. "Lord, sorry nagselos talaga ako. Iba kasi itong si Rafa eh. Halatang tipo niya yung asawa ko. Pati tuloy si Shayla nasungitan ko kanina. I'm pretty sure she was tensed when I spoke to her. I sensed her pressure because she was going to give a sales pitch. Napakamahiyain pa naman non... Tapos eto ako, inuuna ang selos ko, kesa suportahan ko siya sa gagawin niya. Sorry, Lord. Pls give me strength na pigilan ang emosyon ko..." bulong niya habang nakapikit, nang marinig niya ang bosina. Go na pala sa traffic lang, kaya pinaandar na niya ang kotse. Nang makarating siya sa restaurant nina Jackie at Malik ay nagpark siya kaagad sa harap ng restaurant. Kinuha niya ang lunchbox nila ni Shayla, at dumaan sa likod kung nasaan ang kusina. Naroon si Jackie at Malik at nakasilip sa may serving window. Sinundan niya ng tingin ang pinapanood nina Malik at Jackie. Nakita niya si Shayla at Rafa na nasa table number 8. Nagdilim na ang paningin niya. "Akala ko ba ikaw ang bahala?" tanong niya kay Malik. Nagulat naman si Jackie at napalingon naman si Malik. "Nandyan ka pala, Ardy!" Si Jackie iyon na napakagat labi at saka namutla. Sa tagal nilang magkaibigan ng mga barkada ni Shayla, sigurado siyang alam ni Jackie na galit na siya. Bumaling siya kay Malik, at nakuha nito ang kanyang tanong. "Sabi kasi ni Shayla, magbi-briefing muna daw sila ni Rafa bago daw kami humarap sa kanila para daw sa proposal nila. Asikasuhin muna raw namin yung mga customers dahil peak hour." Paliwanag ni Malik. Si Jackie naman ay inatupag na ang mga paghile-hilera ng mga orders. "Yung extra gravy ihatid niyo na sa table number 7." Sabi ni Jackie na ang kinakausap ay ang mga busy na waiters. Poker faced lang si Gerard, at tinanggal ang coat niya. Isinabit niya iyon sa pintuan ng opisina nina Malik at Jackie, tinanggal ang necktie, and folded his sleeves. Kinuha niya ang tray ng gravy at lalabas na sa kitchen door. "Anung gagawin mo, dude?" tanong ni Malik na nagulat dahil kinuha niya ang tray na para sa table number 7. Hindi siya nagsalita. "Malik, pigilan mo!" Nagpapanic naman na sabi ni Jackie. Siya naman ay nagtuloy tuloy sa labas. Papunta na siya sa table number 7 kung saan nakatalikod si Rafa, pero si Shayla ay nakaharap dito. Nakayuko lang si Shayla at parang nahihiyang ngumiti habang umiinom ng juice at may tinetext, samantalang dumadaldal si Rafa. Tumatango lang si Shayla sa sinasabi ni Rafa, habang may tinetext sa mobile phone nang biglang tumunog ang mobile fon niya. Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ang text message. Galing pala iyon kay Shayla. "Hon, nandito na kami sa restaurant. Magla-lunch muna kami ni Sir Rafa, habang iniintay na malibre sina Malik at Jackie. Kumain ka na ba? Ubusin mo yung niluto ko ha? Love you so much, and miss you!" Sabi ni Shayla sa text message. Sinagot niya ito. "Hindi ako kakain hanggat hindi tayo sabay. Intayin kita." Sagot niya at saka pinadala ang text message na agad namang Natanggap at binasa ni Shayla.  Nakita niya sa mukha ng asawa na napakagat labi ito at nalungkot. "Is everything ok?" tanong ni Rafa kay Shayla na humawak sa libreng kamay nito na nakapatong sa lamesa. Agad namang inalis ni Shayla ang kamay nito at itinago sa ilalim ng lamesa. "Yes," nahihiyang sambit ni Shayla. Siya naman ay mabilis na binagtas ang layo niya sa dalawa at tumayo siya sa likod ni Rafa. Napansin siya ni Shayla at nanlaki ang mata dahil kinuha niya ang cup ng gravy, at tahimik niyang pinapakita kay Shayla na ibubuhos niya sa ulo ni Rafa ang gravy. Napakagat labi si Shayla, dahil malapit nang pumatak sa ulo ni Rafa ang gravy. Agad namang hinawakan ni Malik ang kamay niya, at kinuha ang gravy. Umiling iling ito sa ginawa ni Gerard.  Napansin naman ni Rafa na may tinitigan si Shayla sa bandang likod nito at sinundan nito ang tingin ni Shayla. Nagulat din ito nang makita na nasa likod siya nito at may hawak na tray. "Gerard!" Gulat na sabi ni Rafa at tumayo. Siya naman ay poker face na tumingin kay Rafa at ibinulsa na lang ang kanyang isang kamao na pinipigilan niyang huwag ilabas, habang hawak ng kabilang kamay ang tray na naiisip niyang ihamapas sa ulo ni Rafa. "I didn't know nagwowork ka dito?" pabirong sabi ni Rafa at hinarap siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD