Chapter 2

2004 Words
Nagsimula na ang kasiyahan ng makarating si Nate sa pinagdausan ng birthday party ng kaibigang si Mike. Bilang lamang ang mga bisita nito na kinabibilangan ng ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak kung kaya pagbungad pa lamang niya sa pintuan ng hall ay naispotan agad siya ng kaibigan. Para bang hinihintay ang kanyang pagdating at lagpas hanggang tainga ang pagkakangiti pagkakita sa kanya. Excited na sumalubong si Mike at yumakap kasabay ng pagtapik sa kanyang balikat. “You are so late, bro, akala ko hindi kana makakarating?”, saad nito na parang sobrang relief ang pakiramdam nito dahil sa kanyang pagdating. “Pwede ba nama yun, bro? Malalate lang siguro pero hindi pwedeng hindi makakarating. Happy birthday, bro.”, binati niya sa kaibigan at mas lalong rumehistro ang sobrang pagka tuwa sa mukha nito. “Sabi ko nga! Hindi mo naman ako matitiis, eh. Thank you, bro.”, masayang wika ni Mike at nakangiti siyang tumago tango sa dito. Tama naman, isa ito sa mga matalik niyang kaibigan kung kayat importante para sa kanya ang pagdalo sa importanteng araw nito. „Ah, well, let’s get to the table. Naroon na si Duke at katulad ko ay naghihintay din saiyong pagdating. And mind you, may mga bisita akong magagandang chicks.”, nakangising wika nito sabay turo sa binata na natawa lang din at nailing. Kahit kailan talaga maloko itong si Mikei at pati siya ay gusto pang isali sa mga kalokohan. “Hand’s off ako diyan, alam mo na.”, nakatawang paalala niya dito habang iniisip ang kasintahan na naiwan sa town house. “Haist! Walang ganyanan, birthday ko ngayon kaya dapat mag-enjoy tayong lahat.”, turan ni Mike. “Bakit pala hindi mo isinama ang anti-social mong girlfriend?”, pabirong tanong nito at nataasan niya ito ng kilay. “Alam ko na, busy sa pagsusulat.”, ito na rin ang sumagot sa sariling katanungan habang simpleng tinutuya ang kanyang girlfriend. “It’s her work, bro, pinapaabot nga niya ang mainit niyang pagbati saiyong kaarawan.”, kahit paano ay nanatili naman siyang kalmado kahit medyo naoffend siya sa pagkadisgusto nito sa kayang kasintahan. Hindi kasi mahilig sumasama si Mia lalo sa mga ganitong pagkakataon na kasama niya ang mga kaibigan. Hindi niya mawari kung talagang naitataon lamang na naghahabol ito ng oras para sa trabaho o di kaya ay nagdadahilan lamang upang iwasan ang kanyang mga kaibigan. Pero sa pagkakakilala naman sa dalaga ay hindi naman ito namimili ng mga taong makakasalamuha. Mabait si Mia, maalaga, at higit sa lahat ay mapagmahal. Marunong itong maghandle ng relationship at wala pa siyang natatandaang nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan simula ng magkaunawaan at nagdesisyong magsama sa iisang bubong. Sa sweetness nito ay hindi niya ito mawaglit-waglit sa isip at parang palagi niyang gustong umuwi sa bahay. “Salamat naman kung ganon, akala nga namin hindi ka na niya pinayagang umalis?”, nakaismid na pahayag ni Mike at napailing na lamang siya dito. Hindi niya alam kung bakit hindi ito pabor kay Mia samantalag hindi pa naman nagkikita ang dalawa. “Huwag ka nang magtanong kung bakit, bro, dahil simula ng naging kayo ng writer na iyan hindi kana masyadong nakikipagbonding saamin.”, tila may hinanakit na turan ng Mike at mas lalo siyang nagpalatak ng tawa. Never ngang nakialam si Mia sa mga lakad niya lalo sa usaping pakikipagbonding sa mga kaibigan niya. Bagkus ay palagi nitong sinasabing mag-enjoy and have fun. Siya lang yung palaging nauunang umuwi. Pero hindi dahil may curfew siya o kagustuhan ni Mia kundi sinet niya yun sa sarili para sa dalaga. Ewan ba niya simula noong makilala niya si Mia ay mas gusto na niyang palaging nasa bahay at kasama ito. “Busy lang sa trabaho, bro, there’s nothing to do with her.”, pasimpleng pagtatanggol niya sa dalaga. “Huh! Whatever, ang sabihin mo kinulam ka niya. Masabuyan nga kita ng asin mamaya.”, ani Mike at hindi niya napigilan ang malakas na pagtawa. Kung ano-anu na lang talaga ang naiisip nito tungkol kay Mia. Pagdating nila sa table na kinaroroonan ng mga kaibigan ay kanya kanyang pagbati ang ginawa nila sa isa’t isa na para bang antagal nilang hindi nagkitakita. „Bro.”, halos isa isang nagtayuan ang mga kaibigan at nakipagbunguan ng kamo sa kanya. Yung iba ay tumayo at nakipagyakapan pa talaga. “Alone again?”, birong wika ni Duke na isa sa mga pinaka close niyang kaibigan. Ngumiti lamang siya dito sapagkat tulad ni Mike ay ganoon din ang ibig nitong sabihin. “No problem, bro! Marami naman tayong mga kasama ditong mga magaganda. Hindi lang maganda, mga sosyal pa.”, nakangising wika ng isa nilang kaibigan at nailing na lamang siya habang nakatawa. Pasimple siyang tumingin sa paligid at mukha ngang maraming bisita si Mike na girls. Kanya kanyang bitbit ng partner ang mga kaibigan pero hindi na siya nagtaka kung may mga kasama ang mga itong ngayon lamang niya makita. Parang normal na sa iba niyang kaibigan ang paiba-iba ng bitbit na partner kapag may mga ganitong pagtitipon. Kung hindi pa niya alam ay pabonggahan at padamihan ang mga ito ng mga girls. Pero may ilan ding mga kaibigan na stick-to-one na tulad niya ay ngumingiti lamang sa trip ng iba. “Nakakita ka na?”, si Duke pagkatapos siyang hatawin ng mahina sa may dibdib. “Don’t pollute my innocent mind. I’m not into it, bro.”, sagot niya ngunit ngumisi lamang ito kasabay ng pag-abot ng isang glass na may lamang brandy. “Habang bata pa at walang asawa, enjoy! Have fun!”, wika nito at nataasan niya ito ng noo habang nakangiti. Pero bakit ba kasi siya magugulat samatalang dati ay wala naman din siyang ipinagkaiba sa kanila. Tumigil lang din talaga siya sa pagkahilig sa mga babae noong dumating sa buhay niya si Mia. Simple lang na babae pero nabihag nito ang kanyang puso. „May ipapakilala kami saiyo, maganda, sexy at higit sa lahat elegante. Yung tipong hindi ka mahihiyang idisplay sa madla. Ganon ang bagay saiyo, hindi tulad ng Mia mo na nakamukmuk lang sa isang sulok at nag-iimagine ng kung ano-ano.”, turan ni Duke na mas lalo niyang ikinangiti at ikinailing. Kung pagandahan lamang at paseksihan ay wala ng mas hihigit pa sa kanyang kasintahan. Kahawig kaya nito si Marimar. “Kidding aside, ano nga pala ang nagustuhan mo doon, bro? Feeling ko lang ah, gumamit yun ng gayuma para magustuhan mo.”, wika pa ni Duke at mas lalo siyang nailing kaya sa halip na sagutin niya ang akusasyon nito kay Mia ay tinungga na lamang ng direcho ang ibinigay nitong alak. Ayaw na niyang marinig ang anumang negatibong pahayag para sa kanyang kasintahan kaya mas mabuting ibaling na lamang sa paglagok ng alak ang usapan. “Huh! This is good.”, wika niya pagkatapos ay sumenyas sa napadaang waiter na may hawak hawak na brandy at pinalagyan ang kanyang baso. “Salamat!”, saad niya sa waiter at nagbow ito kasabay ng maingat na pag-atras upang umalis. “To Mike’s birthday, cheers!”, turan niya kasabay ng pag-angat ng baso sa ere at sumunod din ang kanilang mga kasama. “Cheers!”, ang lahat at halos sabay sabay nilang itinungga ang mga baso. "Thank you! Thank you! Let’s all enjoy the party and have fun tonight!", si Mike at isa isang binatingting ng kubyertos ang kani-kanilang mga baso. Sobra namang natuwa ang birthday celebrant at ilang ulit din itong nagbow tanda ng pasasalamat. Pagkatapos magpasalamat ni Mike sa lahat ay nagsimula na ang kasiyahan at inuman. May nagsising along na at pagkaraan ng ilang saglit ay mayroon na ding tumayo sa gitna at sumayaw. Hindi naglaon ay napuno na ang dancefloor at kanya kanya ng indak sa pagsayaw. Everybody is having fun. Pati siya ay nag-eenjoy sa party pero siyempre hindi siya sumama sa dance floor bagkus ay lumipat sa may bar habang nakangiting pinapanood ang ang mga sumasayaw. Maya maya ay may babaing umupo sa kanyang tabi. Narinig niyang umorder ito ng wine sa bartender. Nakita rin niyang inabutan ito ng barter ngunit hindi agad umalis kaya pasimple siyang sumulyap dito. “Hi!”, nakangiting turang nito ng magkasalubong ang kanilang mga mata. Ngumiti siya pagkatapos bahagyang yumuko. Ngunit itinaas nito ang hawak na wine glass na tila gustong makipagcheers kaya inilapit niya ang hawak nabaso sa glass nito pagkatapos ay magkasabay na tumungga. “Maureen.”, nakangiting turan nito habang nakalahad ang isang kamay. “Nathaniel.”, saad niya at kahit may pag-aatubili ay tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Mas lalo itong ngumiti at sa pagkakataong iyon ay lumabas ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin. Maganda siya, morena, at tuwid na tuwid ang napakaitim nitong buhok. Kung hindi siya magkakamali ay isa itong modelo ng toothpaste o shampoo. “Would you mind if I join you?”, nakangiti pa ring turan nito at hindi niya namalayan ang pagtango. She looks polite at sa tingin niya ay hindi naman ito magiging perwisyo. “No, of course. Not at all.”, tugon niya. Hindi dahil gusto niya kundi dahil mayroon din siyang tinatagong pagkagentleman. “Wala kang kasama?”, maya maya ay tanong nito. Napatingin pasiya sa paligid para hagilapin ang mga kaibigan ngunit nag-eenjoy ang mga ito sa dance floor. “What I mean is your girlfriend?”, wika nito kung kayat naibalik niya ang paningin sa mukha nito. Sa nakataas nitong noo ay tila naghihintay ito ng kasagutan umiling siya. “No. She’s not with me.”, sagot niya at halos mapakunot siya ng noo dahil unti-unti itong ngumiti ng sobrang tamis. “How sad! Pero kung gusto mo pwede namang akong maging substitute.”, saad nito at siya naman ang napataas ang noo pagkatapos ay hindi napigil ang pagngiti. It’s been a while na naging lapitin din siya ng mga babae at kung ano ano ang inooffer. Pero hindi siya makapaniwalang ganito ang babaeng ito samantalang nagmumukha namang disente. “Yan ay kung gusto mo lang naman. Paminsan-minsan lang akong mag-offer at mayroon din itong expiration,”, wika nito kung kayat tuluyan siyang natawa. Kahit paano ay may sense of humor din ito. “So, payag ka na?”, turan nito pagkatapos. „Do I have a choice?”, wala sa sariling tugon niya habang nakatawa. From that ay nakakwentuhan sila hanggang sumali na din sila sa mga sumasayaw sa dancefloor at maging sa kantahan. They had fun, and to be honest ay nag-enjoy din siya sa company nito. Pagdating ng uwian ay nagprisinta na rin siyang idaan sa kung saan ito nakatira na siyang ikinasiya ng mga kaibigan. Alam niyang iba ang iniisip ng mga ito pero para sa kanya ay gusto lang din niyang maging mabuting kaibigan kay Maureen dahil sa kahit paano ay nag-enjoy siya sa party ng dahil dito. Inihatid niya ito sa condo nito kahit out of way pauwi sa kanyang townhouse. Bilang bagong kaibigan ay gusto rin niyang safe itong makakauwi. Ngunit pagdating nila sa harap ng condo nito ay humarap ito sa kanya at bigla siyang hinalikan sa labi. Nagulat siya kaya hindi siya agad nakapagreact. Subalit naging aggressive ito at pati ang belt at zipper ng aking slacks ay kanyang pinakialaman. She holds what’s inside his pants so tight and squeeze it kaya bigla iyong nagising at napatayo ng tuwid. And just a split second ay lumipat ang paghalik nito at halos mawalan siya ng hininga sa ginawa nitong sa kanyang sandata. Bago siya makarating sa kalangitan ay umupo ito sa kanyang kandungan at gumiling-giling hanggang parehong makaraos. Sadyang napakabilis ng pangyayari at hindi siya makapaniwalang nagawa niyang makipagtalik sa ganong sitwasyon. Tila hindi pa ito nakuntento, inakay pa siya sa loob ng condo nito at doon ay mas intense pa ang ginawa nitong pagpapaligaya sa kanya hanggang mapagod at nakatulog sa tabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD