New Role Muli niyang iginawa ng egg sanwiches ang mga anak. Nang magising na ang mga yaya ng saktong 5:30 am ay agaran naman ang mga ito na tumulong sa kanya na ihanda ang mga baunan ng mga bata. Siya naman ay umakyat na sa mga kanilang kuwarto at nakitang tulog na ulit ang asawa. She tiptoed going to him and kneeled down. She touched a strand of his hair, and spoke almost in a whisper, "sorry kagabi honey... I promise hindi na ako makikigulo pa sa political life mo. Tutulungan na lang kita sa office, para mamanage mo yung schedule mo bilang President ng PGC, saka dito sa bahay. Siguro naman kaya ko 'yon. Scratch that... kakayanin ko yon kasi gusto ko talagang makatulong sa'yo... Ayoko ng feeling na may iba pang babaeng nakakatulong sa'yo. Ewan ko ba, dun naman sa EA mo sa office, hindi

