Habang naglalakad ako sa eskuwelahan ay ramdam ko ang kakaibang titig sa akin ng mga estudyante. Hindi ako sanay. Mas sanay ako na hindi pinapakialaman. Pagkapasok ko sa room ay kaagad na umupo ako sa dati kong upuan. Ramdam ko ulit ang tingin nilang lahat sa ‘kin. “Ahm, Lana!” tawag sa ‘kin ng kaklase kong nakaupo sa unahan ko. “Hmm?” “Totoo bang ikinasal ka na kay, Mayor Virgon?” tanong niya. Natigilan naman ako. Kaya ba ganoon ang tingin nila sa akin? “Oo,” simpleng sagot ko. Iyon naman talaga ang point kung bakit kami nagpakasal. Ang malaman ng lahat para hindi ako basta-basta na lang lapitan ng mga taong sangkot sa pagkamatay ng mga magulang ko. “Talaga? So hindi nga fake news iyong nakita namin sa epbi. Wow! Matagal na pala kayo kung ganoon? Grabe! Hindi mo man lang sinabi,”

