Don Ignacio's Birthday

1285 Words
Si Thunder Paraiso ang pangalawa sa limang magkakapatid. Nakaatang sa balikat niya ang malaking responsibilidad bilang panganay at isang tagapagmana ng "Villa Paradise" ang isa sa pinakamasikat na isla sa Cebu. Thunder, live of his own rule. Walang sino man ang kumalaban sa kanya maliban kay Don Ignacio Paraiso ang kanilang lolo. Thunder, became respective doctor sa siyudad ng Cebu. Tiningala at patuloy na tinatangala normal man o ang mga taong kabilang sa alta-sociedad sa bayan nila. Until he meet Gail Santivez ang babaeng nagpakilala ng ibang mundo. Ang babaeng handa niya ibigay lahat mula sa pangalan hanggang sa karangalan. Ang babaeng nagturo sa kaniya paano magmahal at nagparamdam kong paano mahalin. Ang babaeng may ibang plano sa pamilya niya. Ang babaeng kailanman hindi niya mapapatawad. DON IGNACIO's birthday ABIGAIL POV "Wala kang utang na loob!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko mula kay Lolo Matencio. Halos mauga ang utak ko sa lakas ng impact nito. Hindi ko inaasahan 'yon, alam kong galit siya sa akin at tanggap ko 'yon, pero ang saktan ako ng pisikal ng lolo ko ay hindi ko napaghandaan mula rito. Hindi ako nakaimik, nanatili lamang akong natahimik na nakaupo sa harapan niya. Naiintindihan ko ang galit ni lolo. "Mas lalo mong pinatunayan sa'kin na wala kang pinagkaiba sa mama mo!" muli pang untag ni Lolo. Basang-basa na ang pisngi ko ng luha, dala ng sakit sa mga sinabi ng abwelo ko. Lalo pa't dinamay nito ang mama ko sa kung ano mang kasalanan kong nagawa sa kaniya. "L-lolo, I'm s-sorry!" tanging katagang lumabas sa bibig ko kasabay ang impit na pag-iyak ko. Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko. Afterall, karapat-dapat lang din naman sa aking ang lahat ng 'to. Masyado akong nag-rebelde sa kanila. Iniwan ko sila ng wala man lang paalam, dahil sa isang lalaking hindi rin naman ako kayang panindigan. "Umalis ka sa harapan ko dahil baka makalimutan kong anak ka ng anak ko!" Nanginginig ang kalamnang sigaw nito sa akin. Naalala ko si papa kay lolo, magkaibang-magkaiba ang dalawa kapag nagagalit. "L-lolo, I'm sorry!" tangka kong muling paghingi ng pasensiya kay Lolo. Pinipilit kong abutin ang kamay nito para na rin maibsan ang galit na nararamdaman nito sa akin, nanatili akong nakaupong paluhod sa harap niya. "Wala na akong tiwala sa'yo!" muling untag nito sa harap ko—ang mga salita ni lolo ay tila punyal na dumudurog sa buo kong pagkatao, masakit para sa akin ang lahat ng 'to. "Lolo, Please! Nagmamakaawa ako sa'yo, Lolo! Gagawin ko lahat maibalik lang tiwala niyo sa'kin! Bigyan niyo lang ako ng isang pagkakataon, Lo! Nakikiusap po ako " Patuloy na pagmamakaawa ko kay Lolo Matencio. Tiningnan ako nito ng mariin. Hindi nawala ang galit na nakikita ko sa mga mata nito. "Maibabalik lang ang tiwala ko sa'yo kung maitataas mo ulit ang Santivez Pharmaceutical Company sa pamilyang 'to, Abigail!" Napalunok ako sunod-sunod sa huling sinabi ni Lolo Matencio sa gusto nitong mangyaring gawin ko. Napakunot-nuo ako hindi makapaniwala sa kondisyon nito tungkol sa kompanya namin. Paano ko gagawin ang bagay na iyon, kung ang huling balita ko sa kompanya ay tuluyan na itong lumago dahil sa pangangalaga ni papa bago siya iwan ni mama. "Anong nangyari sa kompanya, Lo? It's getting good iyon ang alam ko! Paanong maibabalik? Hindi ko kayo naiitindihan, Lolo!" naguguluhan kong sabi sa kaniya. Napabuntong-hininga ito nagsindi ng tobacco. Hindi agad sinagot ang tanong ko. Tumayo ako ng tuwid, hinintay ang mga sasabihin ni lolo—mga bagay na kailangan kong malaman, mula nang umalis ako at sumama sa isang lalaking naging dahilan ng galit na mayroon ito sa akin ngayon. "Mula ng umalis ka tuluyan ng bumaba ang sales wala ng hospitals, doctors na gustong mag-endorse sa'tin!" Napakagat-labi ako sa nakikitang lungkot sa mukha ng Lolo Matencio ko. Umupo ito sa sariling swivel chair nito. "Isa ka sa pinakamagaling na pharmacist scientist, Gail! I wondering napakatalino mo but I don't why kung bakit mo nagawang talikuran ang pamilya maging ang kompanya para sa lalaking 'yon!" Sumingkit ang mga mata ko sa naramdamang galit ng maalala ang lalaking tinutukoy ng matanda. "That's why I'm here, Lolo! Humihingi ako sa inyo ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko na ibang-iba ako sa Abigail na sumuway sa inyo, Lolo!" Piinaglipat-lipat nito ang tingin sa mga mata ko. Tila tinitimbang kung totoo ba ang sinasabi ko sa kaniya. "Gawin mo lahat kailangan muling maiangat ang Santivez sa larangan ng medisina at ang isa lang sa mga apo ni Ignacio ang makakatulong sa'yo!" Napakunot-nuo ako matapos ilapag ni Lolo ko ang isang brown-envelope sa harap ko agad kong tiningnan ang laman nito. "Isa siyang succesful doctor sa bansa graduate prestigious university sa Cebu. He also own hospitals in Cebu, Davao and Manila. He can help you to gain my trust and be Santivez again, Abigail!" Pagsasara nito sa usapan namin. Napabuntong-hininga si ako, walang salitang namutawi sa bibig ko sa sinabi ni lolo. Hanggang sa muli ako nitong iwan sa sariling opisina nito sa mansyon. "Makakaasa ka, Lolo! Gagawin ko lahat magiging Santivez ulit ako ibabalik ko lahat ng tiwala niyo sa'kin!" Pangako ko sa sarili pagkatapos muling isilid sa envelope ang mga larawan ni Thunder Villa Paraiso. Hindi ko pa kailanman nakikita ang lalaking 'to. Pero base sa narinig kong kwento tungkol sa kaniya; matinik, misteryuso at malihim daw ang lalaking ito. Hindi ko man forte ang magpasakay ng kahit na sino'ng lalaki ngunit kailangan kong gawin ang lahat ng ito. Alang-alang na rin siguro kay Lolo Matencio na labis na umaasa sa akin para muling maingat ang kompanya namin. Nagpasya na akong lumabas sa opisina ni lolo, gusto kong pag-aralan ang lahat--- ngayon pa lang gagawa na ako ng paraan kung paano magawa ang lahat para sa lolo ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang larawang nasa harap ko sa sarili kong monitor sa silid ko. Naalala ko muli ang huling pag-uusap namin ni lolo. Tulad ng sabi ko hindi ko na siya pweding biguin pa. Kailangan ako ni lolo kasabay ang katotohanang kailangan ko rin maibalik ang tiwala niya sa akin. Buo na ang pasya ko gagawin ko ang lahat ng paraan para magkaroon kami ng kaugnayan ni Thunder o para mahulog ang loob nito sa akin. Inayos ko ang sarili ko— kasabay ng pagpapanggap sa kaniyang gustong-gusto ko siya ay ang hindi niya pwedi malaman ang tunay kong katauhan bilang isa sa mga apo ng matinding kalaban ng Lolo Ignacio niya sa kompanya. NAGISING akong may nabuong plano sa isip ko kung paano mapalapit ang loob sa isang Thunder Paraiso. Nagpasya akong bumalik ng Cebu kung saan ako pinanganak ng mga magulang ko. Kailangan kong gamitin si Thunder para maipaghigante ko si lolo sa abwelo nito. Agad kong inayos ang flight ko sa tulong ng kaibigan ko, kung ito ang magiging paraan para makalapit sa pamilya Paraiso gagawin ko. Isasaalang-alang ko ang lahat hindi ako pweding mag-aksaya ng oras habang ang pamilya nito ay nagdidiwang sa tagumpay na dapat mayroon ang lolo ko. Ako si Abigail Santivez at babalik ako sa Cebu bilang si Gail Sanchez at hinding-hindi niya malalaman kahit kailan na Santivez ang dugong nananalaytay sa katawan ko. Napatingin ako sa salamin, may mapait na ngiting gumuhit sa labi ko kasabay ang pangakong gagawin ko ito para sa pamilya ko at walang kahit na ano'ng puso ang siyang magiging kasamang emosyon dito. This time, mananalo ako. "Mahuhulog ka sa bitag ko Thunder! Gagawin ko ang lahat ng kaya ko hanggang sa lumuhod ang lolo mo sa Lolo Matencio ko. Sinira niya ang reputasyon ng lolo ko!" kausap ko sa repleksyon ko sa salamin, para sa nakilala kong apo ni Don Ignacio Paraiso—my lolo's mortal enemy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD