PABALIK-BALIK lang si Joey ng paglalakad sa may sala habang hindi siya nilulubayan ng tanong sa isipan niya kung ilang mga babae ang pinagsawaan at naging fling ni Daxx. Alam niyang hindi niya dapat iniisip iyon, pero bigla siyang na curious lalo pa sinasabi ni Daxx na mahal siya nito. Napapaisip tuloy si Joey kung maibibilang niya ang kaniyang sarili sa mga naging fling ni Daxx. "Gaano ba tumatagal ang mga nagiging fling niya? Sinasabihan din ba niya na mahal niya ang mga ito?" mga tanong ni Joey ng mapatigil siya sa paglalakad sa may bintana. Madilim na ang paligid, pero dahil maliwanang ang sikay ng buwan ay natatanaw ni Joey ang ilog sa likod ng bahay ni Daisuke, kung saan kumikinang ito na parang diyamente dahil sa liwanang ng buwan na tumatama dito. "Bakit ba bothered ako sa kung

