THUNDER PARAISO | SORRY "I'M SORRY! I'M SORRY, GAIL.." Napalunok ako ng sunod-sunod habang sinasambit ang mga salitang 'yon kay Gail. Hindi ko sinasadya ang ginawa kong paghalik sa kaniya, ni hindi ko man lang namalayan na naglapat na pala ang labi naming dalawa. Gusto kong magalit sa sarili ko kung bakit hinayaan kong gawin ito. Ilang beses kong sinabi sa sarili kong Gail is different, pero hindi ko man lang nagawang pigilan ang sarili kong halikan ito nang walang pakundangan. "Gail, I'm sorry!" muli kong sambit sa kaniya, nang umiwas ito ng tingin sa akin. Maiintindihan ko kung magagalit man ito, kasalanan ko ang bagay na hindi ko dapat ginawa--- in the first place. Sabihin mang tinugon ni Gail, ang halik na pinagkaloob ko sa kaniya, hindi pa rin sapat 'yon para hindi ako makaramdam ng

