Nakangiting tinungga ng dalaga ang laman ng baso niya at itinaas iyon saka naghiyawan sila ng mga kasama niya. Kasalukuyan silang nag-iinuman sa isang bar at lasing na. “Sige, sayaw,” wika niya at lalong na-hype ang palibot sa kaniya. Tila gustong-gusto ng mga kalalakihan sa gilid ang ginagawa niya at nakatingin lang sa kanila. Ang mga kasama niya rin namang mga party goers ay talagang tuwang-tuwa sa kaniya. Nang makaramdam ng kaunting hilo at tawag ng kalikasan ay nag-excuse na muna siya at pumunta sa bathroom. Pagkatayo niya pa lang ay sumunod kaagad sa kaniya. “Hey! Maybe we could do something later,” wika ng lalaki at nginitian si Debbie. Tiningnan niya lang naman ito at tinikwasan ng kilay. Hindi niya pinansin at dinaanan lang. Ganoon din ang ibang lumalapit sa kaniya. Hindi niya

