Klara Samara Samonte,pangatlo sa limang magkakapatid.Mahaba ang buhok na lagpas braso,medyo brown ang kulay.Hindi ko alam pero wala naman kaming lahing kano pero sa aming magkakapatid ako lang may ganoong kulay ng buhok at naiiba ang itsura.Nagtataka nga sila bakit daw ganoon,minsan kinakantyawan pa nila ako na baka daw di ako anak ng papa ko at baka inampon lang ako. Kasi kung titignan at susuriin ako lang ang naiiba ang itsura sa aming magkakapatid at hindi ko naman itatanggi yun.Para akong kamatis na kapag nainitan kulang na lang magbalat ang mukha sa sobrang pula nito,matangos din ang aking ilong,at may mahahabang pilik mata na kung saan pwede mong mahatak kapag iyong subukang hawakan,may di katamtamang kalakihan na mga labi at di din ako kaliitan.Minsan umiiyak ako kasi noong bata ako lagi akong tinutukso ng aking mga kaklase na ampon daw ako at napulot lang sa basurahan,lagi akong naguguidance noon kasi nakikipag away ako sa mga kaklase kong sinasabihan ako na ampon,kaya si Mama o Papa noon ay lagi din akong nasasabihan bakit ko daw pinapatulan ang mga ganoong mga tao eh hindi naman totoo.
Siguro masakit lang siya sa akin dahil nakikita ko din na ako lang ang naiiba ang itsura sa amin.Kaya ganoon na lang din ako manggalaiti sa mga nambubully sa akin dati.
Habang tumagal ang panahon ay unti unti ko din natanggap sa aking sarili na ako lang talaga ang naiiba sa amin,sabi nga ni Papa ko ako lang daw ang pinagpala ang itsura sa aming magkakapatid.Hindi naman sa pangit o minamaliit ko ang itsura ng aking mga kapatid pero madami kasing nagsasabi na kamukha ko daw si Marimar na pinaputi yung Marimar na orihinal at hindi sila Marian Rivera oh sino pa man.Tumagal din ang panahon na kung saan ay mas nakilala ko ang aking sarili at mas natutunan ko itong pahalagahan.
Nakapagtapos ako sa isang Unibersidad sa aming lugar sa Marikina hindi siya katulad ng mga Unibersidad na talagang kilalang kilala sa pangalan pa lang,ang mahalaga sa aking mga magulang ay makapagtapos kami ng pag aaral kahit hindi naman ito kilala.Lagi ngang sinasabi sa amin" hindi mahalaga kung saan kayo nagaral ang mahalaga ay nakapag aral kayo at nakapagtapos kayo ng pag aaral,madami nga diyan na nakapag aral sa magagandang eskwelahan pero tignan mo saan sila ngayon" saad ni Papa.
Minsan natatawa na nga alang ako kay Papa kasi para namang nakakasama niya yung ginagawa niyang halimbawa sa amin.Pero kapag naiisip ko may punto din naman si Papa sa kanyang mga sinasabi. Madami ngang nakakapagtapos pero kung titignan nasaan na ba sila ngayon,minsan nasa diskarte lang talaga ng isang tao kung paano siya uunlad sa buhay. At dahil sa syudad ako lumaki ay naging madali na lang din sa akin na gawin ang mga bagay na gusto ko.Hindi yung tipong pagbabar o ano pa man,ang punto ko dito ay yung mga bagay na makapaghanap ng trabaho.Minsan nga naiingit ako sa mga kaibigan ko kasi nakakapagbakasyon sila sa lugar ng magulang nila sa kani kanilang mga probinsya.Ako kasi hindi,si Papa ay talagang tubong Marikina at ganoon din si Mama kaya wala kaming probinsyang kinalakihan na katulad ng iba.Minsan tinatanong ko nga si Papa at Mama kung meron ba sa kanilang mga magulang ang may probinsya na pwedeng pagbakasyunan,ngunit wala talaga.Ako talaga yung tipo ng taong lumaki at tubong Marikina.
Kahit noong mga panahon na nagaaral pa lang ako sa High School at kung may outing man kami ay lagi akong nasasabik dahil nga makakapunta sa ibang lugar,ang inaasahan ko pa nga ng mga panahong iyon ay makapunta sa isang probinsya,pero hindi.Kung hindi sa Laguna ang punta minsan sa mga kalapit na syudad lang din ang tour,its either Manila or Quezon City,,ang saklap diba.
Ang lagi kong naiimagine ay yung sariwang hangin,malayo sa kabihasnan at walang traffik...ganyan.Yung tahimik ang iyong pagtulog at ang maririnig mo lang sa gabi ay mga huni ng mga insekto,at sa umaga naman ay tilaok ng mga manok na gigising sayo sa umaga.
Siguro sa ibang kabataan ang hangad nila ay makapunta o makapamasyal sa lungsod,.lungsod na kung saan maingay,magulo.Ang laking kabaligtaran ang mga nasa lungsod gusto makauwi sa probinsya ang mga probinsya gusto makapunta sa lungsod.Mayroon at mayroon pa ding mga advantages at disadvantages sa dalawa at yun ay yung una kapag nasa lungsod ka nandyan ang lahat,Mall,Palengke,kilalang mga paaralan at iba pa.Pero sa kabilang banda na kagandahan ng lungsod ay kapalit naman nito ay magulo,siksikan ,mahal ang mga bilihin at higit sa lahat maingay.Maingay dahil sa mga pwedeng kapitbahay na nag aaway,oh kaya naman ay dahil sa mga dyip na umaabot ng madaling araw sa pamamasada bilang bahagi ng kanilang trabaho. Hindi naman ako nagrereklamo sa kung anong meron ako,masaya ako kasi buo ang pamilya ko at nakapag aral kaming lahat. Sa kabila ng magulo at maingay na aking mundo syempre nandun yung pag nanais na maranasaan ko ang buahy na minsan ay tahimik at magising sa tilaok ng manok.
Pero sabi ko nga sa aking sarili,darating din siguro ang panahon na bigla na lang akong makakarating o dadayo sa isang Probinsya atmagbabakasyon.Hindi ko alam pero parang ang sarap lang mamuhay sa isang lugar na tahimik at walang nakakakilala sayo.Kasi ako dahil dito ako nagkamuang at lumaki,tuwing kahit saan yata ako pumunta sa aming lugar tatawagin ang pangalan ko"Sasa".
Oo " sasa" yan ang palayaw ko,bilang ang pangala ko ay Klara Samara Samonte ang kinuha ng aking Lolo ay yung mga unahan ng Samara at Samonte kaya nabuo ang 'sasa". Natatawa na lang ako,hindi ko alam bakit sa dinami dami na pwedeng pagsamahin na letra sa pangalan ko sa Apelyido pa ang kinuhanan..kung tutuusin naman pwede namang " Lara, Mara, oh kaya naman ay Ra.Wala kapag siguro talaga mga kalololohan ang nagpalayaw sayo umasa kana na matandang pangalan ang ibibigay sayo.
Isang taon pa lang halos ang nakakalipas ng makapagtapos ako sa Kolehiyo,sabi ko noon sa aking mga magulang ay magtatrabaho nako agad pero ayaw pa nila.Tsaka na daw muna,magpahinga naman muna daw ako para makabawi ang aking katawan sa pagod at puyat na aking nagawa noong mga nakaraang taon dahil sa pag aaral.Dahil sa ganito ang sinabi ng aking mgamagulang ay diko din naman ginawa.Nakakainip nga lang sa araw araw,pero dahil sa kami ay may pwesto sa palengke ay lagi akong tumutulobg sa pagtitinda ng Karneng Baboy at Manok at isda kila Mama.Minsan pa nga sinabihan ako ni Papa na gumamit ng Gloves oara di masira nag aking kamay at pinakita pa niya sa aking ang kaniyang kamay, na kung saan namumuti na hindi mo mawari.Kaya ang ginagawa niya ay nagiging taga supot at taga abot na lang ako ng mga pinamili ng mga customer.Medyo nakakalibang din at nakakainip sa kabilang banda,araw araw ganun ang aking ginagawa,supot..abot,,at taga sukli.Tatlong buwan ko yata itong araw araw halos ginawa walang palya,madaling araw pa lang ay nasa palengkena kami nila Papa at Mama upang magayos ng paninda.Hindi sa pagrereklamo sa aking ginagawa pero sadyang nakakainip,at diko din naman ito kinakahiya dahil ito ang dahilan kung bakit kami nakapag aral at nakakaraos sa pang araw araw na buhay.
Sabado ng gabi hindi ako nakapag tiis at kinausap ko sila Mama at Papa" Ma, Pa gusto ko na pong magtrabaho' maikling sambit ko lang." Biglang napatingin sa akin si Papa sabay sabi" bakit naiinip kana ba? tanong niya. " Opo pa,tsaka gusto ko na din pong makaipon ng pera kobg sarili para din po dina ako nahingi sa inyo kapag may kailangan po akong bilhin." sagot ko naman.
"Eh ikaw kung gustomo ng magtrabaho di ka naman pinipilit anak pero desisyon mo yan,ikaw ang bahala,dugtong naman ni Mama habang hinihimas ang aking mga kamay na nagpapakita ng pagsuporta sa aking desisyon.
" Basta kung may kailangan kang bilhin o iayos na Papel at kailangan mo ng pera magsabi ka sa amin ha" ? sambit ni Papa
" Opo pa magsasabi po ako" sabay ngiting tugon ko naman kay Papa habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
Kinabukasan maaga akong nagising,hindi dahil kasama ako sa pagpunta sa palengke bagkus dahil sa kinasanayan ko na alas kwatro pa lang ng umaga,wala na sila Mama at Papa nasa palengke na.Hindi ako makatulog at dahil dito ay tumayo ako at bumaba upang magkape. Sila kuya at iba ko pang kapatid ay mahimbing pa ding natutulog ako lang itong mulat at gising na gising sa kalagitnaan ng isang umagang medyo maingay na. Ang bahay nga pala namin ay medyo malapit sa palengke kaya maririnig mo lang ang mga hiyawan ng mga naglalakong tindero at tindera sa mga mamimili" Ohy suki o sariwa bili kana ilan ang gusto mo? " Oh suki eto o bagong bagong sariwang sariwa mas sariwa pa sa akin..iba iba.Yung iba dinadaan pa sa patawa para lang makabenta at minsan epektibo din naman para sa mga mamimili.At alam niyo ba ang kila Mama at Papa?kung ano ang sinasabi nila kapag may dumadaan na kostumer? " Bili na mga suki,murang mura lang at sariwa pa kasing sariwa ng pagmamahal ng iyong asawa." sabay tatawa na lang si Papa.Mas si Papa yung sumisigaw ng ganoon kasi si Mama nahihiya na ganoon ang sasabihin,kahit ako natatawa pero ang sweet lang din pakinggan.Minsan pa nga si Papa habang sinisigaw ang kanyang pang akit ay sumasayaw pa tapos kikindatan si Mama,.tapos si Mama naiinis kasi nga daw hindi na bagay ni Papa at syempre may edad na din silang dalawa,,.pero ako nakikita ko sa kanila ay koneksyon at kung paano sila dati. Sabi ko nga sa aking sarili kahit hindi mayaman mapangasawa ko basta katulad ni Papa okay na ako.
Hindi ko alam pero siguro dahil sa nakikita kung paano sila sa bahay yung nagaaway pero hindi malala na kailangan pang umabot sa pisikalan at makapagbitaw ng masasakit na salita. Sila yung tipong magasawang kapag nagaway ay inaako na agad yung pagkakamali kaya dina humahaba pa ang isyu at humihingi agad ng kapatawaran sa isat isa. Tapos yayakapin na lang lagi ni Papa si Mama,tapos minsan sabi ni Papa kay Mama, " wala kahit pagkakamali mo ako na umako ha para matapos na ang usapan at diskusyon," tapos si Mama matatawa na lang at yayakapin si Papa sabay halik sa magkabilang pisngi ni Papa.
Habang nagkakape ay inabot na ako ng alas kwatro kwarenta'y singko ng umaga,maya maya ay magigising na din sila Kuya dahil papasok pa ito sa kani- kanilang trabaho.
Si Kuya Klayton,35 taong gulang nakapagtapos bilang isang Engineer,panganay sa aming magkakapatid.Siya yung tipo ng kapatid na seryoso sa buhay ang gusto ay nasa timing ang lahat.Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho sa DPWH bilang isang site Engineer kaya kahit papaano ay maganda ang kaniyang kita. Sumunod naman si Dikong Kian,pangalawang panganay o Dikobg kung turingan,nakapagtapos naman siya bilang Architechture at nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya.Siya naman yung tipong hindi mo makakausap ng seryoso kasi kabaligtaran siya ni Kuya Klayton in short ungas o yung di seryoso sa buhay tipong para sa kanya dapat ang buhay ay di masyadong sineseryo sabi nga niya" ikaw bahala ka kapag sineryoso ka ni life" sabay tawa.At dahil sa hindi ako makatulog ay nagpasya na lang akong magluto ng almusal para sa mga papasok ng maaga.
Agad akong tumayo at tinignan ang kanin ng kaldero kung may kanin pang natira kagabi,meron pa naman at sa aking tansya ay kasya pa naman para sa sa apat na katao.Habang kinakamos ang kanin na isasangang ay bumaba si Kuya Klayton at nagpupungas pungas pa" Oh bakit ang aga mo nagising Sa? tanong niya
" Eh di na kasi ako makatulog eh,tska nasanay kasi katawan ko Kuya na ganitong oras gising dahil noong nasama ako kila Mama at Papa diba, sagot ko naman.
" Ahy oo nga pala bakit dika na sumama sa kanila? tanong niya habang papunta sa mesa upang magtimpla ng kaniyang kape bago maligo.
" Ah kasi Kuya naiinip nako eh,kaya sinabi ko kilala Mama na magaapply na muna ako ng trabaho para din makaipon ako at dina humihingi sa kanila ng pera kapag may kailangan anong bilhin' sagot ko naman habang naghuhugas ng aking mga kamay na puno ng kanin na nagdikitan dahil sa pagkakamos.
" Sabagay nga mas maganda yan na may work ka para magamit mo din yung pinagaralan mo.sagot niya habnag humihigop ng kapeng tinimpla.
" Kaya nga kuya pero maghahanap pa ako,diko pa alam exactly kung saan ako magwowork,pero ang gsuto ko sana sa probinsya magwork pero ang pasahod ay katulad dito sa City,sabay tawa na lang ang aking tugon,dahil alam ko naman na mukhang wala namang ganoon sa panahon ngayon.
" Maghanap ka sa Internet baka meron malay mo sagot niya habang pahikab hikab pa.
" Sana nga meron tugon ko naman,' ahy Kuya kumain ka muna bago ka umalis ha magluluto lang ako mabilis lang to,singit ko pa habang naghihiwa ng bawang.
" Sige ba basta sarapan mo eh,,hehehe sagot niya habang patungo sa Cr.
"Naman ako pa ba?! sagot ko naman na kumpyansang kumpyansa na makakapagluto ng masarap na almusal.
Malaki din ang pasasalamat ko sa aking mga Magulang dahil hindi nila kami hinayaan na walang alam sa buhay,Grade 4 pa lang ako noon ay tinuturuan nako ni Mama na magsaing at magluto luto ng mga prito pritong ulam,At ang una kong natutunan ay ang pritong itlog,bilang ito ang kadalasang almusal. Kaya kahit wala noon sila Mama na kailangan nilang umalis ni Papa ay kampantesila na may madadatnan silang pagkain at makakakin kami,hindi lang ako ang tinuruan ng maaga kundi mas ganun din ang aking mga lalaking mga kapatid.Kasi sabi nga ni Papa sa kanila na hindi porket sila ang lalaki at nagtatrabaho para sa pamilya ay iaasa na naila sa kanilang magiging asawa ang lahat,masmaganda daw na marunong daw silang magluto para din daw sa kanilang sariling kapakanan.Kaya kahit sino sa aming magkakapatid kapag inutusan ay wala ng tanong tanong,tayo agad at luto,,kung may itatanong man ay yun yung kung paano ang proseso ng iluluto lalo na kung dipa nailuluto ang putaheng pinapaluto,pero bihira pa sa patak ng ulan na mangyari ang mga iyon.Pagkatapos maghiwa ng bawang ay agad kong isinalang ang kawali at binuksan ang Gasul,medyo hinintay kong uminit ito tsaka nilagyan ng mantika.Nang malaman na mainit na ito ay tsaka ako naglagay ng mantika at inisunod ang tinadtad na bawang,ng makita kong medyo brown na ang bawang ay isinunod ko na ang kanin at hinalo halo hangang sa maghiwa hiwalay ito,agad ko naman din itong nilagyan ng asin pampalasa.Kami yung tipong hindi naglalagay ng MSG o ano pa mang pampalasa sa pagkain kapag nagluluto,asin,patis lang sapat na sa amin kaya nasanay na din kami.Kaya akapag may mga bisita kami sinasabihan namin na kung natatabangan ay sila na lang ang maglagay ng asin o ano pa mang pampalasa bilang kami ay asin asin lang sapat na. Minsan nga kapag may kamag kaming tumutuloy sa amin,kinakantyawan kami kung pamilya daw ba kami ng mga sinauna,kasi nga sinaunag tao lang daw ang hindi nagamit ng MSG.Tapos si Mama naman sumasagot at sinasabing " mas maganda na yun kesa magkasakit" sagot niya lagi.
Matapos makapag sinangang ng kanin ay agad ko itong tinikman,okay na sa aking panlasa sana okay na din sa kanilang mga kakain sambit ko sa aking sarili.Agad naman akong nagbukas ng Ref at kumuha ng itlog ,at kumuha na din ng danggit na pusit at iniprito.Pagkatapos makapagprito ay agad kong inayos ang mesa para sa aming apat,dahil sila Mama ay sa labas na kumakain bilang mahaba ang kinilang araw sa palengke.Habang inaaayos ang lamesa ay sakto namang lumabas si Kuya at saktong baba na din ni Dikong Kian.
" Wow anong meron at nagluto ka ?! tanong ni Dikong Kian
" Di ako makatulog eh maaga akong nagising kaya nagluto na lang ako" sagot ko naman habang patuloy ang paghahain
" Ahh ganun ba,sana alway,,sagot niya habang nagtatawa
" Pwede naman habang nagaadjust yung katawan ko,anyways kain na tayo sagot at yaya ko naman sa kanila.
" Wait magtotoothbrusch lang ako sunod ako sagot ni Dikong Kian,sabay deretsyo sa banyo.
Si Kuya Klayton naman ay agad dumiretsyo sa mesa at nagtimpla ulit ng Kape.
Ilang minuto ay sumunod naman si Dikong Kian na umupo at tumabi agad kay Kuya Klayton at nagtimpla din ng kaniyang kape.
Dahil sa naninibago at nagtataka bakit ako nasa bahay ay naulit ang mga tanong na naitanong na ni Kuya Klayton sa akin kanina,at kagaya ng nauna ay pinaliwanag ko din sa kaniya ang aking dahilan.Pagkatapos ng maikling paguusap sa pagitan naming dalawa ni Dikong ay nanahimik ang buong hapag kainan at tahimik na kumakain,hanggang sa matapos si Kuya Klayton at dumiretsyo agad sa itaas upang magbihis at ganun din naman si Dikobg Kian upang maligo at gumayak. Naiwan akong dipa din tapos kumain at ninanamnam ang pagkain habang nagiisip ano na nga ba ang aking gagawin at saan nga ba ako magsisimulang maghanap ng trabaho.Ngayon nahihirapan ako bilang ang tagal ko ding natengga sa bahay,diko alam saan ba ako maguumpisa.Samantalang ang aking mga kaibigan ay nagtrabaho agad pagkatpos na pagkatapos ng Graduation,siguro mga dalawang linggo lang sila natengga sa bahay ay may mga trabaho na .
Si Naida at George mga kaibigan ko mula noong High School pa kami.Sila yung kaibgan ko na magjowa,nakakatuwa nga na minsan nakakainis na din kasi kapag magkaaway sila dati ako yung nagiging utusan kapag ayaw nilang magusap sa isat isa.Ako din yung nagiging daan nila para makapag ayos.Ngayon magkatrabaho pa din silang dalawa ayaw nilang maghiwalay sa isat isa baka daw makahanap ang isa at maging dahilan pa daw ng kanilang paghihiwalay.,sabi ko naman baka magkasawaan silang dalawa kasi mula ba naman High School sila na hanggang sa nag kolehiyo kami,pero sabi naman ni George sa akin na matagal na daw siyang sawa kay Naida,sadyang mahal lang daw talaga niya si Naida kaya kahit sawa na daw siya pagmumukha nito ay mas nangingibabaw daw ang kaniyang pagmamahal dito kaya wala daw ang sawa sawa sa ka ilang dalawa.Natatawa na lang ako at nakikita ang kanilang mga dahilan na may punto na sweet pero makainis,hindi dahil nagiging utusan ako sa pagitan nila kundi naiinis ako dahil NSBS ako mulat mula.May mga nanliligaw naman noong nasa High School pa kami at kahit ngayon sadyang ayaw ko lang talaga.
Hindi ko alam,pero sabi nga ni Papa sa akin darating ang tamang panahon na makakramdam ka sa isang tao lang at ikaw lang ang makakapagsabi nun kung ano ba yung pakiramdam na yun.Kapag naramdaman mo yun ibig sabihin nun yon na yon" .
Sana nga dumating ako sa panahon na ganun,28 taong gulang nako pero NSBS pa ako,kung tatanungin niyo kung nainlove na ba ako o nagka crush siguro crush pero hindi nagtatagal,sabi nga ng mga kapatid kong lalaki baka daw maging madre ako kapag di daw ako makatagpo ng lalaki para sa akin.Pero si Papa laging kinokontra ang sinasabi nila," maghintay lang kasi kayo masyado kayong nagmamadali,kayo nga wala pang naipapakilala sa amin ng Mama niyo makapangantyaw kayo sa kapatid niyo,sambit ni Papa.Sabay sabay namang hihinto ang mga kapatid ko sa kanilang pangangantyaw sa akin.Pero minsan napapaisip din ako bakit ngaba hindi ako nagka jowa dati?Oo nung High School hindi pa talaga pwede dahil ayaw nila Papa at Mama,pero nung College na ako at nasa 4rth Year College na ay umokey naman sila Papa na kahitmagkarelasyon ako basta't idaan sa tamang proseso.
Yung prosesonakung saan sa bahay manliligaw,yungmakikita nilayung manliligaw ko at makikilala ng harap harapan.Naiintindihan ko naman sila kasi nga ako lang angnagiisang anak na babae kaya ganun na lang din sila kahigpit pagdating sa mga ligaw ligaw nung mga panahon na yun.Pero kahit na mas basbas na nila ay hindi pa din ako namansin ng mga manliligaw ko,may manligaw man nililigwak ko agad,hindi sa mataas ang standard ko kundi siguro mas inipriority ko nung mga panahon na yun yung pag aaral ko.
Naalala ko pa noong nasa Hig School ako,may nanliligaw sa akin si Paulo.Matangkad,gwapo,magaganda ang mga mata,balbon na para bang bumbay ang datingan pero purong Pilipino.Gusto ko naman siya kaso nakaka turn off lang talaga ang isang lalaki na may amoy,.sabi ko nga sa aking sarili nun...wala nga siyang lahing bumbay pero nakuha naman ang kanilang amoy.Hindi ko alam pero ayaw ko kasi sa lalaki yung may amoy ang kili kili
o kahit yung bunganga..yung tipong ang gwapo ng itsura pero kapag tinaasang kili kili mahihilo ka naman.Kaya ayun nireject ko siya,isang malaking ekis.Yung ang gwapo pero may amoy.Ang ginagawa pa niya dati nagpapabango ng todo yung nakakahilo na sa sobrang dami ng inispray sa katawan tapos maghahalo yung amoy ng kili kili sa pabango,,ay nako ang sakit sa ilong".Hindi sa pag mamaliit sa kapwa pero kasi diba tayong mga Pilipino tinuruan tayo kung paano maging malinis sa katawan,pero di siguro lahat ganun kasi nga si Pablo ang patunay.In short meron siyang tinapak sa kili kili" putok".Noong mga panahon na ito todo pang aasar din ang natanggap ko kay Naida lagi iyang sinasabi sa akin
" Sa sabihin mo nga sa manliligaw mo na pabili ako ng putok" pang aasar sa akin ni Naida.Minsan sinasabihan ko nga siya na tigil tigilan niya yung pang aasar sa tao at baka marinig eh masaktan.
Sagot naman sa akin ni Naida" Sa masakit talaga ang katotohanan".
Hindi ko naman na din pa pinatagal yung pang liligaw niya sa akin,dalawang linggo pa lang yata yun.Tinanong pa niya ako bakit daw? may nanliligaw daw ba sa aking iba or may gusto daw ba akong iba.
Sinagot ko siya ng direkta at batay sa aking pagkakatanda sinagot ko siya ng ganito" Pau alam mo ang gwapo mo,mabait ka,pero wag ka sanag magagalit ha, concern lang ako kaya ko sasabihin to,kasi sa totoo lang walang nanliligaw sa aking iba,mas gusto ko lang muna magfocus sa pag aaral ko,tsaka isa pa yung pinaka mahalaga may amoy ka,.amoy kang "TINAPAY".Gusto kong idugtong na "na putok" kaso bigla akong nahiya sa sinabi ko,kaya sabi ko pasensya na talaga hanap ka na lang ng iba,,sabay talikod.Pagkatalikod na talikod napakagat labi ako dahil sa hiya na may paghahalong tawang pagpipigil dahil kung bakit ba naman naisip ko pang sabihin yung tinapay na salita, at bakit diko na lang siya dineretsyo ng sagot.
Alam ko na nananatili siyang nakatayo nung tumalikod ako habang naglalakad palayo at binabaybay ang pasilyo ng ikalawang palapag ng paaralan.