Palabas na sa eskuwelahan nila ang dalaga nang mapansin ang pamilyar na kotse sa labas. Nilpitan niya iyon at hindi pa man niya nakatok ang windshield ay bumaba na iyon at tumunog ang pag-unlock ng pinto. “Pasok,” anito. Nagtataka man ay pumasok na rin siya. Napamura pa siya nang mabilis na pinaharurot ng binata ang sasakyan. “Putragis! Ano ba?” reklamo niya rito. Hindi naman siya pinansin ng binata at patuloy lang sa pagmamaneho. “Ryu!” singhal niya rito. Sinamaan lamang siya ng tingin nito at nagpatuloy sa pagmamaneho na tila ba walang naririnig. “Ano ba? Kung gusto mong magpakamatay ikaw lang. Kung ayaw mo ng mabuhay huwag kang mandamay ng iba. Marami pa akong gustong gawin,” inis niyang saad at umayos sa kaniyang pagkakaupo at napahawak nang mahigpit sa seatbelt. Ilang sandali

