THE BODY GUARDS SUCCESFULLY DISPERSED THE NEWS REPORTERS. Napalabas ang mga ito sa ward ng mga naaksidente ang mga usiserong news reporters na nagiintay ng juicy na eksena para sa kanilang latest na balita. Siya naman ay parang wala ng nakikita kungdi si Alfred Diokno na gustong gusto na niyang paduguin ang mukha ngayon dahil sa pag-akbay nito sa kanyang asawa. "Get your hands off my wife, or---" mahina pero mariin niyang banta nang sumabat si Alfred Diokno. "Or what? Are you threatening me Gerard? Bagito ka pa lang sa politika kaya ingatan mo ang lahat ng sasabihin mo dahil puwedeng puwedeng kong gamitin ito laban sa iyo." Mayabang na sagot ni Alfred Diokno. "Hon," naramdaman niyang humawak si Shayla sa kanyang braso, pero kahit pa hinawakan siya ng asawa ay hindi na siya nakapagpigil

