Hello, Ex-- Ilang linggo ng umuuwi ang pamilya ni Shayla sa dalawang hospital suite na kinuha ni Gerard para sa kanila. Dito umuuwi si Gerard mula sa kampanya, pati ang mga bata galing sa iskwela. Ang isang suite ay para sa kanila ni Gerard, samantalang ang mga bata naman ay may sariling suite. Gabi-gabi, bago sila matulog ng asawa ay dinadala siya ni Gerard sa pamamagitan ng wheel chair, papunta sa mga anak at pinapatulog nila ito. They would read bed time stories, and pray together as a family, especially for Gabriel. Salitan naman sa pag-uwi ang mga body guards ng pamilya upang masigurado ang kaligtasan nila, lalo pa ngayon. Nahihiya man siya sa abalang dinudulot ng arrangement na ito para sa asawa't mga anak, pinagbigyan siya ni Gerard dahil nagkakaraoon siya ng separation anxiety.

