Shayla woke up earlier than her usual. Napaginipan kasi niya ang nangyari kamakailan nung nalunod siya. Napatitig siya sa mahimbing na natutulog na asawa. Pinagmasdan niya ang mukha nito at marahang hinawi ang buhok na bahagyang nakatakip sa nakapikit na mga mata nito.
After she almost lost her life kamakailan, at matapos niyang makita ang pag-iyak ng mga anak at pag-aalala ng asawa, mas lalo na niya ngayon pinahalagahan ang buhay. Hindi siya puwedeng gumive up sa buhay, dahil maliliit pa ang mga anak niya, at hindi niya gustong masaktan ang asawa.
Nakaramdam nga siya ng pagka-guiilty dahil nang nalulunod siya ay mabilis siyang gumive up. Sa isip niya, habang nagdidilim ang paningin niya, nagtatanong na ang isip niya kung gaano kasarap at kapayapa ang pumunta sa heaven.
May naalala siya na animo'y pag-uusap nila ng yumaong ama. Alam naman niya na malabong mangyari yun dahil hindi pa nga siya naisisilang ng ina nang pumanaw ang kanyang ama na si Manoel Pontes.
Huni ng ibon.Ito ang unang narinig ni Shayla nang magkamalay siya. Na-realize niya na nasa may gazebo siya ng bahay na ito Ang gazebo ang pinaka-paborito niyang parte ng bahay nila ng di maalalang pangalan ng kabiyak. Ang gazebo kasi ang lugar kung saan niya muling nakilala ang kabiyak... ang kanayng pinakamamahal na si... Hindi niya matandaan yun' pangalan. Pero kilala niya ito. Pakiramdam nga niya, kilala na niya ito noong sinaunang panahon pa.
Naputol ang pag-iisip niya tungkol sa pinakamamahal dahil may nagsalita.
"Mabuti't gising ka na." sabi ng guwapong matandang lalaki na nakaputing polo shirt at pantalon.
Akala niya ang ama-amahan niyang si Papai Migoel ang kanyang kausap.
"Kayo po pala..." sagot niya at paupo na sana mula sa hinigaang upuan sa gazebo. Pero na-realize niya na hindi nga pala marunong mag-tagalog ang kanyang kausap na inakala niyang si Papai Migoel kaya nagtaka siya kung bakit ito nagtatagalog.
Saglit siyang napatigil sa pagbangon sa upuan at napatingin ulit sa kausap. "Marunong na po kayo magtagalog?" nagtataka niyang tanong at nilapitan ang kausap.
Tumawa ito. "Nagulat ka ba na marunong ako mag-tagalog, anak?" Inaya siya maupo sa tabi nito. "Halika nga rito sa tabi ko," anito na nakatawa pa rin.
Sumunod naman siya at bahagya itong humarap sa kanya.
"Ako ang iyong ama." Pakilala pa nito sa kanya.
Pakiramdam niya, parang nangyari na ito dati pero di lang niya maalala. Parang deja vu. Parang sabi rang ng kaibuturan ng kanyang puso na this is a rare moment at kailangan niyang i-grab ang oppportunity while it lasts. Kaya naman lubos ang tuwa niya sa sinabing iyon ng matandang lalaki at yumakap siya rito.
"Sinusundo mo na po ba'ko? Patay na po ba ako?"
"Hindi pa, anak, kaya lumaban ka..."
"Pero masarap na makapiling ko na Siya. Hindi ba't dun naman po patungo ang lahat? Patungko sa kanya?"
Napatawa ang kanyang ama at tumango tango. "Totoo. Tama ka. Duon naman talaga tayo lahat patungo kung tinatanggap natin siya bilang ating Diyos at humingi tayo ng tawad sa mga mali nating ginawa ng buong puso. Pero..."
"Pero ano po?" nalito niyang tanong.
"Maliit pa ang mga anak mo at kailangan ka ng iyong kabiyak. Mahal mo sila, diba?"
"Sina... " pinipilit niyang alalahanin ang pangalan ng kabiyak at mga anak.
"Oo, sila nga..." nakangiting sang-ayon ng ama. "Mahal mo sila diba?"
"Mahal?" nasambit niya at nag-isip. "Opo. Sobrang mahal... kaya hindi ko maintindihan bakit hindi ko maalala ang mga pangalan nila..."
"Kung mahal mo ang tinadhana Niya para sa'yo at ang mga anak na ipinagkatiwala Niya sa inyo, dapat lakasan mo ang loob mo at bumalik ka na sa kanila."
"S-sige po." Sagot niya.
Napansin niyang nanginig ang katawan niya. Para siyang nanlamig pero parang hindi ito napapansin ng ama.
"Come on, come on, honey," narinig niya ang pamilyar na boses na parang nag-aalala at napa-ikot siya ng tingin sa paligid habang akap niya ang sarili. Hindi siya nakapag-salita. Masyado na siyang nakatuon sa panginginig ng katawan niya. May naramdaman din siyang kakaiba na parang may pume-pressure sa kanyang dibdib. Napayuko siya habang akap ang sarili.
Hinawakan siya sa balikat ng ama. "Kailangan ko na umalis, anak."
"Ang bilis naman! Huwag ka na po muna umalis, pls?" Pakiusap niya at yumakap siya sa ama ng mahigpit na mahigpit.
"Hinihintay ka na ng iyong kabiyak. Nag-aalala na siya." Nakangiting sabi nito.
Unti-unti ay nawawala na ang kanyang ama sa nakakasilaw na ilaw, at narinig niya muli ang pamilyar na boses. Napalingon siya sa pinagmumulan nito at nakita niya ang mga mata nito na animo'y matagal na panahon na silang magkakilala. At matagal na din silang magkasama, sa libo libong taon, at iba't ibang pagkakataon.
Matagal siyang napatitig dito at nakaramdam siya ng kaligayahan at katahimikan sa kanyang kaibuturan. Pakiramdam niya ay tumibok muli ang kanyang puso. Napahawak siya sa puso niya at napatingin dito.
"Nanlalamig ako." Sinabi niya dito. Inakap siya nito and she found a deep sense of comfort.
"Don't let me go because I won't let you go." Parang alingawngaw na ang boses nito.
May narinig siyang nagkakagulo at nanlalamig siya. Pakiramdam niya ay gumagalaw ang paligid.
"Humawak ka lang sa'ken." Sabi nito na nakaapkap pa rin sa kanya. "Mahal na mahal kita." Narinig niyang sabi nito na parang alingawngaw.
Ilang segundo lang ay may naanig siyang nakakasilaw na ilaw. "Mahal na mahal din kita!" Sagot niya at parang maduduwal at napaubo.
Pag mulat niya ng kanyang mata, ay naroon muli ang pamilyar na mukha. Takot at nag-aalala ito.
"Honey?" nauubo niyang sambit at niyakap siya ni Gerard ng mahigpit.
Muli siyang napatingin sa mukha ng natutulog na asawa. Kinumutan niya ang hubad nitong katawan, saka siya tumayo upang hanapin ang kanyang damit. Sinuot niya ito at pumunta sa bathroom upang umihi at gumamit ng feminine wash bago nagsuot ng underwear.
Bumalik siya sa kama, at humilig kay Gerard para muling matulog. Awtomatiko namang yumakap sa kanya ang asawa. Hinimas nito ang likod niya at parang kinakapa ang suot niya.
"Ba't nagbihis ka na?"
"Malamig, honey..." sabi lang niya at hinila ni Gerard ang kumot para itakip sa katawan niya, saka siya dinantayan.
"Honey," mahina niyang sabi.
"Hmm?" malambing na tugon nito.
"Nung nalunod ako..."
"Ano yon?" mas alert na tanong ni Gerard.
"Para akong nanaginip..." sabi niya.
"Anong napaginipan mo?" tanong ni Gerard.
"Parang nakausap ko yung daddy ko..." sabi niya.
Mahigpit siyang niyakap ni Gerard. "Sabihin mo kay Daddy Manoel, hindi ka sasama sa kanya! Huwag kang sasama sa kanya, honey, i-promise mo yan sa'ken!" Mariin nitong sabi habang halos naso-suffocate na siya sa higpit ng yakap nito.
Hindi siya nakapagsalita dahil naramdaman na naman niya ang panginginig ng katawan ng asawa.
"I love you so much, honey." Sinabi ni Gerard habang mahigpit na naka-akap at nakadantay ang hita sa kanya.
"I love you so much, too, honey ko." Hinimas niya ang likod nito para pakalmahin. "Panaginip lang yun."
"Kahit na honey," sabi ni Gerard. "Basta ayoko. Hindi ako papayag."
"Sus! Ako din hindi din ako papayag..." sabi niya na hihiritan ang asawa upang ibahin ang usapan nila. Ayaw na niyaiton ng pag-alalahanin sa nakuwento niya. Naaawa siya dito, kaya kinulit na lang niya ito. "Hindi din ako papayag na maagaw ka sa'kin kaya huwag kang sasama sa ibang babae, ha?"
Napatawa si Gerard. "Teka, bakit dun napunta ang usapan?"
"Eh...." nag-isip siya ng idadahilan pero wala siyang masabi. "Basta!" Aniya sabay palo sa puwet ni Gerard. "Wag ka na mashadong maraming tanong."
"Ah ganun, a?" natatawang sabi ni Gerard at sinimulan siyang kilitiin. Napabalikwas tuloy siya at naitulak si Gerard.
Nahulog si Gerard sa kama, pero napasama siya dahil nakayakap ito sa kanya. Nahulog siya sa ibabaw ni Gerard at tinuloy nito ang panghaharot sa kanya. Muntik na siyang mapasigaw pero tinakpan ni Gerard ang bibig niya. Nang magkaroon siya ng pagkakataon ay siya naman ang nangiliti sa asawa at nagka-untugan pa silang dalawa na pareho nilang ikinatawa bago hinalikan ni Gerard ang noo niya na tumama sa baba ng asawa.
"Hala, nabawasan na yata ang intelligence ng misis kong goddess!" tukso ni Gerard habang panay ang halik sa mukha niya. "Di bale, si Rori naman ang magga-guide sa'yo pagpasok mo sa Pizzo Group of Companies..." ani Gerard.
Napatigil siya at bahagyang tinulak si Gerard para magkaharap sila. "Pizzo?" tanong niya. "Akala ko ba duon ako sa Ponce Group of Companies magta-trabaho?" taka niyang tanong.
Napakamot ng ulo si Gerard. "Naka-usap ko kasi si Pyke. Wala pang opening sa Ponce Gorup of Companies na officer level para sa'yo, kungdi sa New Business Development Department... under ni Angela." Paliwanag ni Gerard.
"Eh, hindi ko naman kailangan ng officer level. Kahit rank and file lang, ayos na sa'ken basta kasama kita, honey..." sagot niya, hoping na ma-convince si Gerard.
"Honey, pang newly grads lang yun. Saka kapag rank and file ka, uutusan ka doon, mag-aassist..." sinusubukan siyang i-discourage ni Gerard na pumayag maging rank and file employee.
"Okay lang yun sa'ken!" Muli niyang sagot. "Basta kasama kita..."
"Sa tingin mo ba honey, kapag rank and file ka, you will be able to perform well?" mahinahong tanong ni Gerard.
"Yes!" Confident pa niyang sagot.
"Okay." Sagot ni Gerard. "Pero sa tingin mo yung mga supervisors duon sa opisina mauutusan ka?"
"Eh... bakit naman hindi?"
"Kasi asawa ka lang naman ng COO at President ng Ponce Group of Companies..."
"Ganun ba?" malungkot at nanlulumo niyang nasambit na nahalata naman ng kanyang asawa.
"Huwag ka malungkot. Magkasama naman tayo sa isang building. Magka-iba nga lang tayo ng floor. Nasa may 5th floor ako at yung Pizzo Group of Companies naman ay nasa 18th floor."
"13 floors ang pagitan natin, hon?" malungkot niyang tanong.
"Oo, pero sabay naman tayong papasok, magla-lunch, at sabay din tayong uuwi."
"Eh, paano na yung dream project natin na day care in the office?"
"Merun pa rin naman nun. Project mo nga iyon diba, well, bukod sa magiging account executive ka sa Pizzo Non-Life Insurance Company."
"Sales? Kakayanin ko ba iyon?" Ninenerbyos niyang tanong.
"Well, may bagong Sales Head ang Pizzo Non-Life Insurance Company. "I haven't met her pero halos magkasabay lang kayong papasok at mago-orientation kaya huwag kang kabahan. At para ma-excite ka pa, bibili tayo ng wardrobe bukas. Bagong mga corporate clothes, shoes, make up, bag, extra bra and underwear..."
"Bra at underwear? Bakit? Kakabili ko lang naman..."
"Eh... inanticipate mo na baka masira yun kakamadali natin... pag nasa office tayo."
"Loko ka talaga! Kung anu-ano ang naiisip mo!"
"Aba, aba, honey, hindi porke't nagtatrabaho ka na, kakalimutan mo na yung project natin..."
"Project?" taka niyang tanong.
"Mrs. Ponce, let me demonstrate." Anito at binuhat siya pabalik ng kama, saka siya siniil ng halik.
Habang hinahalikan siya ng asawa sa leeg at pababa ng pababa ay hindi niya mapigilan itanong ang nasa isip niya.
"Hon...saan ang... office ni Angela?"
"Honey," umakyat muli si Gerard at kanyang leeg at masuyo siyang hinalikan. "Sa 8th floor." Anito.
"3 floors lang pagitan ninyo?" tanong niya. "Hindi ba puwedeng sa'yo na lang ako mag-office."
Hindi na nakasagot si Gerard. Muli itong bumaba sa kanyang love button and kissed her there that sent shivers to her body. She gasped at the feeling he was giving her at napapikit. Alam niyang nanadya ang asawa na gawin ito sa kanya para i-dismiss niya ang tanong. Pero pinilit pa rin niya kahit napapaungol na siya.
"Honey... hindi ba puwede sa office mo na lang ako mag-stay?"
"Don't worry," marahan nitong sagot, at pumuwesto na sa gitna to enter her.
"Sa tingin ko naman, parati kang mags-stay dun kasi parati tayong may meeting dalawa." Pilyong kindat ni Gerard sa kanya before he held on to his shaft and he slid it inside her.
Alam niyang nagbibiro lang ang asawa niya dahil workaholic ito at madalas ay nasa meeting. Imposible para kaya Gerard na araw arawin silang mag-make love. Pero sinagot na rin niya ang asawa.
"Hon," pabulong niyang nasabi. "Kahit araw araw, minu-minuto pa, hindi na ako magrereklamo, pramis, basta papatawag mo ako parati ha?" Pangungulit niya.
"Sinabi mo yan ha, hon?" sagot naman nito na parang bahagya niyang ikina-kaba. Para kasing seryoso si Gerard na aaraw arawin siya nito.
Napakagat labi siya at namula, na ikinatawa naman ng asawa.
"Honey kong goddess talaga!" Napailing si Gerard.
Matapos silang magtalik ay nagpahinga sila saka siya kinausap ng asawa.
"Hon, dapat kapag may gagawin ka, magfo-focus ka." Marahang umpisa ni Gerard.
"Bakit? Di ba ako nagfo-focus?" defensive niyang tanong.
"Nagfo-focus naman, pero ayokong magugulo ang isip mo sa mga bagay na wala ka naman dapat ikabahala." Masuyo nitong paliwanag. "Una, I don't like Angela. After what she did to you in the swimming pool, I'm sort of inis sa kanya. Kasi napaka-competitive talaga niya, na wala siyang pakialam kung masaktan ka, basta manalo lang siya. Ayoko ng ganun, honey. Pangalawa, parati naman tayong magkakasama dahil ilang floors ang pagitan nating dalawa. Pangatlo, most of the time, nasa meeting naman ako kaya you don't have anything to worry about." Pag-assure ni Gerard sa kanya. "At isa pa, don't you trust me, honey? After 5 years, hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?"
"Pinagkakatiwalaan. Yung mga babae ang hindi ko pinagkakatiwalaan..." pag-amin niya.
"Then, trust me. Your husband is God-fearing, and faithful. Of course I am only human, pero hindi ko magagawang tumingin sa iba kasi busy ako..."
"Sus! Ang yabang mo talaga..." irap niya.
"Totoo naman eh! Busy ako. Busy ako sa work, at busy ako sa paghahanap ng mga paraan to love my one and only wife."
"Ayi! Kinikilig naman ako..." napapangiting sabi niya. "Binobola mo siguro ako ha honey kong pacute!" Sabi pa niya at bahagyang nasampal ang asawa.
"Aray! Ayan ka naman, a? After 5 years, hindi mo pa rin mapigilang bugbugin ako."
"Ganun talaga. At mabubogbog ka lalo kapag may nahuli talaga ako." Sagot niya. "Pero sa ngayon, bubugbugin pa rin kita... bubugbugin kita ng halik kasi ang sweet sweet mo!" Aniya at pinupog ng halik ang asawa.
"Whoa! Rape! Rape!" Mahinang sigaw ni Gerard na nakikipagkulitan sa kanya habang iniiwas ang mukha sa mga halik niya.