Third Person's POV: ** Bang ** ** Bang ** ** Bang ** Nagising ang mga bisita ni Allison dahil sa sunod-sunod na naririnig nilang putok ng baril. Napabalikwas din ng bangon si Blake dahil sa narinig nya. Nataranta syang bumangon nang makita na wala na sa tabi nya ang asawa. Sabay-sabay sila lumabas ng mga kwarto at nagkita-kita sa pathway ng ikalawang palapag ng mansion. ** Bang ** ** Bang ** " Ano 'yon? Nilolosob na ba tayo? " Natataranta nilang tanong. Natatakot na ang mga babae dahil sa sunod-sunod na putok ng baril na naririnig nila. Natatakot na din si Blake para sa asawa nya dahil paggising nya ay wala na ito sa tabi nya. " Sandali. " Pinatahimik nya ang mga kasama nya at pinakinggan ang putok ng baril. " Mukhang galing sa labas ng mansion. " Sabi ni Seb. Sabay-sabay si

