Tahimik na binabaybay namin ang pamilyar na daan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin ngayong bumalik na ako sa lugar na matagal ko na ring nilisan. “We’ll be staying at the booked hotel for us by the school,” ani Ryu na nagmamaneho lang ng sasakyan niya. Tumango lamang ako. Alangan namang kontrahin ko siya eh iyon na nga ang order sa ‘min ng eskuwelahan. Nakatingin lang ako sa labas at hindi na nagsalita pa. Ayaw kong makipag-usap sa kaniya. “I heard taga-rito ka,” wika niya. “Noon,” tipid kong sagot. “What happened? Kung okay lang na magtanong,” aniya. Tiningnan ko naman siya at huminga nang malalim. “Mahabang kuwento. Pinili ko na lang na mag-stay kasama ang tiya ko,” sagot ko. “I don’t have a family here too,” aniya. Kumunot naman ang aking noo. “Sino ‘yong kasama

