KINAKABAHAN SIYANG SUMUNOD KAY RAFA HABANG PAPUNTA SILA SA PINAKAMATAAS NA FLOOR NG USC Building. Pagbungad pa nga lang nila sa lobby ng 40th floor ay nakasulat na ang pangalan ng kompanya. UTT SANDERS COMPANY (USC), pagbasa pa niya dito. Lalo siyang kinabahan. Parang kailan lang noong si Utt Sanders ay isang istudyante lamang at kaibigan ni Percival sa Harvard. Naglolong distance call ito sa kanya noon, at nagpapadala ng flowers, chocolate, at pabango, pero hindi niya ito mashadong iniintindi noon dahil nga may trauma siya sa mga lalaki noon. Pero wala siyang masasabing masama kay Utt. Napakatiyaga nito noon manligaw kahit pa long distance ang sitwasyon nila. Noon naman ay mabait na sa kanya si Utt, at pinagtitiyagaan siya sa pagtawag nito sa kanya kahit na yes or no lang ang sinasagot

