THUNDER ILANG minuto pa ang lumipas nang tuluyang tumila ang ulan. Mas lalong dumilim ang paligid. "Makakabalik na tayo sa rancho," aniya ko kay Gail. "Oo nga. Baka kailangan na natin magmadali dahil baka maabutan tayo ulit," sambit nito sa akin. Tama nga naman si Gail—kailangan na nga namin kumilos ng mabilis para makaalis agad sa lugar na 'yon. Walang makakapagsabi kung muling sasama ang panahon. Mabuti na 'yong maagapan namin ni Gail at makapag-ayos na rin siya ng sarili niya at hindi tuluyang sumama ang pakiramdam. Naramdaman ko ang pagtayo ni Gail sa harap ko. Mabuti na lang at tuluyang lumabas na rin ang kalahating buwan sa kalangitan na magsisilbing ilaw naming dal'awa ni Gail sa daan. Hindi ito ganoon kaliwanag pero sapat na para mabigyan kami ng gabay sa direksyon na dadaa

