CHAPTER THREE

1090 Words
Thunder Paraiso || GAIL POV MASAYA kaming nagsalo sa isang tanghalian ni Thunder, matapos akong nagpresenta na ilibre siya sa isa sa pinakamalapit na restaurant na nakita namin sa daan. Isa na rin ito sa naisip kong paraan para mapalapit ng tuluyan dito. Pinaghila ako nito ng upuan, mukha naman palang gentleman ang loko, aniya ko sa aking sarili—sa isip ko naalala ko si Lolo Matencio. Alam kong labis itong matutuwa pag napag-alaman nito na tuluyan na akong nakalapit sa pamilya ni Don Ignacio lalo na sa apo nitong doctor, na kailangan ko para sa kaniya. Umikot ito sa gawi ko, umupo paharap sa akin matapos akong bigyan ng isang matamis na ngiti. “So, taga-Cebu ikaw?” tanong nitong may diction pa ng bisaya. Mabuti nalang limang taon na rin halos akong nakatira sa Cebu, kaya hindi ako mahihirapan na intindihin siya. “Hindi, actually. Uhm---" hindi ko alam na isasagot, hindi ako naging handa--- hindi ko na lang nagawang alisin ang tingin ko sa mga mata nitong mariin nakatingin sa akin. Para hindi ko ito mabigyan ng pagkakataon na magduda sa pagkatao ko. Kung bakit ba naman kasi wala akong nakahandang sagot sa mga posibleng tanong niya, hindi ko naman pweding sabihing taga-Bicol ako. Baka malaman lang agad nito ang sadya ko kapag nagkataon lalo na't nandoon naglalaki ang Lolo Matencio ko. . “Bakasyunista?” muli nitong tanong--- nang hindi ko masagot ang tanong niya kung tagasaan ba ako. Kumagat muna ako ng burger na order namin pareho bago ko sinagot ito. “I’m living here, for almost 5 years,” sagot ko. Tumango-tango ito, sumimsim ng malamig na iced tea. “Working or studying?” isa pang tanong nito. Mahina akong tumawa--- tumawa rin ito. “Question and answer pala ito, hindi man lang ako na-inform,” biro ko rito. Muli itong tumawang nakatingin sa akin . “Mas maganda ka sa malapitan..” Muntik na akong masamid sa sinabi nito at ganito pala kabilis ang isang Thunder Paraiso na halos sa files ko lang yata nakilala ang whereabouts nito. Sumimsim muna ako ng tubig sa baso ko bago muling magsalita rito. “Working. Actually, I worked on our family business,” totoong sagot ko sa kaniya, iyon nga lang hindi sa lungsod na ito--- muli itong tumango-tango sa akin. “How old are you then?” Natawa ako ng malakas. Tila hindi ko talaga inaasahan ang mga sandaling yon, ni hindi man lang ako naging handa sa posibleng mga katanungan pala ng lalaking nasa harap ko. THUNDER POV LABIS ang pagkamanghang nararamdaman ko ngayon sa babaeng nasa harap ko. Napakaganda nito tipong habang tinitingnan mo siya ng matagal mas lalong lumulutang ang taglay nitong ganda, lalo na ang ngiti nitong hindi ko rin naiiwasan ang mapangiti sa harap niya. “How old are you then” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam pero may mga bagay akong gusto talaga malaman ngayon sa kaharap na nagpakilalang Gail sa akin. “26, how about you?” ganting tanong nito sa akin. “Turning 28 this month,” sagot ko sa kaniya. Muli itong ngumiti sa akin bago sinimsim ang natitirang apple juice na in-order nito. “By the way. Birthday ng Lolo Ignacio ko, baka pwedi kitang ma-imbita?” alok ko rito. Tila ayaw ko na talaga yatang mawala ito sa paningin ko. Kibit-balikat itong sumulyap sa akin, anyong nag-iisip sa imbistasyon ko sa kaarawan ni lolo--- na dapat isa ako sa punong-abala. Pero heto ako at nasa harap ako ng magandang dalaga na nakilala ko lang sa daan, dahil sa nasirang sasakyan nito. “Hindi ba nakakahiya?” tanong nito sa akin. Tila nag-aalangan pa kung tatanggapin ba ang imbitasyon kung dumalo sa selebrasyon ng kaarawan ni lolo. Umiling-iling ako. “You will be my special guest--- kung pupunta ka,” patuloy ko sa pangungumbinse sa kaniya. Tumikhim ito, sunod-sunod na tumango sa harap ko. Ibig sabihin tinatanggap na nito ang alok ko. Ako naman ang napangiti ng maluwag sa kaniya--- hindi ko alam pero labis ang sayang naramdaman ko sa biglang desisyon nitong pagpayag na dumalo sa birthday ni lolo. At tulad ng sabi ko, ito ang magiging isa sa mga espesyal na bisitang dadalo--- na hindi ko hahayaang mangyaring mawala ito sa tabi ko. “So, pwedi na ba ako umuwi muna? Para na rin makapaghanda,” paalam nito sa akin. Kasabay ang pagtayo nito sa upuan paharap sa akin, sumunod akong tumayo paharap sa kaniya. “Ihahatid na kita,” alok ko. Umiling-iling ito sa akin, may kinuhang calling card sa maliit na wallet nito binigay sa akin. “Tawagan mo nalang ako mamaya. For sure, may ilan ka pang kailangan ayusin. Naisturbo na yata kita,” pag-aalangang sabi nito. Tinanggap ko ito at muli siyang tiningnan sa mga mata, muling sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko, ganoon rin sa kaniya. “Makakaasa kang darating ako,” aniya ni Gail sa akin. Tumango-tango akong nilahad ang kamay ko sa harap niya. “Thunder Paraiso,” muli kong pagpapakilala sa kaniya. “Gail Sanchez,” aniya nitong tinanggap ang kamay ko. Dinala ko ito sa labi ko para halikan ang likod ng palad nito. “Kinagagalak kitang makilala,” sabi ko sa kaniya. Tumawa ito hinila ang kamay niya mula sa akin. “Kanina pa kita nakilala,” natatawang sabi nito sa akin. Hindi ko alam tila, namagnet yata ako nito. I really can't resist her smile. Maging ang boses at tawa niyang tila musika sa aking pandinig. Hindi bali magkikita pa namin kami mamaya, kong kaya't may pagkakataon pa naman para makausap siya at makilala ng lubusan. Hinatid ko ito sa sasakyan nito na minadali ring ayusin ng pinuntahan namin. “See you later, Thunder,” paalam nito sa akin, nang makasampa na ito sa loob ng sasakyan nito. “See you later, Gail.” Hindi ko alam kong ano nga bang nararamdaman kong kakaiba sa dalaga. Tila napakasaya ko nang araw na iyon, kahit hindi kami kumpletong magkakapatid sa birthday ni lolo. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon na masaya ako at may nakilala akong Gail Sanchez at sa muli namin pagkikita hindi ko hahayaang hindi ko pa siya lubos makilala, gagawin ko ang lahat. 'By hook or by crook," aniya ko sa sarili kong hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko nang maalalang kailangan ko ng makabalik sa mansyon para sa preparasyon ng selebrasyon ni lolo--- kasabay ang kailangan kong gawing paghahanda para sa isang espesyal na panauhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD