"Kayang kaya mo yan ha!" Sabi ni Rainbow habang papalabas siya ng outdoor bathroom ng track field, at nagpalit ng t-shirt at running shorts. Habang naglalakad sila papunta sa race track ay panay ang sabi nito na kaya niya ang relay competition para palakasin ang loob niya. Kanina pa kasi siya ninenerbyos sa loob ng bathroom. Hindi siya sure kung gusto pa nga ba niya ituloy ang pagsali sa Filipino Family Fun day, pero nakita niya ang mga anak na nakapila sa 'di kalayuan at excited na naghihintay.
Ang relay ang unang games sa Family Fun day sa school ng mga bata. Kahit nakapag-ensayo na sila ng ilang araw ng mga anak ay ninenerbyos pa rin siya. Ayaw niya kasi ng mga kompetisyon. Natatakot kasi siyang madapa at ayaw din niyang mapahiya ang mga anak. Higist sa lahat, ayaw niyang matalo kay Angela.
Pinanood niya ang kanyang mga anak na hindi man lang ninenerbyos. Kinawayan pa nga siya ng mga ito at nag-thumbs up sign na para bang kino-comfort siya, at sinasabing kayang kaya nila ito.
Napaisip siya at napakagat labi. Ako pa talaga ang kino-comfort, samantalang ako ang matanda—at ako din ang Mommy?
Lalo tuloy siyang ninerbyos, at ang una niyang naiisip hingan ng saklolo, at comfort sa ganitong mga pagkakataon ay si Gerard. For almost 5 years of her life, she has gotten used to leaning on to Gerard for anything, and everything, dahil ito ang gusto ng asawa, at dahil ito na rin ang nakasanayan niya.
Kung tutuusin, ayaw niya noon ng umaasa sa iba, dahil ma-pride siya. Pero nang makaranas siya ng pakiramdam ng may inaasahan, pinagkakatiwalaan, at masasabing pader na masasandalan, nawili na rin siya, at naging kampante to the point na nakuntento na lang siya sa pagiging asawa at ina ng kanilang mga anak, at mag-stay lamang sa confines ng kanilang mansion sa Tagaytay. Lahat ng gagawin niya at lahat ng magiging desisyon niya ay kinukunsulta niya kay Gerard.
Pero sa mga ganitong sitwasyon na hinihingi ng pagkakataon na muli siyang maging independent from Gerard, ay natatakot siya. Ninenerbyos siya, at unsure of what to do. Alam niyang hindi siya puwedeng lalampa lampa. Ayaw niyang mag-fail para sa mga anak niya na confident na confident sa mga sarili nila. Palibhasa nakuha ng mga ito ang pagiging maliksi katulad ng tatay ng mga ito na si Gerard.
Si Gerard... Kung kakampi nga lang sana nila ang asawa, at kasama nilang lumahok sa paligsahan ay hindi siya nenerbyosin ng ganito. Si Gerard kasi ang sumasalo sa kanya dahil aminado nga siyang lampa siya. Kung hindi nga lamang ibinoluntaryo ni Daddy Gerry si Gerard na maging judge sa event ay kasama nila ngayon ang asawa.
Dinecline kasi ni Pres. Gerry Ponce ang imbitasyon ng school para maging judge siya ng Family Fun day sa school dahil maraming itong ginagawa sa opisina.
Kasi naman itong school nina Gwen at Bree ay nag-request pang maging judge si Daddy Gerry eh alam naman ng mga ito na busy nga si Dad mag-manage ng buong Pilipinas! Huhu! Naisip niya, habang lumilinga linga sa paligid para hanapin ang asawa.
"Nasaan na ba yun?" Kumamot siya sa ulo habang hinahanap si Gerard. Sabi kasi nito ay iikot lamang ito sa buong lugar para bumati sa ibang mga magulang na sumali sa Family Fun day, pero nangako ito na babalikan siya nito.
Natigil siya sa paghahanap nang lumapit ang bunso niyang mga anak kasama ang mga yaya ng mga ito.
"Good luck, Mommy!" Excited na akap nina Drew at Milly sa kanyang mga hita.
"Thank you mga anak!" Natuwa niyang sabi bago hinalikan sa pisngi ang dalawang bata. "Have you seen your Dad?" tanong siya sa mga ito dahil sabi ni Gerard ay isasama niya ang mga ito habang nag-iikot sa buong track and field.
"Yeah," sagot ni Milly squinting her eyes from the sun ray as she looked up at Shayla. "Tita Angela is talking to him." Sabi ni Milly bago itinuro ang direksyon kung saan naroon ang kanyang asawa at ang kanyang nemesis na parang naka-sports bra na may maluwang na sando at short shorts na halos kita na ang singit nito.
Sundo niyang tiningnan ang asawa na nakahalukipkip ang kamay ay nakangiting tumatango-tango sa sinasabi ni Angela na panay ang hawak sa braso ni Gerard habang nakakandirit sa pag-iistretch ng isang paa pamula sa likod.
Kahit hindi niya nakikita ang sarili, alam niyang nanlaki ang butas ng kanyang ilong sa inis. Kitang kita kasi niya kung paanong nagsu-sway sway pa si Angela sa harap ni Gerard na alam na alam naman niyang nagpapa-kyut sa asawa.
Pupuntahan na niya dapat ang direksyon ni Gerard, pero nagsalita na sa microphone ang Principal ng school.
"As we all know, the family plays a key role in both reinforcing the education given to our children; and ensuring its continuity through initiatives such as this Family Fun day. We hope that the games and activities that we designed for the family will build camaraderie amongst the parents, students, and teachers, as we hope to become united in making sure that our kids will reach our common goal which is to raise happy and successful children! And this can only be achieved through the family's support, involvement, and cooperation. I would like to thank all the parents of the nursery students from Section Blue, Pink, and White in advance for your support and participation. We would also like to acknowledge the presence of Mr. Gerard Ponce, the son of President Gerardo Ponce, for gracing our event, and for being our guest judge, despite the short notice. Thank you Mr. Ponce!" Sabi ng principal. Nagpalakpakan naman ang lahat habang si Gerard naman ay bahagyang kumaway sa lahat, samantalang si Angela ay nasa tabi pa rin ni Gerard na pumapalakpak at bumeso pa dito.
"Anung trip ng babaeng yan?" nakahalukipkip at pabulong na tanong ni Rainbow habang nakatingin kay Shayla.
Hindi sumagot si Shayla. Nakatingin rin lang siya sa asawa at kay Angela. Galit na galit siya. Punong puno siya ng selos at gusto na niyang magmartsa papunta kay Angela at hilahin ito sa buhok papalayo sa kanyang asawa.
"Easy, Shayla!" Bulong ni Rainbow. Napansin na pala nito ang masama niyang titig kay Angela.
Nakita niyang inilagay ni Gerard ang mga kamay sa bulsa ng pantalon nito, nang kukunin sana ni Angela ang kamay nito para i-lead ito patungo sa isang grupo ng mga nagkukumpulang mga magulang na nagse-selfie.
Nakita niyang tumanggi si Gerard at parang nagpapaalam na ito na may pupuntahan pa ito. Tumango tango na lang si Angela at tumingin sa direksyon niya.
Alam niyang nakita ni Angela ang matalim niyang tingin dito. Ngumiti pa si Angela na tili nang-iinis at kumaway sa kanya bago umismid at tumalikod. Hindi iyon nakita ni Gerard dahil patungo na ito sa kanya.
Pagkalapit nito ay agad nitong kinuha ang isang kamay niya na tila makikipag-holding hands. Pero iniwas niya ang kamay niya at hinarap ang asawa na parang clueless sa namumuong galit niya.
Pati kay Gerard ay hindi niya maiwasang hindi magalit. Palagay niya kasi ay dapat lumayo na lang si Gerard sa umpisa pa lang na lumapit si Angela dito. Sa isip niya, kung bakit pa kasi kailangan umikot pa nito at makisalamuha sa ibang mga magulang?
Hayan tuloy! Hindi siya nakaiwas kay Angela!Asar niyang naisip. Unintentionally, she crossed her arms, as if it would hide her true feelings. She gave him a straight face.
"Uhm... excuse me lang, guys ha?" si Rainbow yon na humarang sa kanilang dalawa. "This is not a good time to talk about it ha? Masisira ang concentration ni Shayla." Sabi nito. Pero nakahalata ito sa matalim na titig niya sa asawa, at si Gerard naman ay tinapatan ng mapang-asar at pilyong tingin si Shayla. "Hay naku! Bahala nga kayo! Pupunta na ako dun sa dalawang bunso." Anito na ang tinutukoy ay sina Milly at Drew na nasa may bench na ngayon.
"Honey kong goddess," umpisa ni Gerard na alam niyang binabasa ang mukha niya. He gave her a wry smile. Alam niyang nahuhulaan na nito ang nararamdaman niya.
"Ano na naman? Hindi mo na naman kasalanan? Kusa lang siyang lumapit sa'yo? Ganon?" pabulong ngunit mariin niyang sabi sa asawa.
Napakamot ng ulo si Gerard. "It would be ungentlemanly naman kasi kung aalis ako habang nakahawak siya sa braso ko, at nagi- stretching, diba? Eh di napadapa yuon kung bigla akong umalis, hon." Sinubukan nitong magpaliwanag.
"Sana nga ginawa mo na lang yon!" Irap niya kay Gerard at nagsimula na mag-stretching. "Bakit ako? Kailangan ko bang humawak sa braso mo para mag-stretching lang? Ha?" galit niyang tanong habang nakakandirit ang isang paa sa pagi-stretching, nang bigla siyang na-out of balance at pasubsob na. Mabuti na nga lamang ay nasalo siya ni Gerard paharap dito.
"Bakit ka ba nagseselos, hon? Humawak lang naman sa'ken saglit si Angela." Nakangiti nitong tanong habang nakayakap sa kanya, at sumimple ng daplis ng kamay sa behind niya.
"Simpleng manyak ka rin eh no?" Naningkit ang mata niya sa asawa na sa palagay niya ay hindi sineseryoso ang galit niya.
"Sa asawa ko, seryoso ako!" Sagot ni Gerard at lumuhod sa harap niya para hawakan ang hita niya. "Ba't ang ikli nga pala ng shorts mo?" sita nito sa suot niyang running shorts. Alam niyang dinidistract siya ng asawa.
Hindi na siya nakapag-retort pa dahil narinig na nila ang announcement sa loud phone. Pinaghahanda na sila para sa relay.
Si Gerard naman ay hindi pa rin umaalis sa puwesto nito.
"Tumabi ka nga!" Asar niyang sabi kay Gerard na hinihila ang shorts niya pababa. "Wala ng ihahaba yan!" Galit niyang hawak sa garter ng kanyang running shorts bago pa siya mahubuan.
"Nagseselos din ako dahil maraming nakakakita ng legs mo!" Poker face na sabi ni Gerard nang tumayo ito sa harap niya.
"Legs lang yan! Titingnan lang yan! Eh ikaw? Nagpapahawak ka pa sa braso!" Sagot niya na nakapameywang sa harap ng asawa.
"Ilang segundo lang yon, hon." Mahinahong sagot naman ni Gerard.
"Alam mo, yang legs ko, hindi mahahawakan yan, kaya ok lang yon! Hindi mo kailangan mag-reak. Pero kanina, nung hinawakan ka ni Angela, pakiramdam ko, sa ilang segundong yon, parang buong mundo ko ang inaangkin niya, ok? Gets mo ba?"
Napatitig lang si Gerard sa kanya at napangiti na parang kinikilig. Napatingin siya sa asawa at nakangiti pa rin ito.
"Paran kang ewan!" Pinipigilan niyang mapangiti sa hitsura ng asawa.
"Ikaw naman parang baliw. Baliw na baliw sa'ken." Biro ni Gerard.
Inirapan niya si Gerard at naghanda na sa pagtakbo. "Umalis ka na nga diyan! Madapa pa ako sa pagharang mo eh!" Mahina niyang sabi habang naiinis sa makulit na asawa. Pumuwesto na siya para maghanda sa pagtakbo habang nasa gilid pa rin niya si Gerard. "Umalis ka na diyan pls?"
"Ayoko! Tatakpan ko yang legs mo," sagot ni Gerard.
"Ano ba?" Pasimpleng hinarap ni Shayla ang makulit na asawa pero pinanlakihan niya ito ng mata.
Hindi natinag si Gerard. Bagkus ay ngumiti pa ito ng pa-cute na ngiti. Yung labas dimples na naman! Sa isip niya.
"Honey, I get jealous too. Very jealous. Guess why?" sabi ni Gerard habang bahagya na siyang naka-squat sa pagkarinig sa sinabi sa speakfon na 'ready... set'
Pinagbigyan na niya ang asawa at nagtanong. "Why?" sabi niya pero narinig niyang sumigaw na ng 'go' sa loud speaker kaya nagsimula na siyang tumakbo.
"Because you're my one and only!" He proudly shouted, and cheered for her. "Go, go ,go honey!"
Hindi kaagad nag-sink in ang sinabi ni Gerard, pero habang tumatakbo siya at unit unti niyang naintindihan ang isinigaw ng ng asawa kaya naman napangiti siya at lalong bumilis ang pagtakbo papunta kay Gwen. Ibinigay niya ang flag kay Gwen at mabilis itong tumakbo sa kakambal. Si Bree naman ay mabilis ding tumakbo papunta sa finish line. Nauna si Bree sa lahat. Natalo nila sina Angela sa unang palaro. Mabilis na tumakbo si Gerard sa kanya at hinawakan ang kamay niya at sabay silang tumakbo papunta sa dalawang bata at inakap ang mga ito.
"Good job!" He proudly embraced Bree and Gwen at humalik sa mga ito. Tapos humalik din sa kanya. Mabilis lang ang halik na iyon. Wala pa ngang split second, pero ramdam na ramdam niya iyon dahil mariin ang paghalik ng asawa.
"So proud of my girls!" Masaya nitong sabi.