Nagising ako dahil sa dami ng chat sa social media ko. Kinuha ko iyon at tiningnan saka nakita ang mga plarawan na hindi ko alam kung saan galing pero nakita ko si Blue na nakangiti at kahawak kamay si Elviera. Kaagad na napatakip ako sa bibig ko at nabitiwan ang aking cellphone. I closed my eyes and I can feel my heart beating rapidly. Parang may kung anong sumasaksak sa puso ko na sobrang sakit. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko pero napakasakit pa rin ng dibdib ko. I massaged it and breathed slowly. Hindi ako dapat mag-react kaagad. Hihintayin ko si Blue na makauwi mamaya. These pictures are just pictures. Hindi ito ang sisira sa amin. Pero ang sakit-sakit pala. Huminga ulit ako nang malalim at hindi ko na napigilan ang mata ko nang kusang tumulo ang luha. Parang nilalakumos ang d

