“Hindi ka yata sumasayaw ngayon?” Napalingon naman si Debbie at nakita ang kaibigan niyang si Mandy. Umupo ito sa tabi niya at binigyan pa siya ng inumin. “I’m not going to drink tonight,” aniya rito. “Oh? Himala naman yata,” sambit nito. Napaikot naman niya ang kaniyang mata. “Ang laki yata ng problema mo at naninibago ako sa ‘yo ngayon,” komento nito. “Mukha ba akong problemado? Hindi ba ako normal tingnan kapag tumatahimik?” usisa niya rito. Tumango naman si Mandy. “Lintik!” aniya at sa sagot ni Mandy mukhang hindi nakaka-proud iyon. “So, ano nga ang problema mo?” “Ikakasal ako kay, Archer Sullivan. Hindi pa naman ngayon pero in the coming years, hindi ko alam,” sagot niya rito. “Y-You mean? Archer Sullivan? Iyong sikat na tennis player?” tanong nito at halos lumuwa pa ang mat

