Blake's POV: Napasandal ako sa swivel chair ko at napahilot sa sintido ko. Ang sakit na ng ulo ko. Napatingin nalang ako sa wall clock na nasa loob ng opisina ko. Malapit na palang mag-aalas otso ng gabi. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa dami ng ginagawa ko. Kinuha ko naman ang picture frame na nasa office table ko at napangiti. Ang ganda talaga ng asawa ko. Kuha namin ito nong nag-propose ako sa kanya sa resto. Hindi ko naman sya mai-text dahil busy din sya. The last time that I called, sinabi nya na marami syang inaasikaso. Nagtatampo man ay naiintindihan ko naman. Hindi lang naman kasi ako ang may trabaho sa amin. And besides, mas malaki ang kompanya nila kaysa sa hinahawakan ko. Idagdag mo pa ang trabaho niya bilang mafia boss. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwa

