"How did the party go? Hope you all had fun!", tanong ni Mia kay Nate habang magkaharap sa hapag para sa kanilang umagahan. Kahit paano ay excited din siyang malaman kung nag-enjoy pa rin ito kahit hindi nakasama sa party.
“Uhmm, yeah! Masaya, nag-enjoy kaming lahat.”, saglit itong napatigil ngunit maya maya ay masiglang tugon nito.
“Mabuti naman kung ganon. Sorry, babe, kung hindi ako nakakasama sa mga parties ng mga friends mo.”, saad niya habang nakakaramdam ng kunting pagkaguilty. Hindi pa kasi siya nakakaattend sa mga party ng mga kaibigan ng binata dahil palagi naitataon na naghahabol ng deadline sa upisina.
„No worries, baby. It's not a big deal to me.", sagot nito kung kayat ngumiti siya ng may relief dahil sa pagkamaunawain nito.
“Thank you, babe. Hayaan mo, I’ll make sure na makakasama na ako saiyo sa susunod.”, pahayag niya at ngumiti lamang ito ng matamis. What she truly loved about him is that he never shows disappointment, even when she fall short. Instead, he embraces her even tighter and smiles sweetly, as if her presence alone makes him the happiest person in the world. At dahil diyan ay mas lalo niya itong minahal. Pagsisilbihan niya ito sa abot ng kanyang makakaya at walang ibang gawin kundi pasayahin ang binata.
Naglagay pa si Mia ng ilang pagkain sa plato ni Nate. Napakadali kasi nitong naubos ang unang sinerve niya dito at natutuwa siya dahil tila palaging masarap ang inihahanda niya kahit mga simpleng pagkain lamang ang mga ito. Hindi siya marunong magluto at gumawa ng gawaing bahay before sapagkat lumaki naman siyang may mga taga-gawa ng mga iyon. Pero gusto niyang pagsilbihan ng personal si Nate kaya pinag-aralan niya ang pagluluto at mga simpleng gawain sa bahay. Kaya naman sa halip na may nakasteady na kasama nila sa bahay ay twice a week na lamang itong nagpupunta upang maglinis at maglaba. Kung wala siguro siyang trabaho na kailangan ding pagtuunan ng pansin ay siya na lang ang gagawa ng lahat. Magkaganon man ay nagpapasalamat pa rin siya na may helper na pumupunta sa kanila dahil napapanatili ang kaayusan at kanilisan ng kanilang tirahan. Isa pa matagal na ring helper ni Nate iyon at talaga namang mapagkakatiwalaan.
Pagkaraan ng ilang saglit ay tumunog ang cellphone ni Nate. Nagkatinginan pa sila sapagkat bihirang may tumatawag sa binata ng ganoon kaaga. Ganon pa man ay inabot nito ang cellphone ngunit napakunot ito ng noo ng makitang bagong number ang tumatawag. Hindi niya pinapakialaman ang cellphone ng binata ganon din kung sino-sino ang tumatawag dito. Sa simula pa lamang ng kanilang relasyon ay rinerespeto na niya ang privacy nito. Sa halip na sagutin ng binata ang tawag ay inignora niya ito. Kayag inisip na lamang niya na hindi ito tumatanggap ng caller na hindi nakarehistro sa telepono nito. Nagkibit lang din siya ng balikat pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagkain. Ngunit tumunog na naman ulit ang cellphone nito na tila hindi titigil ang tumatawag hangat hindi ito sumasagot.
“Yes?”, may pagkainis na turan ng binata ng mapindot ang answer button ng cellphone. Napangiti siya ng bahagya sapagkat ngayon lamang niya makitang mainis ang binata. Hindi naglaon ay nakita niyang rumehistro ang pagkagulat sa mukha nito habang biglang naglikot ang mga mata.
“I’ll call you later. I’ll be at the office in 30 minutes.”, pahayag ng binata pagkatapos ay mabilis nitong pinindot ang end button.
“My secretary! Nakalimutan niyang papermahan ang isang mahalagang dokumento kahapon so she rings me this early.”, saad nito na tila biglang naging aligaga.
“Haist! Ganon talaga, nobody’s perfect. May mga time talaga na hindi natin maalala ang lahat. Ang importante ay nasabihan ka niya ng maaga. Sige na, tapusin mo na ang pagkain mo para makapaghanda ka na sa pagpasok.”, pag-aalo niya sa pagkatuliro ng binata.
„Sabagay. Thank you, babe.”, kalmadong saad nito at nakangiti niyang hinaplos ang buhok ng binata.
“I love you. Sige na, magbihis ka na doon para makaalis ka na agad.”, pagtataboy niya dito pagkatapos. Nakangiti namang tumayo ang binata ngunit sa halip na tumungo agad sa silid upang magbihis ay pumunta ito sa likod niya at ipinulupot ang mga bisig sa kanyang baywang pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi.
„Always remember that I love you so much.”, pahayag nito at walang kasintamis ang pinakawalan niyang ngiti ng tumingin siya dito. Napakasweet ni Nate at kahit matagal na silang nagsasama ay abot pa rin hanggang langit ang kanyang kilig.
“Go! Baka magkadiabetes na ako sa sobrang sweet.”, biro niya at natawa ito ng malakas. Pinindot ni Nate ang kanyang ilong bago ito tinungo ang room upang magbihis.
“Hi! Why did you leave so early?”, agad na narinig ni Nate ng iangat ang kanyang telepono. Saktong kauupo pa lamang niya sa kanyang swivel chair sa upisina ng tumuwag ulit ang caller. Napahawak siya sa kanyang noo sapagkat halos pagpawisan siya ng malapot kanina dahil nasa harap niya si Mia ng tumawag ito. Mabuti na lamang at hindi nito pinapakialaman kung sino ang tumatawag sa kanya pero sobra siyang naguilty.
“Sorry. But I had a bunch of work waiting for me at the office, so I really needed to go.”, wala sa sariling paliwanag niya dito.
“Oh, it’s alright, pero sayang dapat ginising mo ako para nakapagbreakfast muna tayo.”, tugon ng nasa kabilang linya at naitaas niya ang noo kasabay ng pagsulyap sa hawak na cellphone. Kung ano man ang nangyari sa kanila last night ay hanggang doon na lamang iyon at wala siyang balak na palawigin ito. Kontento na siya kung ano ang meron sa kanila ni Mia at ayaw niyang masira ito.
“How about I bring food to your office, and we can eat together?”, pahayag nito at agad siyang naalarma.
“No! … I mean I’m so busy right now. I won't be able to accommodate any visitors today.”, mabilis niyang tugon.
“How about tomorrow?”, suwestiyon pa nito.
“I’m afraid, I can’t!”, tugon niya at narinig niyang tumawa ito ng mahina.
“I like you.”, nakatawang pahayag ng nasa kabilang linya at natawa lang din siya ng mahina. Hindi bago sa kanya ang mga linyang iyan lalo sa mga babaeng kanyang nakakaniig but not this time. He had the sweetest girl in his, and he had no intention of letting her go.
“It’s a NO for me. I have a girlfriend.”, direktang pahayag niya dito. Mas mabuting malaman agad nito na walang pag-asa at hindi siya interesado.
“Ouch! You broke my heart.”, maarteng pahayag ng nasa kabilang linya at napailing siya.
“But I don't give up that easily. May the best woman win, then?”, wika nito at di niya napigilang nginitian ang sarili ng may pagkasarkastiko. Dalawang taon na sila ni Mia na magkarelasyon at sa dalawang taon na yan ay never niyang naisipan na tumingin sa iba. He’s happy. He’s contented. Si Mia lamang ang gugustuhin niya at wala ng iba pa.