"...can I meet you after and have some coffee?"
He asked me to go out with him. Wala naman ako naisip na masama sa pagsamasa kanya kaya pumayag na rin ako. I suggested that we meet at 'Cup O' joe', the coffee shop that is near my place.
Nandoon kaya siya? Makikita ko kaya siya ulit? Hindi ko man lang alam ang pangalan niya.
Lagi nalang siya sumasagi sa aking isipan tuwing makakakita ako ng kape o mapapadaan sa coffee shop na iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ako kaapektado para alalahanin siya ni hindi ko nga alam kung naiisip niya ba ako.
Nakaupo ako sa high stool na may island bar. Napaaga ako ng punta dahil naiinip na ako sa condo at wala naman akong ibang gawain.
Or umaasa ka lang na may makikita ka kaya maaga ka. Bulong ng isipan ko.
I shake that thought away.
I changed my work outfit into a more casual dress. Simpleng white V-neck short-sleeved dress na hanggang ibaba ng tuhod lang ang aking suot and I let my long light brown hair down.
Hindi naman nagtagal at dumating din si James. Nakasabit sa kanyang braso ang kanyang suit jacket.
"I'm sorry I'm late. Medyo na-traffic lang. Kanina ka pa ba?" mapag-alala niyang tanong.
"Ah hindi naman. Let's order?" tumayo ako para magpunta sa cashier at sumunod naman siya.
"Good evening Ma'am, Sir." Masayang bati ng cashier.
"Good evening." I smiled back at her. "One Green tea latte on ice and...." I turned my head to look at James na nakatingin din sa akin.
"Caramel Macchiato, Hot." He said to the cashier giving her a brief glance. "Snacks?" ngumuso siya sa harapan kung saan nakalagay ang mga cakes, and other pastries.
Napatingin ako doon at ngumuso. Nag-iisp kung kukuha ba ako ng cake or that pie na mukhang masarap.
Tinignan ko siya at umiling. Hindi naman ako nagugutom at hindi nakasumpong ang cravings ko.
Tumango siya at nagbayad ng bill. Ayaw naman niyang tanggapin ang bayad ko kahit na anong pilit ko kaya hinayaan ko na siya at sinabing next time ako naman akong magbabayad.
"So, there's a next time?" Taas kilay niyang tanong.
Nakaupo kami sa isang gilid at magkaharapan ang upuan.
"Pwede rin na wala na." I sip on my tea while looking at him.
Tumawa siya pero bigla rin nagseryoso nang napansing nakatitig ako sakanya.
Nakakabingi ang katamikan sa tagal ng pagkakatitigan namin.
Should I feel something? Anything? I should feel something, right? Pero bakit parang blanko?
James is handsome at maganda naman ang katawan. Matangkad pa at mayaman. I also enjoy his company. Hindi siya mahirap kausap. He's fun to be with. Hindi mahirap ang magkagusto sa isang tulad niya.
"Do you have a girlfriend?" Straightforward kong tanong.
Muntik niyang maibuga ang mainit na kape na kanyang iniinom. Iniabot ko ang tissue sa kanya.
"Straight to the point are we?" He wiped his mouth kahit wala naming dumi. Muntik lang talaga niyang maibuga. Kung nagkataon naligo ang mukha ko ng Caramel Macchiato.
"Sorry. I'm just curious. Baka bigla nalang may sumugod dito at sabunutan ako." Hindi malayong may girlfriend na siya. Sa tingin ko pa nga marami siyang girlfriend hindi lang siya informed.
"Don't worry, you're safe with me." Kindat niya.
I rolled my eyes. Loko-loko din.
Inihatid ako ni James pabalik ng condo. Hindi na kami nagtagal dahil oras na rin. Kahit malapit lang ang lalakarin nagpumilit pa rin siya na gamitin ang kotse niya at ibaba ako sa harap ng building ng condo.
"Thank you for tonight." Sabi ni James habang tinatanggal ko ang seatbelt ko.
"Ano ka ba, ako nga dapat mag-thank you kasi nilibre mo ako tapos inihatid mo pa ako." Binuksan ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan at lumabas. "Thank you James, ingat ka pauwi. Good night." Isasara ko na sana ang pinto pero narinig ko ang tawag niya sa pangalan ko.
"Hope...."
"hmm?" Napalingo ako sa likuran nang may narinig na busina.
"Next time? Libre mo ah." He said grinning.
"Asa! Go away." Isinara ko ang pintuan agad agad. Narinig ko pa siyang tumawa.
Tuloy-tuloy lang ang lakad ko papasok sa building. Kahit hindi na ako lumingon alam kong umalis na siya dahil narinig ko ang haharurot ng kanyang sasakyan.
I did not leave my condo that weekend. Walang gana lumabas, wala naman akong pupuntahan at wala rin akong kasama. I just called and talked to Lolo Joaquin, kinamusta at nag-kuwento lang ako sakanya tungkol sa trabaho. I spared the details regarding James and the guy that sat with me at the coffee shop dahil panigurado na uulanin niya lang ako ng tanong.
Work got busy the following weeks, hindi na rin nasundan ang labas namin ni James dahil sa parehong busy sa trabaho. Hindi ko rin alam ang numero niya. Nakikita ko siya paminsan sa lobby pero laging nagmamadali kaya hindi ko na inistorbo.
Busy ang mga tao sa ad department dahil sa susunod na araw na ang opening ng 'The Soft'. Time flies really fast.
"Guys relax. The plan is perfect. We reached our target audience and what's more, we did not exceed our target budget which is great." I appease my team.
"Ma'am hindi ba may invitation tayo sa opening?" tanong ni Carlos, ang kasama sa designing team for the said campaign.
"Yes, the team heads will come with me sa opening ng 'The Soft."
Nakita kong nalungkot ang mga iilan. Hindi naman kasi namin puwedeng i-invade ang lugar na 'yun. It is a high-end bar lounge that is situated at the 5-star hotel kaya siguradong hindi kung sinu-sno lang mga pupunta. We were just given 3 passes. Plus invitations are handed out personally and is reserved for local press, other business moguls, and other famous people.
I bet Serene knows about this. Pero hindi naman niya nabanggit kung pupunta siya, isa pa, kung nandito siya sa Manila ay sigurado ako na sa condo ko siya mag-stay.
"Don't worry guys, I am positive that this event will be a success kaya we will all celebrate once it's done." May excitement na pagkakasabi ko to lift their moods.
I know the event will be great. Pinag-hirapan namin ang pag-campaign at hindi 'yun biro.
"'Yun oh! Set mo na Joey." Excited na sabi ng isang miyembro ng team.
"Oo, sa The Grid maganda. Hindi magulo tsaka maganda yung bar." Sagot naman ng isa.
"Basta ba kasama si ma'am kahit saan sasama ako." Singit ni Kyle na nahihiya pang tumingin sa akin.
Nag-hiyawan naman ang mga empleyado at nakuha pang mang-asar.
"Para-paraan mo Kyle, luma na yan. Ibahin mo style mong bulok. Hihirit ka na rin lang ibagay mo na sa ganda ni ma'am hindi 'yung ganyan. 'di ka niya deserve." Kantyaw ni Joey.
Lalo lang lumakas ang halakhakan ng mga empleyado dahilan ng pag-katawa ko kasabay nila. Nakita ko na namula ang buong mukha ni Kyle sa pang-aasar sakanya at napailing nalang ako. Binato bato pa siya ng mga crumpled papers ng kanyang mga kasamahan.
Ang gulo pero ang saya. Ganito lagi ang eksena sa opisina. Natutuwa ako na nakasundo ko ang mga empleyado.
"George, Jane." Tawag ko sa dalawang head na isasama ko sa event.
George deserves to be there dahil siya na ang halos tumapos ng trabaho at itinuloy ko na lamang, while Jane is the head of my designing team.
"I want you two with me sa opening." Binigyan ko sila ng tig-isang pass.
"Sure ma'am, we'll see you there." Nakangiting sagot ni Jane at nag-salute naman si George.
The afternoon went by fast at nagpaalam na ako umalis sa mga empleyado. Pagod akong naghihintay sa elevator lift going down.
The lift opened and there was James standing with his head down looking at his phone. May dalawa ring empleyado na nakasakay. Tahimik akong pumasok sa loob at tumabi sa gilid ni James.
"Good evening Mr. De Veyra."
Mabilis niyang iniangat ang kanyang ulo. "God! You just keep popping up randomly."
Natawa ako sa sinabi niya. Popping randomly? Really?
"This place is not random Mr. De Veyra. And, you know I work in your company. I'm just a few floors away from you. Pop ka diyan."
"I don't want to give your employees heart attack Ms. Lopèz. Magugulat sila kapag napadpad ako sa 8th floor. Hindi ako nagagawi doon." He said as a matter-of-fact tone of his. "Unless you want me too." Mahinang pagkakasabi niya na halos hindi ko na narinig.
I suddenly jerk my head up to look at him. What is he implying? I don't want to give any malicious meaning on what I heard pero parang may iba siyang ibig sabihin.
Tumikhim siya at nagsalita. "Cup O' Joe?" He asks as he guide me out of the elevator.
"Sorry, I can't James. May event ako tomorrow night and I need to prepare." I said pouting and tuck my hair behind my ear.
"Oh. Next time then." He opened the door of my car for me. "Ingat sa pag-drive. Sayang Audi."
Itinulak ko siya palayo. Audi ko talaga?
"Good night Mr. De Veyra. Goodbye." Inirapan ko siya at tinaboy paalis.
Tawang-tawa siya umalis papunta sa kanyang sasakyan. His shoulder is still shaking, hindi pa tumitigil sa kakatawa.
"Asar." Bulong ko sabay pinaandar ang aking kotse paalis.