KABADO AT hindi mapalagay si Joey sa pagkaka-upo niya sa kotse ni Daxx habang nasa biyahe sila papuntang Aklan. Mula Osaka, Japan ay nagpasya si Joey na dumaretso pauwi sa probinsya nila. Tumawag na siya sa supervisor niya na magte-take siya ng tatlong araw na leave, at kahit papaano grateful siya dahil pinayagan siya ng kaniyang supervisor. Pagkababa ng eroplano nila sa Airport ng Cebu at pagkabigay ni Dante ng kotse na gagamitin nila pauwi sa bahay ng mga magulang ni Joey ay sinabihan ni Daxx si Dante na kumuha ng hotel at doon muna mag stay. Sa ngayon, habang binabiyahe nina Daxx ang daan pauwi sa bahay ng mga magulang ni Joey, ay kabadong bahagyang hindi mapakali si Joey sa kinauupuan nito. Hindi niya alam kung anong isasalubong ng kaniyang ama sa kanilang dalawa ni Daxx, lalo na ang

