I folded my arms while looking at him. Tulog na tulog siya sa sahig. Tinitigan ko ang mukha niya at ngayon ko lang napansin ang dark circles niya. Hindi masiaydong pansinin dahil guwapo naman kasi siya totally. May mga maliliit ding stubbles sa kaniyang mukha. Nakakainis pa rin kahit ganoon. Ang guwapo niya pa rin tingnan kahit saang anggulo. “Baby girl?” tawag niya sa ‘kin. Halos hindi niya na maibuka ang kaniyang mata. “Alam mo...hik...nagpahatid ako rito kay Pablo. Sabi ko..hik..Pablo, hatid mo ako sa asawa ko bago ako mawalan ng asawa. Gulo-gulo pa ang putang-ina!” gigil niyang wika tapos tumawa. “Aray! Sakit ng muka ko..hik.. kiss mo nga,” aniya. Nakangisi lang siya habang nakapikit ang mga mata. “Vodka lang naman ‘yon eh. Pero ang epekto hik..parang sipa at sampal ng kabayo,”

