"Irene, break na kami" mga salitang nagpaguho sa mundo ko, sa mundo ko na kahit paulit ulit yung sakit ang tingin ko ay perpekto
"alam ko" matipid kong sagot, oo alam kong hiwalay na sila naghihintay nalang ako ng confirmation
"kelan pa?" naguguluhan nilang tanong, hindi naman ako tanga at bulag para hindi malaman ang lahat
"isang lingo makalipas mula noong bumalik ako" nagkatingin ang dalawang tao sa harap ko at halata sa kanila na mas nahihirapan na sa sitwasyon dahil sa tipid ng reaksyon ko
"Irene please let us explain our sides" sabi noong taong mas nakaka kilala sakin
"bunso nag usap na kami about dito friends pa din naman kami" sabi naman noong taong sobra sobra ang pag protekta sakin
"kung may third party sa hiwalayan nyo much better na umamin na kayo" muli silang nakatinginan
"bunso wala, walang third party, desisyon namin ang lahat" malumanay nyang sabi
"kung hindi kayo mag sasabi ng totoo mas mabuting kalimutan nyo na ako, ayokong maging gitna sa inyo" tumayo na ako at umalis ng restaurant
masakit, sobrang sakit na lahat ginawa ko maprotektahan lang ang relasyon nila pero biglang masisira ng kung sino lang, patuloy ang pag iyak ko at paglalakad hangang sa napunta ako sa lugar kung saan nag simula ang lahat.